Chapter 28: Chamber of Illusions

1.9K 57 3
                                    

Jess' POV

Kaylangan kong saktan si Henry para magkalayo kami. Sa tingin ko ay mahihirapan ako na gawin iyon sa kanya, pero kaylangan. Para naman ito sa lahat ng maybuhay sa Mysticland. Kaylangan ko ng gawin ito.

Nanginginig ako ng biglang bumukas ang pinto. Narinig ko agad ang boses niya.

''Jess!'' Naramdaman ko din na dali-dali siyang lumapit sakin. Kaylangan ko 'tong gawin.

''Wag kang lalapit sakin!'' Humarap ako sa kanya. Gulat na gulat siya.

''B-bakit?'' halatang may takot sa boses niya.

''Ah,'' sinubukan ko ang best ko na maging mabuwisit ang hitsura, ''alam mo kung bakit? Simple, dahil ayoko na!''

''J-Jess, a-nung ibig mo--''

''Ang ibig kong sabihin ay, ayoko na! Sawa na ko! Sawa na kong magpanggap na kaibigan mo? Hahaha, napaniwala ba kita? Ang galing ko no? Alam mo ba, nung una pa lang kitang nakita, naisip ko na agad na wala kang mga kaibigan, that's why naisip kong plastikin ka.'' Bakit ba kaylangan ko to? Nagagalit na ko sa sarili ko!

''Jess, tell me nagbibiro ka lang.''

Oo! Ayoko talagang gawin to sayo Henry. Pero kaylangan.

Nagsimula siyang lumapit, pero humakbang ako palayo at para siyang nagulat ng sobra.

''Henry, you didn't get it? Matagal na kong nagpapanggap na kaibigan mo. I pretended na naiintindihan ko ang nararamdaman mo at dinadamayan kita, pero joke lang. Trip ko lang yun. Naaawa na nga ako sayo eh, akala mo nakahanap ka na ng makakaintindi sayo? Nangangarap ka naman ata--''

Huminga muna ako ng malalim. Eto na yon--

''----Anung akala mo Henry? May gustong maging malapit sayo? Eh? Hindi ba ikaw na mismo ang nagsasabi sa sarili mo na isinumpa ka diba? Kaya ka nga INIWAN ng sarili mong ama! Kaya natatakot sayo ang iba! Dahil isa kang monster!''

Nakayuko lang siya at parang nag-iisip.

''---at ang malala pa don eh yung hindi mo nakumpleto ang misyon mo! Yun na nga lang ang silbi mo eh! Wala kang kwenta alam mo yun?---''

''PWEDE BANG TAMA NA!'' Nagulat ako ng sumigaw siya at pinagsusuntok ang pader. Nagsimulang dumugo ang mga kamay niya at saka niya isinandal ang noo niya sa may pader.

At sa pinakaunang pagkakataon, nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.

Gusto kong mag-sorry. Gusto ko siyang yakapin. Pero pinigalan ko ang sarili ko.

''Bakit ba hindi niyo nalang ako hinayaan ha?!'' Narinig kong sinabi niya.

Ang akala ko ay maiiyak na rin ako. Nakatayo lang ako at nakaharap sa kanya.

''Sana maging masaya ka.'' Yun ang sinabi bago siya lumabas. Siniguro ko munang wala na siya, bago ako umiyak...
---
Third Person

Hindi makapinawala si Henry sa nalaman niya. Si Jessica, ang akala niya ay si Jessica ang makakaintindi sa kanya. Pero isa lang din pala siya sa mga taong ayaw sa kanya. Halos araw-araw silang magkasama. At sa araw araw na yun ay naging masaya siya sa loob ng mahabang panahon.

Ang buong akala niya ay nahanap na niya ang kaligayahan niya. Iningatan niya ng sobra si Jess, at mahal na mahal niya, pero si Jess na mismo ang nagsabi na ayaw na niyang makita si Henry.

Pakiramdam niya ay wala na siyang kwenta na mabuhay.

Naglakad siya sa palasyo pero hindi niya alam kung san siya pupunta. Hindi rin niya makita ang dinadaanan niya dahil sa luha niya.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Where stories live. Discover now