Blackboard Love Story

40 8 7
                                    

Blackboard love story

Jeconias Reyes. Second year high school. Single, gwapo, mabait, matalino at lahat lahat na. Except pala sa height, di naman ako ganoon kaliit pero di talaga ako matangkad pero ayos lang bawing bawi naman sa mukha at talent haha. Nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ko ang malakas at bibong boses ng teacher namin

"FM= Group number -number of bonds -number of unshared electrons" paglelecture ni sir Baterna, ang chemistry teacher namin

Masaya na sana ang subject na to eh, sa katunayan lahat ata ng babae sa skwelahan na to napapalingon pag dumadating ako, maliban sa isa. Masaya sana eh kung nililingon lang ako ng katabi ko. Swerte ko pag chemistry na kasi may sariling seating arrangement si Sir at katabi ko pa ang crush ko! Kaso eto nga di ako nililingon kahit anong gawin kong papansin

"So, class, what is the formula charge of Oxygen? Is it negative one or positive one?" tanong ni sir

Tahimik lang na nakikinig ang katabi ko at titig na titig kay Sir Baterna at ako naman ay busy sa pagtitig sa kanya.

"Yes Ramgie? What do you think?"

"Positive one sir" sagot ni Ramgie, classmate ko

"Ok.. very good. How about you Mr. Jeconias? Baka matunaw na yan ha"

"Positive one sir!" agad kong sagot

Syempre kailangan mag paimpress kay crush pero kahit anong gawin kong paimpress talagang di ako pinapansin

"Hmmm, how about you Ms. Crisiel?"

"Uhm, negative one sir!"

"Ok, very good... BUT class.. the correct answer is ZERO"

"But sir! Zero was not given in the option! So we need to decide what the answer is in your given option" pagrereklamo ni Cresiel

Napatawa nalang ang mga classmate ko. Pano ba naman sumbatan daw ba ang teacher dahil wala sa option ang sagot! Pero biglang napalitan ng mahabang katahimikan ang tawananan nila. Lahat ng mata nakatutok sa akin

"AAAAAAYYYYYYYYYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sabay sabay nilang pang-aasat

"Ang bilis nun ah! Parang lightning lang!" Pang-aasar ni Ruby Joy, barkada ni Chery

"Oo nga! Nakakakilig! Para akong nanonood ng live drama!" Segundo naman ni Bea, classmate ko

"Hahahaha oo nga! Ano ba yan Jec! Super hero ka na pala ngayon?"pangkakantyaw naman ni Zhandee, isa rin sa mga kaklase ko

"Naku! Swerte mo Chery si Jec ang katabi mo kasi kung ako yun iniwan na kitang pisat dyan!" Tumatawang sambit ni Arman

"Hoy! Chery! Gumalaw ka naman dyan ano yan patay ka na?" Makahulogang tanong ni Ednalyn, isa rin sa mga kaklase ko

"Asus! Poker face pa eh sa loob nya asus! Labas na ang heart nyan!" Mapang-asar na usal ni Mariel, ang class clown namin

"Ano? Ano? Sa tingin nyo sa gulat at takot o sa KILIG?!" Kinikilig na sambit ni Russel

"AYYYYYYYYYYYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE" muling pang-aasar nila sa amin

Paano ba naman kasi muntik na mahulog ang blackboard namin at mismong sa tapat pa ni Chery!

"Ok class, Let us give a round of applause to our couple of the year starring in their blackboard love story"-sir

Sabay sabay na nagsitawanan ang mga classmates ko at patuloy sa pang-aasar

"Kaya naman pala tayo nilalangam dito eh!" Dagdag ni Grazette, isa rin sa kaklase ko

Pati ang teacher namin nakisali na sa pang-aasar pero sige aaminin ko disappointed ako pano ba naman ang sakit kaya ng braso ko, hinarangan ko kaya yung board para di mahulog sa kanya pero eto silent treatment lang ang regalo sa akin.Wala man lang thank you o isang sulyap man lang. Nagpatuloy na ang klase namin kaso eto ang iingay parin ng mga klasmate ko. Di naman ako humihingi ng kapalit pero iba pa rin kung may maririnig ako galing sa kanya

"Hindi ako makarecover! Hahahaha minsan lang kaya may moments na ganun dito!" Kinikilig na wika ni Shailla

At ayun nag-recess na kami kaso umalis nalang sya ng wala man lang pasalamat o lingon. Wag nyo ako kausapin bad trip ako. Masakit ang braso ko, wala pa akong natanggap na thank you sa kanya

"Masakit ba? Ayan pa-hero ka kasi! Ayan napala mo!" Pang-aasar ni Adam, katropa ko at kamember sa dance troupe

"Wala man lang thank you? Saklap pre!" Tumatawang pang-aasar ni Dennis, isa rin sa tropa ko

Mahaba-habang recess din to, sigurado akong aasarin lang ako ng mga to hanggang uwian. Pano ba naman alam nilang lahat na may gusto ako kay Chery at AKO LANG ang binibigyan nya ng COLD TREATMENT! Saklap no?

Chery's P.O.V

Alam nyo yung feeling na pinipigilan nyo yung kabog ng dibdib nyo? Yung ayaw nyong ipakita ang mukha nyo o expression kahit kanino? Kasi ano! Kasi ----

"Kaba o KILIG?" Salubong ni Shean sa aking sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko

"Tigilan nyo nga ako!" Pag-gagalit galitan ko

"Wala man lang bang thank you sa saviour mo?" Dagdag ni Ronnelyn

Hindi nalang ako sumagot kasi hindi rin naman nila ako titigilan. At mamatay na ako sa K......KILIG! pero kailangan poker face lang ayoko ngang mabuko! Nakakahiya

"Hoi! Chery! Magpasalamat ka nga! Kapal ng mukha ng babaeng to, dapat di ka na niligtas nun eh!" Maarteng pangsesermon no Charlotte sa akon

"Nagbuhis-buhay si Jec para sayo! Pero anong kapalit??? At ano bang nangyari sa maingay mong bibig? Ba't di nag-aalboroto ngayon?" Exaggerated na sambit ni Ras

Ano naman kaya ang drama ng mga to?! Kayo kaya sa pwesto ko tingnan natin kung makakapagsalita pa kayo!

"Oo na! Oo na! Tigilan nyo lang ako!" Pagsuko ko

Basta pa-cool down muna tayo kasi kinikilig ako baka sumabog ako neto. Magpapasalamat talaga ako mamaya. Parang panaginip lang eh, iligtas ka ba naman ng ultimate crush mo, it's like dream come true.

Jec's P.O.V

Uwian na at wala paring progress sakit lang sa puso at BRASO ang nakuha ko. Lalabas na sana ako ng biglang may lumapit sa akin.

"Jec" tawag sa akin ng boses na kilalang kilala ko

Teka! Alam kong nagdradrama ako kanina kaso agad-agad?! Hindi pa handa ang puso ko. This is so gay. Pero walang gay-gay kung si Chery ang pinag-uusupan

"S-salamat kanina at sorry" mahinang usal ni Chery

Magsasalita na sana ako ng bigla syang tumakbo palayo at tinuro ang blackboard namin. Nilingon ko ang blackbooard namin ng malayo na sya sa paningin ko. Siguro kaya yun nag-sorry kasi papa-ayos nun sakin ang blackboard. Dun lang kasi nya ako kinakausap pag tungkol sa ganyan kaso bigla akong nabading este kinilig. Tangna! Nababakla ako, Panaginip ba to? Please wag nyo na ako gisingin kung ganon. Totoo ba yung nakasulat? Sya ba ang nagsulat nyan? Kasi sagot ko sa tanong na yan SYEMPRE OO! Ang nakasulat kasi


















"Will you continue our blackboard love story?"

---

Ito po ay 50% true and 50% fictional. Yup, nangyari ito in real life and totoo ang mga characters pero syempre hinaluan ko ng kahibangan Hahaha I made this I think noong 2012? I just found it in my memory card so I decided to post it lol. Kakornihan bow. Edited. Didn't change much yung writing style lang iniba ko 😂 masyadong informal ang original version hahaha and mas makakarelate dito ang hs friends ko kasi nga nangyari talaga to hahaha

Short story 101Where stories live. Discover now