Awkward

1.6K 39 0
                                    

Kashimier's POV

Nasa elevator kaming lahat.

Ako, si Aaron, si Grace at si Khyleryle.

Nasa parking lot na kami nang maalala kong di ko dala yung clutch bag ko.

"Uhm, nakalimutan ko yung clutch bag sa taas. Kunin ko lang.", paalam ko bago ako pumasok sa elevator.

.
.
.
.
.
.
.
Nakuha ko na yung bag ko at lumabas na ako sa elevator.

Nasa parking lot na ako at mabilis na hinanap yung kotse ni Aaron pero di ko makita at tanging yung Koenigsegg Agera R lang ang nakita ko. Yung kay Khyleryle.

Lumapit ako sa kanya kasi nakasandal siya doon sa kotse niya.

"Sina Aaron?", tanong ko

"Nauna na sila. Hatid na kita.", sabi niya at tumayo ng maayos habang nakapamulsa.

"No thanks. I'll just take a cab.", sabi ko at lumayo sa kanya pero bigla niya akong hinila paharap sa kanya.

"Ihahatid kita. Whether you like it or else.", sabi niya at matalim niya akong tinitigan.

Pilit kong binawi yung kamay ko pero mas hinigpitan pa niya yung hawak. Tangina! Ang sakit! Ang sakit sakit.

"Ayoko. Hinding hindi ako magpapahatid sa'yo!", sigaw ko pero di siya natinag.

"Kashimier Samantha, don't make this hard for me.", sabi niya.

Alam ko kung anong ibig sabihin nung sinabi niya pero iba ang pagkakainterpret ko nun.

I scoffed bitterly.

"Wow! Ikaw pa talaga nahihirapan? Di mo man lang ako inisip?! Kasi kanina pa ako hirap na hirap!! Gustong gusto ko na kayong ipashoot to kill pero tangina, ang sakit ah!!", sabi ko at may tumulong luha sa mga mata ko.

Marahas ko iyong pinunasan.

"Pumasok ka na sa kotse.", sabi ni Khyleryle at tuloy tuloy na ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. Yung kanina ko pa kinikimkim na sakit at galit, lumalabas na.

"Pakinggan mo mun ako pwede?! Kasi ang dami kong tanong! Kasi ang dami kong sasabihin! Kahapon lang ang sweet sweet mo. Ang saya-saya pero ngayon? B-bakit? A-ang g-gulo. Sobrang gulo mo. Sobrang sakit. Sana......sana........sana di na lang kita nakilala. Sana di na lang ako nagpumilit. Di hindi na sana ako nasasaktan ngayon. Anong magagawa ko? Sa tanga ko ba naman, nagpumilit akong turuan mo ako. Kaya heto, nahulog na ako. Pero yung akala kong....... yung akala kong.....sasalo sa'kin.......inakala ko lang pala. Kasalanan ko din naman eh. Tangina ang sakit pala. Ang sakit sakit pala talaga.", halos pabulong na sabi ko. Nanghihina na din kasi ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi na umiyak pero tuloy lang ako sa pagluha.

"Get in the car.", mahinahong sabi niya at halos gusto ko na siyang tadyakan, chop-chopin, paluin, ipasagasa at tuhugin sa sinabi niya. Ang drama nung sinabi ko tas yun lang ulit sasabihin niya?!

"AYOKO!!", sigaw ko at marahas na binawi yung kamay ko.

"GET IN THE FUCKING CAR KASHIMIER!", sigaw ni Khyleryle.

"ANO BANG PROBLEMA MO HA?! BAKIT DI NA LANG KASI SI KEYLAH ANG HINATID MO?!! BAKIT KA BA NAGPUPUMILIT??!!! INIWAN MO NAMAN NA AKO DIBA?!! PINABAYAAN MO NAMAN NA AKO DIBA?!! IWAN MO NA AKO! PABAYAAN MO NA AKO!! Pwede ba?", sigaw ko pero pabulong yung huling sentence.

He frustratedly ran gis fingers through his hair. Mariin din siyang pumikit.

Dinial ko agad yung number ni Rage.

"Hello?..."

"Rage! Can-?"

"Kidding! This is my voicemail. Sorry can't take your call right now. Just leave a message!"

Agad kong binaba yung phone ko at pumunta sa gilid ng kalsada para makapara ng taxi.

Inilagay ko na yung phone ko doon sa clutch bag ko. Nakita kong may papalapit na taxi.

Malapit na ito nang biglang may bumuhat sa'kin.

This manly scent...... Khyleryle!

"Hey! Put me down!", sabi ko habang sinusuntok yung likod niya. Buhat niya kasi ako na parang sako.

I tried to kick him pero mahina niyang pinalo yung puwet ko. This guy!!!

"Pervert!!!", sigaw ko.

Ibinagsak niya ako sa shotgun seat at agad kinabit yung seatbelt ko.

"Ayokong sinsuway ako, tandaan mo yan, Kashimier.", sabi niya at sinara na yung pinto ng kotse.

I crossed my arms above my chest. Bwiset! Itinulak na niya ako palayo pero bigla nanaman niya ako hahapitin papalapit. Nakakainis siya. Nakakainis talaga.

Sumakay na siya at pinaandar yung kotse.

Agad kong kinuha yung phone ko at naglaro.

Maya-maya ay nalowbat na ito kaya nilagay ko ulit sa bag ko.

Natraffic pa kami kaya mas lalo akong nabwiset.

Tumitingin tingin lamang ako sa labas ng bintana.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. At sobrang awkward pa.

"This is so awward.", I blurted out of nowhere.

I heard him sigh.

Sumandal nalang ako at pumikit. Inaantok ako. 💤💤

---------
Third person's POV

Pagkarating ni Ace at Kash sa tinutuluyan ng dalaga, sinubukang gisingin ni Ace si Kash.

"Kashimier, wake up", wika nito habang mahinang tinatapik ang pisngi ng dalaga ngunit di ito nagising.

Napabuntong hininga na lang si Ace at binuhat ang dalaga.

Kumatok siya at isang matandang babae angbnagbukas ng pinto.

Akala ko dalawa lang sila ki Grace dito? Tanong nito sa sarili.

"Iho? Si Kashimier ba iyan?", tanong ng matanda

"Opo, nakatulog sa biyahe.", sabi ni Ace.

"Aba, sige, tuloy ka.", sabi nito

Nang makapasok na ang binata agad nitong tinanong kung asan ang kwarto nito na itinuro naman agad ng matanda.

Inihiga niya si Kashimier sa kama nito atsaka kinumutan.

Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga bago lumabas sa kwarto ni Kash.

"Iho gusto mo bang magkape muna?", tanong ng matanda.

"Wag na po.", sabi ng binata.

"Ikaw ba iho si Khyleryle?", tanong nito.

Nagulat si Ace at tumingin sa matanda. Ngumiti naman ang huli.

"Lagi kang ikinukwento ni Kashimier sa akin. Ikaw ba ang kasintahan niya?", tanong muli nito

Napangiti ang binata sa tanong.

"I will be."

My Cold Prince (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon