Chapter 10: Saviour ko si Ms. Sungit.

133 5 7
                                    

Brevan's P.O.V.

Pangalawang Araw ko ng hindi napasok. Nandito lng naman ako sa bahay. Kunwari matutulog pero ang totoo nagsasoundtrip lng ako.

"oi! Brevan, Alis na ko ha? May pagkain jan kumain ka naman Halos tatlong araw ka ng di kumakain ah, payat payat mo na. Matulog ka narin.Babay." sabi ni Ate ko

Sa haba ng sinabi ng Ate ko tumango lng ako sa kanya at dumeretso ako ng kusina. Hindi para kumain kundi para uminom lng ng tubig. Ganun lng ginagawa ko. Ang uminom lng ng tubig walang kain kain. Di din ako gutom.

Pagkabukas ko ng refrigerator.

May nakita akong 4 na San Mig Light na nakalagay dun. Malamang sa erpat ko to.

Parang may kung ano sakin na wala sa sariling kinuha ko un.

"Titikman ko lng.."

parang nung isang araw lng siabi kong di ako iinom, pero eto ako ngayon, susubukang uminom. Pumasok na ko ng kwarto ko at ayun nga tinikman ko ung San Mig Light.

Light nga lng ung lasa. Pero nararamdaman kong nahihilo ako.

Nakatulog ata ako, kasi nagising na lng ako gabi na.

Wala pa ring tao sa bahay kundi ako lang. Napatingin ako sa bote ng San Mig. Wala na siyang laman.

Kinuha ko pa ung 3 San Mig light na andun at pumunta ako ng FTI. Wala lng.

Tiningnan ko ung CP ko. At nakita ko dun ang Wallpaper ko na si Yesha..

Nakangiti..

Napabuntong hininga na lng ako.

Di ko namamalayan naubos ko na naman ung isang bote.

Wala sa sariling idinial ko ang number ni Yesha.

"Hello?.. Hon?.."

(Bakit!?)

Halata sa boses niya na naiirita siya "Ayaw mo ko kausap?.. Alam mo bng miss na miss na kita? Kelan ba ulit tayo magiging TAYO?"

(Lasing ka?)

"Hindi ah.."

(Uminom ka?)

"Oo.."

(Bakit?)

"Masakit."

Tapos biglang nagcall ended.

Ayaw niya ata akong makausap. Naluluha ako.

"Sabi na ikaw yan eh."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ailley na nakauniform pa.

"Bakit ka andito? Pinuntahan mo ko?"

"Lokohin mo lelang mo Boy! Asa ka -_- Pupunta kasi ako ng Sunshine." (Yung sunshine, Mall un dito samin na part ng FTI).

"Eh ikaw? Bat andito ka?" tapos sinipa niya ung Bote ng San Mig na wala ng laman.

"Tss. Kadiri ka, umiinom ka pala? EMO ka nga."

"Pag-EMO nainom kagad? D ba pwedeng sinubukan lng."

"Ewan ko sayo. Jan ka na. Babush." tapos naglakad na siya palayo.

Lumipas ang sandali at nakatingin lng naman ako sa mga tricycle na nadaan. Naubos ko na ang Pangatlong bote. Etong iniinom ko, nasa kalahati na. Medyo may TAMA na rin ako. Dumudoble na paningin ko eh.

"Bakit di ka pa umuuwi?" alam ko na si Ailley yan, boses niya kasi.

"Next Time."

"Tss."

Love Hurts, Love Waits [True Story]Where stories live. Discover now