Welcome to Melton High

42 27 7
                                    

Tzuyu POV

First day of school. Hindi ko alam Kung dapat ba ako maging happy or sad kasi tapos na ang bakasyon.

Two nights and three days Kami nagstay sa bahay nila Naeun. Nagandahan kasi Kami ng sobra at super comfortable ang stay namin doon.

Pagkatapos ng sleepover namin dumiretso ako sa bahay at may letter na nasa harapan ng pintuan ko. Pinulot ko at ng nakita ko na kung saan galing lumiwanag ang mga mata ko at sumigla ako dahil nakapasok ako sa Melton High.

Ang laman ng letter ay tungkol sa Summer Class namin at nakapasa ako. Tinawagan ko agad sila Yoona at Naeun . Nagulat rin sila at mamaya pupunta kami sa mall para mag shopping.

😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊

Pagkatapos ng mall pumunta na Kami sa mga bahay namin at nagreready na kami para sa first day of school bukas. Inayos ko na mga gamit ko like yung bag ko, ballpens, notebooks,books and some other stuffs. Nagpadala na rin ang parents ko ng budget para sa akin. Wish ko nga umuwi na sila dito kasi malungkot talaga ako kapag hindi ako nasa qlabas.

Pagkatapos ko nag ayos humiga ako sa bed ko at inisip ko na sana maganda ang first day naming magbebest friends.

Tapos nakatulog na ako.

😁😳😀🙃😀😅😅😁😬😆😉😇😃😂😀

Kinabukasan

* Kringgg *

Nag ring na ang alarm clock inayos ko muna ang kama ko and naligo agad. Pagkatapos ko naligo kumain ako ng toast bread and nag toothbrush na ako. Kinuha ko na yung bag ko at umalis na ako sa bahay. Kumuha na sana ako ng taxi pero may dumaan na kotse sa harapan ko.

" Halika na sis, sakay na."

" Naeun? Ang ganda ng kotse mo."

" Oo nga eh, nakapasa kasi ako sa driver test so kakabigay Lang sa akin to ni Daddy kanina.Tara na nga, Baka malate pa tayo!"

Pumasok na ako sa kotse at nakita ko si Yoona nakasakay rin siya.

Few minutes passed

At last nakarating rin kami. Pagbaba namin sa kotse ang raming mga boys and girls sa labas. Bago kami pumunta sa loob ng Melton High nagexhale inhale muna kami.

Pagbukas namin ng door sa isang room magpapagawa ka muna ng ID then sa entrance nang school may scanner ng mukha kung ikaw talaga ang nasa ID mo pagkatapos kapag nakapasok ka na ilalagay mo ang bag mo sa scanner and pupunta ka sa isang machine para iscan parang airport lang. Paglabas mo sa scanner at nakuha mo na ang bag mo magibinigay sa amin na uniform at pumunta muna kami sa Restroom para masuot na namin mga uniform namin at ang bango ng uniform namin nang sinuot ko siya. Pagkalabas may itinuro yung guard na room at doon raw Kami pupunta. Sabay-sabay kaming pumunta at nakita namin ang malaking auditorium ang ganda at pagenestimate ko mga 30 million ka Tao o higit pa umupo kami sa bandang gitna para makita namin. Tapos biglang nagbukas ang malaking bintana at sa loob nun may malaking Tv parang nasa sinehan.

Pagkalipas ng ilang minuto nagsimula na ang palabas at may nagbigay rin sa amin lahat ng popcorn and big size na juice. Nagtinginan Kami nila Yoona at Naeun. Tapos nag concentrate na lang kami sa pinapanood namin. Ang palabas ay tungkol sa Melton High at ang mga gumanap sa movie ay mga top na artista dito sa Korea, at sa Melton High ginanap ang story ay tungkol sa isang babae na matapang pero deep inside mabait siya inalila siya ng isang student at binubully siya at hindi nagtagal nagkadeveloped sila but then sa huli nalaman ni girl na hindi siya mahal ni boy kaya nagpakamatay siya sa building. Sa huli sinabi na based on a true story but then magpahabol na LOL at tumawa kami lahat. Pagkatapos ng show lumabas sila Lu Han, V at Jungkook, nagtinginan kaming tatlo at nagulat.

" Hello dear students, ako po si Lu Han at ako ang school President ng Melton High, lahat po kayo na andidito ay pinasasalamatan ko dahil magiging part kayo ng school namin and Welcome.Yung nakita niyong movie kanina ay may hinanda kaming promo na kasali doon at Kung sino ang makakatanggap ng isang letter na nasa word na MELTON HIGH ay makakasali sa 7 nights and 8 days na trip tour sa Asia at excuse kayo sa lahat ng mga activity sa school Kung sakasakali we will get 100 lucky students over 2 million students. Magkakaroon tayo ng games and fun. So are you ready everyone." Sabi ni Lu Han.


" Yes!" Sigaw ng lahat.

Naglabasan ang ilang nagwagwapuhan na lalaki sa school na may dala-dalang medium size na mga papers at nakaenveloped then pinagbibigay sa amin. Pagkatapos nun sabay- sabay kaming lahat na nagbukas ng enveloped at kaming tatlo nila Yoona at Naeun ay nakuha sobrang happy namin.


" Sa lahat ng mga lucky students na kasali sa tour, pwede na kayo umuwi at magimpake ng mga damit ninyo pangswimming, camping at casuals .Mamayang 4:00 ng hapon ang time of departure natin while sa mga students na hindi makakasama proceed to your classrooms." Sabi ni Jungkook.

Nagsialisan na kami at pumunta sa bahay. Nagimpake rin ako at kumuha ng snacks para sa Amin nila Yoona at Naeun.

Pagsapit ng 3:00 pm pumunta na agad ako sa school.

_________________________
Author's Note
Hello po sa lahat😀 . I just want to remind po sa mga readers na pwede na po kayo magvote sa pinakagusto niyo pong couple dito sa story. Thank you po.

HOPE YOU UNDERSTAND:

Sorry po kung nagiging late na ang update ko kasi po busy na po ako sa preparation para sa Monday kasi school time na, but I'll promise na tatapusin ko itong story at ill try to update kapag hindi ako busy and kapag malakas ang internet.😔

The Gangsterellas : KpopWhere stories live. Discover now