Flight with a Fright

39 26 3
                                    

Lu Han POV
Sabay-sabay Kaming lahat pumunta sa airplane Hindi na private jet kasi ginamit ng daddy ko may aasikasuhin kasi siya. Pero nasa Buisness class kami. Magkatabi sila Jungkook at Taehyung, Jin at Naeun , Rap monster at si Yoona, Jhope at Jimin, tapos si Tzuyu at Suga samantala ako magisa.


Grabe talaga nakakainis ako pa talaga ang parang lonely. Nakita ko si Tzuyu at Suga na nagtatawanan.


Taehyung POV
Nasa likod ko si Naeun at Jin. Normally kapag nasa eroplano ako parati akong natutulog kasama ni Jungkook pero this time Hindi ko magawa, paano naman kasi naglalaro sila Naeun at Jin ng Truth or Dare at parang nag eenjoy naman sila. Eh papaano Kung magkadevelopan sila sa isa't isa. Paano na lang ako. Hindi to pwedeng mangyari. Ako in love. Kay Naeun.


Bakit ba kasi hanggang ngayon siya pa rin. Hindi ko ba talagang kaya mag move on. Buti pa si Lu Han at Jungkook parang wala Lang sa kanila.Si Jungkook nga naka talukbong sa kumot.


Jungkook POV
Dahil sa inis at asar ko dahil magkasama sila Yoona at si RM, kumuha na Lang ako ng kumot at tinakpan ang mukha ko eh papaano naman kasi nasa harapan namin sila at ng nakatulog si Yoona kinuha ni RM ang ulo niya at inilagay sa balikat niya. Gustong- gusto ko na talagang mag reklamo Pero Hindi ko kaya.


So hanggang sa dumating kami bad mood pa rin ako.


Naihatid na rin namin sila Yoona,Naeun at Tzuyu sa kanilang bahay Bago kami dumiretso sa Mansion. Nagsipuntahan na kami sa room namin. Nagelevator na ako dahil pagod na pagod na ako sila rap monster at iba pang members ng BTS ay nasa baba nagkakantahan eh papaano ayaw pa nilang matulog, kasi naman halos lahat sila tulog kanina. Pumunta na ako sa kwarto ko at naghanda na ako para matulog.

My POV
Hindi alam nila Lu Han, Taehyung at Jungkook na pare- pareho silang pumunta sa sarili nilang kwarto. Magkakahiwalay kasi sila ng floor si Lu Han sa 5 floor, si Taehyung sa 7 floor while si Jungkook sa 8. Humiga sila sa kama at sinusubukan nila makalimutan ang asar, inis at pagod sa flight na yun. Para sa kanila WFF Or Worst Flight Ever. Kahit pumikit sila ng matagal, nagbilang ng ilang besses nagbabasakali na maantok sila, naglakad sa loob ng kwarto, nagcheck ng FB notifications, nagdasal sa diyos para makatulog, pinatay na nila ang ilaw at iba pa. Kahit Anong gawin nila hindi pa rin sila makatulog at nang dahil doon nagpasya na lang sila lahat na maglakad sa mansion at nagkatagpuan sila sa hallway at nagulat sila ng nag kwentuhan sila tungkol sa hindi sila makatulog.

___________________
Author's Note
Hello po, kamusta at sana po nagenjoy niyo tong chapter. Grabe po kasi ang First week ng school days namin. Nakakapagod.😅

The Gangsterellas : KpopWhere stories live. Discover now