Fading

754 24 3
                                    

Pagdilat ko ng mga mata ko ay agad kong nakita si Christian sa kama at nakahiga at napansin kong may hawak ako sa kamay ko... yung kwintas na binigay niya.

"Panaginip lang pala yon? Ang lahat ng yon?!" Sigaw ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

"Christian? Gising na. Gumising ka na..." hagulogol ko sa tabi ni Christian habang inaalog ang katawan niya ngunit wala akong natanggap na response mula sa kanya.

"Ang daya-daya mo naman ee! Sabi mo di mo ko iiwan! Oo OA na kung OA dahil di ka pa naman patay. Ee sino ba nakakaalam?! Sino bang makakaalam na mamamatay ka na pala?! Sino bang makakaalam na baka mamaya, bukas, sa makalawa, sa susunod na linggo o buwan ee mamamatay ka na?! Kaya gumising ka na! Bigyan mo ko ng at least konting kasiguraduhan na hindi pa... na malayo pa... na matagal pa! Bumangon ka na jan!!" Pagwawala ko sa tabi niya ngunit wala pa din siyang itinugon.

"Bakit kailangan mo pang umalis? Di pa nga kita nakakasama ng husto dito sa mundo ko, sa totoong mundo ko ee! Tapos mawawala ka na 'gad ?!" Hagulgol ko pa.

"Ano ba'ng pwede kong gawin magising ka lang? Gumising ka na please." Pagkasabi ko non ay tumunog din ang alarm ko sa cellphone ko, umaga na pala. May pasok na pala pero di ako papasok.

"Kuya Jobert, wag mo na kong sunduin dito sa condo. Di ako papasok, di maganda pakiramdam ko. Wag ka din masyadong mag-alala, di naman malala kaya kaya ko na po." Text ko kay kuya Jobert. Saglit lang at tumunog ulit yung cellphone ko.

"Sige, pagaling ka sir" reply ni kuya. Di ko na nireplyan.

"Hoy! Christian! Bangon na!" Pagbalik ko ng atensyon kay Christian dahil ang tagal na niyang tulog.

"... mahal kita kaya kung maaari lang ay gumising ka na... please lang... nagmamakaawa ako. Sige na, pagbigyan mo na ko" paputol-putol kong sabi. Ngunit wala pa ding tugon.

"Mahal? Gising na..." sabi ko. At nagulat ako sa nangyari dahil nawala siya saglit, super saglit. Parang nag-blink na ilaw.

"Huy! Anong nangyayari?! Wag mo kong takutin! Gumising ka na please lang!" Hagulgol ko habang nakahawak sa kamay niya.

"Please lang gumising ka na. Naniniwala ako sa kakayahan ng pagmamahalan nating dalawa... naniniwala ako sa himalang kayang gawin nito. Kaya bangon na... sige na oh!" Pagmamakaawa ko sa kawalan.

Nanlabo ata paningin ko sa kakaiyak dahil parang malabo ang kulay ni Christian kaya pinigilan ko munang umiyak at nagpunas ng mata para makita ko nang mabuti si Christian. Dapat di ko nalang ginawa... dahil malabo na talaga siya. Nagpe-fade na yung kulay niya kaya mas lalo pa kong humagulgol.

"Huwag mo kong iwan please. Huwag... huwaaaag. Di ko kakayanin." Patuloy ko sa pagdadrama.

"O kaya at least magising ka man lang bago ka umalis. Please... kausapin mo lang ako't saka magpaalam. Pwede na yun. Please?" Pakiusap ko sa nakahigang si Christian.

Bukod sa sakit ng nararamdaman ko sa di siguradong pag-alis niya'y may iba pa kong nararamdaman... kumikirot yung puso ko, ang sakit. Literal na masakit.

"Christian gising na oh! Dali na!" Nagwawala na talaga ko sa tabi niya, hinahampas ko yung kama, sinisipa ko yung sahig, tumatalon-talon habang nakaupo.

"Mas masakit yung ganitong pamamaalam kesa sa nagsabi ng hindi na kita mahal. Dahil dito, di ko sigurado kung may hihintayin ba ko o babalikan man lang. Dahil itong pamamaalam mo sakin Christian, mananatiling di malinaw at walang kasagutan magpakailan man." Mahinahon ngunit walang buhay kong sabi.

"Bakit mo ko iiwan? Di mo man sabihin, nakikita ko naman. Unti-unti ka nang nawawala. Naglalaho ka na..." Walang buhay kong pagsasalita.

"Nangako kang di mo ko iiwan, pero pinapakita mo na sakin ngayon na di mo kayang tuparin..." pagpapatuloy ko.

"Sana hindi ka nalang nangako Christian, sana di mo nalang ako pinaniwala sa mga pangako mo. Edi sana wala akong panghihinayangang pangakong di matutupad, ngayon..."

"Ang hirap naman kung sa panaginip na lang kita makikita... ang sakit naman kung paggising ko sa umaga wala ka na."

"Siguro nga di tayo para sa isa't isa... kasi anghel ka at tao lang ako..."

"Ang tanga-tanga natin noh? Pinagpilitan pa natin yung bagay na di naman talaga dapat..."

"Maski ang pagmamahal di na din kinaya yung paglabag natin sa utos ng magkabilang mundo..."

"Maski yung pagmamahal sumuko na din..."

"Mahal man natin ang isa't isa, dahil yon ang sabi natin... pero baka hindi nga talaga..."

"Kasi sabi na din sa bible na, 'love never fails. If it fails, it wasn't love'... malinaw na malinaw. Nabigo na tayo, kaya maaaring di talaga yun pagmamahal" mahaba kong litanya habang nakatingin kay Christian na malapit ng maging transparent ang kulay.

Nakatulala nalang ako sa kanya, naubos na din kasi ata yung mga luha ko sa mahabang oras na pag-iyak. Konting-konti nalang at mawawala na siya. Hinalikan ko nalang siya sa noo... ito na ang huling pagkakataon na mahahalikan ko siya.

"Paalam... My guardian... my angel... my lover..." sabi ko pagkatapos ko siyang halikan sa noo.

Maya-maya pa'y naglaho na talaga siya ng tuluyan. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko sa pisngi ko habang nakatingin sa kawalan.
Ilang minuto pa ang lumipas mula nang maglaho si Christian ay may naramdaman akong malamig na ihip ng hangin na pumalibot saking katawan.

"Paalam. Salamat." Walang buhay kong sabi.
Nakatulala nalang ako at di na ko kumilos o kumain man lang.

"Paalam... mahal ko." Dagdag ko.

"Di na ko umaasang magkikita pa tayong muli." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

********************************

A/N: "The End."

Charooot! Hahahaha wala pa nga si Zander ee. Hahaha

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon