Chapter 25: Ice Magic

1.9K 49 0
                                    

Lake! It's a lake!

Nasa lakeshore kami ni Henry. At punong puno ng mist ang buong paligid dahil sa tubig ng lake.

I can't tell wether the lake is big, sobrang kapal ng mist at parang kami lang ni Henry ang tao.

Lumapit siya sa tubig at umapak siya don. May umangat na parang batong maliit sa tubig at sinapo ang sapatos niya bago pa ito madikit sa surface ng tubig.

''Do the same.'' Sabi niya.

Ginaya ko siya, at may umangat din na parang bato at sinapo ang dalawang paa ko.

Kumapit ako kay Henry, the stones started moving towards the center of the lake.

Tiningnan ko ang mga bato---- they're actually turtles! At lumalangoy sila habang nakatapak kami sa likod nila.

Nag-ga glide! Parang skating lang. Lalong kumapal ang mist, at si Henry nalang ang malinaw kong nakikita.

Tumingin ako sa tubig, may nakita kong isda na nag-go glow na dumaan sa ilalim ng mga pagong na sinasakyan ko. At ng tumingala ako, may mga nagdaang parang blue na mga alitaptap. Ang ganda!

Maya maya pa ay parang may natanaw akong mga lights. Madaming lights, papalapit ng papalapit ang mga lights at na-realize ko--- isang carnival?

Nakarating na kami sa lupa at bumaba na kami ni Henry sa mga pagong.

''This is Gritcore shop, lumilitaw lang pag gabi. Nasa isang isla sa gitna ng lake na walang nakakaalam kung saan napupunta pag umaga.''

Maraming mga makukulay na tents, at maraming nakasabit na jars na parang may mga lightning bugs sa loob na nagsisilbing bumbilya.

Maraming mga palakad lakad, at marami din namang lumilipad. Maraming nag-uusap, at may mga pamilyar na mukha ng estudyante akong nakita.

''So, tara?''

''Yeah.''
---
''Ah, san ba?''

''Hayun, yung nagtitinda ng mga ibon.'' Turo ko sa isang naka hood na matanda na nagbebenta ng mga naka-cage na ibon.

''Bibili ka ng ibon?'' Tanung ni Henry.

''Di, titignan ko lang. Ang gaganda eh.'' Sabay hatak ko sa kanya papalapit don.

Marami ding mga nakapalibot dun.

''Magkano po ang isang parakeet?'' Tanung ng isang estudyante.

''45 Librans.'' Sagot ng matanda.

Dumukot yung estudyante ng mga barya saka iyon binilang at niabot sa matanda. Pumili siya ng ibon at saka umalis.

Tiningnan kami ng matanda, naka hood siya pero kitang kita ang kulubot niyang mukha.

''Tara dun, fortune-telling!'' Sabay hatak ko kay Henry papunta sa isang tent na may nakalagay ng fortune,hope and marvels. (Joke lang, yosi na yun eh XD)

Pumasok kami ni Henry sa tent-flap. Madilim at empty. Pero may isang naka-hood na matanda ang nasa pinaka dulo at nakatalikod.

''Are you ready to know what lies ahead of you?'' Tanung niya sa garalgal na boses.

''Anung pong gamit niyo sa panghuhula?'' Magalang na tanung ko.

''Stars.''

''Ganun po ba. Okay, Gemini po ang zodiac ko.''

Humarap siya.

''Hindi mo kaylangang sabihin, ang gagamitin ko ay mga stars sa ulo mo. Ang kaylangan ko lang gawin ay pukpukin ka ng pamalo, at sabihin sakin ang mga star na nakita mo.''

O.O

Agad kong hinatak si Henry palabas. Bwisit na yon.

Nakakita ako ng tent na may nakalagay na bookstore.

''Tara dun.''

Pumasok kami sa bookstore.

Empty.

Biglang may lumabas na matandang nakahood.

''What is your wish?''

Akala ko ba bookstore? Eh genie ata to eh?

''Anung gusto mong book?'' Tanung ni Henry.

''Fantasy.''

Narinig ng matanda ang sinabi ko at naglabas siya ng wand at ni-tap niya yung ere.

Biglang may mga lumitaw na mga libro. Nakalutang sa ere at pinapalibutan kami. Napuno ng mga nakalutang na libro ang buong tent.

May lumutang papalapit sakin at nasapo ko iyon. Biglang sumabog lahat ng libro at naging dust. Pero naiwan ang hawak kong libro.

''20 Librans.'' Sabi ng matanda.

May kinuha si Henry na mga barya sa bulsa niya at ibinigay yun sa matanda.

''San mo nakuha yan?'' Tanung ko.

''May ni-reserve naman ang hari para sakin sa Libran bank, kinuha ko kaninang hapon.''

Lumabas na kami ng tent.

''Ah, alam ko na, sunod ka sakin may papakita ko sa sayo.'' Sabi niya at hinatak ako.

Nagpunta kami sa isang tagong lugar. Kami lang ang tao.

''Anu yun?'' Tanung ko sa kanya.

''Basta.'' Tiningnan niya ko, at for the first time nakita niyang nilalamig ako. Tinanggal niya ang jacket niya at ibinalot iyon sakin.

Pumikit siya at huminga ng malalim saka pinagkiskis ang mga palad niya.

Umusok iyon, pinaghiwalay niya ang mga palad niya, at may nagsu-swirl na mga yelo sa pagitan ng mga kamay niya.

Hinagis niya iyon paitaas, it bursted and turned into a light shower of snow.

Inulit niya ang ginawa niya, pero nung pinakawalan niya ang ice swirl, naging isa itong image ng deer--- a deer made of swirling white smoke.

Tumatakbo ang dear at pinaiikutan kami ni Henry, leaving swirls of white snow on it's trail.

''Whoa. Hindi ko alam na kaya mo ang mag pagalaw ng smoke ng yelo.'' Namangha ako habang sinusundan ng tingin ang deer.

''Lahat pwede kong gawin sa yelo. You know.''

Inangat niya ang dalawang kamay niya na para bang may napaka bigat na binubuhat.

Biglang may mga light explosions ng yelo sa paligid. Para silang fountain, at sumasabog sila at nagpapaulan ng mga snow at ice crystals.

Pagkatapos ay nagsipagtaasan ang mga yelo at parang fireworks na sumabog.

Kinuyom ni Henry ang naka-angat niyang kamay, at naglaglagan at nawala ang mga yelo, pero naging snow silang lahat. Hinigpitan ko pa ang pagkabalot ng jacket niya dahil nalalamigan na ko.

Lumapit siya sakin.

''Nagustuhan mo ba?''

''Yeah, I love it.'' Honest.

Ngumiti siya at umakbay.

''Lets go back.''

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now