Chapter 13: Di mo na mababawi

85 3 0
                                    

Brevan's P.O.V.

Napahugot ako ng hininga at unti unting iminulat ko ung mata ko.

Umaga na pala..

'Buhay pa ko?'

Napatingin ako sa kanang kamay ko. May gumamot na, malinis na un. At nakabalot na siya ng Bulak with scatch tape pa talaga. Napakunot ung noo ko kasi may napansin akong kamay na nakahawak sa kaliwang kamay ko.

Nung sinundan ko un ng tingin.

O____o? Huh? Anong ginagawa nito dito?

Nakita ko ang maamong mukha ni Ailley na natutulog. Nakasando siya, jeans at naka-Flats.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa at dahan dahan ko siyang binuhat para siya naman ang mahiga sa sofa. Psh. Aba! ang bigat pala nito. Haha

'Gusto kong makipagbreak sayo..'

Napakurap na lng ako. Nararamdaman ko na naman ung sakit ng paghihiwalay namin.

Nung napahiga ko ng ng maayos si Ailley umupo ako sa sahig. Nang mapatingin ako sa lamesa. May nakita akong Shirt na puro DUGO.

Naalala ko na ung mga pangyayare. Saviour ko na naman si Ailley Hahaha. Ang sakit ng ulo ko, hang over to.

Napansin ko din na may cellphone sa mesa. A, kay Ailley to.

'Gusto kong makipagbreak sayo..'

Umiling ako. Ayoko munang umiyak. Kahit pa gustong gusto kong umiyak. Natauhan ako sa sinabi ni Ailley kagabi. Kahit pa, nagtataka rin ako dun sa part na sinabi niyang 'Ang bulag mo!' gusto ko tuloy malaman kung anong ibig sabihin nun.

Pagkatingin ko sa phone ni Ailley.

54 Missed Calls

108 texts.

O____O Ah! Grabe naman to.

Binuksan ko ung inbox niya at puro. "Ailley asan ka na!?" "Babae!! Asan ka?" puro kabarkada niya at mga magulang niya ung nagtxt. Grabe, di tuloy siya nakauwi dahil sa katangahan ko.

Narinig kong umungol si Ailley kaya napatingin ako sa kanya.

Bumangon siya kahit nakapikit pa ung mata niya at naguunat siya.

"Hoy Brevan! Ihatid mo ko sa bahay."

Huh? Alam nyang andito ako?

"Oo! Kahit nakapikit ako alam kong tinitingnan mo ko."

Napangiti naman ako dun. Ang aga aga nagsusungit siya.

Dumilat na ung mata niya at ayun, tinitigan niya ko with Poker Face -____-

"Bakit di mo na lng ako iniwan kagabi?" sabi ko.

"Tsk. Your Welcome Ha? Walang anuman. Di ka nakaabal sakin!! -___-" sabi niya with sarcasm. "Bakit hindi ka na lng kaya magpasalamat at tinulungan kita ha?"

Tiningnan ko lng siya at ngumiti. "Salamat.." sincere ako sa pagsasabi kong iyon. Utang ko sa kanya kung bakit pa ko buhay ngaun.

Napansin kong natigilan siya.

At biglang namula?

XD Hahahah

Kaya napalayo siya ng tingin at sinuklay niya ung buhok niya tapos tumayo na siya.

"Ihatid mo na ko ui!" sabi niya.

"Mag almusal muna tayo."

"Waaah! thank God, gutom na gutom na ko *___*." sabi niya sabay napahawak siya sa tyan niya.

Love Hurts, Love Waits [True Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon