Chapter 1: Single

597 5 0
                                    

Brevan Dawson's P.O.V.

Habang naglalakad ako papuntang school. Hindi lingid sa kaalaman ko na pinagtitinginan ako. Bakit? Hindi naman sa nagmamayabang pero gwapo naman kasi ako. Pero sigurado ako, ang pinaka nakakapukaw ng atensyon nila ay ang porma ko.

Pormang EMO.

Tss. Nakakainis lng eh. Ayoko ng pinagtitinginan ako, naiilang ako.

By the way, ako si Brevan Dawson. Ganda ng pangalan ko? Galing sa pangalan ng lechugas kong mga magulang na "BREnda" at "eVAN". 15 years old na ko. Third Year High School at nagaaral sa paaralan.

Characteristic ko?

Matangkad, matangos ilong, maputi, chinito, Fit ang katawan ko. Yun lang.

Ilan na naging Girlfriend ko? Isa pa lng dre.

One thing. Isa akong EMO.

Nakapasok na ko ng gate at eto papasok na nga ng building namin. Tss, ang aga aga tsismisan ng tsismisan ang mga malalanding pokpok na estudyante. Sorry, nagpapakatotoo lng. Di bale. Di naman nila alam na sila tinutukoy ko kasi sa isip ko lng naman un eh. Basta wag nyo rin ipagsasabi! Hahaha.

Hindi ako mayaman, may-kaya lng. Pero sa public school ako nag aaral. Kaya ung mga lower section na estudyante daig pa ang teacher kung makapag make-up. Yung tipong pwede mong masabihan ng "Anong oras DUTY mo?" tapos ung mga lalaki naman kala mo naman kung sinong siga na mas siga pa daw sa Guard ng school. Kung maka-lakad. At nakakairita tingnan ang mga may kulay nilang buhok. I mean, ibang kulay na buhok except sa natural color.

Kung makapagsalita naman ako kala mo walang ibang kulay buhok ko eh.

Madalas napagkakamalan akong Japanese. Mukha naman kasi eh.

Back to reality.

Bago ako makapasok sa room namin. May nakita ako sa periphal vision ko. Isang mganda at kaaya ayang tanawin.

Mamaya ko na ikwekwento kung bakit.

Loner ako, kahit maraming pumapansin sakin. Ayoko lng magsocialize. Peace.May program ngayon kaya eto nagkalat ang mga estudyante. Ako, nandito lang sa isang tabi..

Napangiti ako ng makita ko sa stage, ung kaaya ayang tanawin.

Tulala habang nakatingin sa kanya sa stage sa kalagitnaan ng sobrang daming estudyante.

Ang talas ng mata ko Hahaha

Yung crush ko na si Yesha Abigail Ybañez.

Alam nyo bang ang ganda nya talaga..

Buo na naman araw ko!

Tanyo!? Ang tahimik ko pero malandi din ako, sa isip nga lang XD

Pagkauwi ko ng bahay punta kagad sa harap ng computer at nagopen kagad ako ng FB. at agad na nagpost sa Wall.

"=) Haha! Nakita ko na naman sya!"

Tapos nag-out na ko. At dumeretso na ko sa may drawer ko at kinuha ang...

Diary ko..

Nakakatawa ba? Weird? Haha. Ganun talaga. Eto lng kasi kausap ko. Trip ko eh. Pero ung diary ko detalyado.

May Oras, Date at May Drawing ng Favorite kong scene sa araw na yun.

Six months na kong single. At ang lupet. Haha wala lng nalulupitan ako. Di, wala kasiakong ginawa kundi magFacebook eh.

Ang drinawing ko ngayon, Yung scene na nakita ko siya sa stage. Na Busy pero nakangiti..

*ring*

Kinuha ko ung phone ko kasi may tumatawag kaya sinagot ko naman

"Yo?"

(Tsong.)

"Oh?"

(Praktis)

"Geh."

*toooot tooooot toooot*

Kaya eto pagkalabas ko ng bahay andun na kagad sila. Mga kabanda ko to. Hehe. Syempre may kaibigan naman ako nuh.

"Bagal lumabas.." Ngumisi si Tsong Gio tapos umupo dun sa upuan na nasa harap niya.

"Busy ako eh. Istorbo kayo. Lechugas." -___-

Tapos nagpraktis lng naman kami. Anong pangalan ng banda namin? "Violent Side" secret na lng kung bakit. Hehe.

"Walangyang buhay naman oh!Bakit walang ulam?!!" sigaw nung lechugas kong nanay.

"Brev!!!"

-__- Tss. Utos yan.

"Po?" magalang ako

"Bakit di ka nagluto?"

"Next time" tapos umalis na ko. Aba, nakita ko kasing papasok ng bahay ang isa pang lechugas. Ang Lechugas kong tatay na lasing na naman. Tss. -_-

Wag nyo ng pakinggan ang mga sasabihin nila. Ang pangit kasing pakinggan. Kaya magpapatugtog na lng ako.

Pag ganto ang buhay sa bahay. Parang ang sarap magpakamatay. Yung tipong may magulang ka nga, mga lechugas naman.

-Kinabukasan-

The same lng ang nangyare.

Basta ang ginawa ko lng.

Nagpost ao sa group kung saan Admin ako. Yung "TheLoveRoom".

--------

Hello Kamusta? Admin "Brevan"-irr..

Kahapon nakita ko si Crush..."

--------

tapos maya maya ang daming nagcomment. Hahaha. Puro tanong!

Sino?

Sino po siya?

Admin sino siya?

Ang sagot ko lng naman ay..

SECRET HAHAHAHA

Love Hurts, Love Waits [True Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon