ELEMENTIA 29: The Encounter

120K 4K 401
                                    

Chapter XXIX

'The Encounter'

~*~


SUMMER


Argh! Bakit ba yaw matanggal ng singsing na ito sa kamay ko?!

Bwisit! Bwisit! Naniniwala na akong may sa mala sang pagpunta ko sa mundong ito!

Aish! Kapit na kapit ang dragon sa daliri ko. Kahit man ako ay kakapit talaga sa lambot at kinis ng aking mga kamay.

"Bilisan mo ang paglalakad, prinsesa."

Napaikot ako ng mga mata dahil sa sinabi ni Thunder. Hindi ko akalain na maibabalik pa siya sa dati, sana naging rebulto na lang siya. Ipang di-display ko siya akademya.

"Ano nginingisingisi mo diyan?" masungit kong tanong kay Gianna.

Akala ko siya na ang makakakuha sa singsing, dahil isa siyang taong dragon pero sa huli ako pa rin.

Hindi ko alam kong sisihin ko ba si Nicole sa nangyaring ito e.

"Kapitan, wala ba kayong gamit na pwedeng pantagal sa singsing na ito?" tanong ko habang pilit parin na tinatanggal ang singsing.

Ginamitan ko ng lotion pero ayaw talaga, sinubukan ko na ring pakiusapan kahit nakakabaliw.

"Wala!" sigaw nito.

Muli kaming nakasakay sa alaga niyang arthropleura papunta sa huling lokasyon na pupuntahan namin. Hindi ko na sila pinakaelaman o tinanong kong saan dahil busy ako sa pagtanggal ng singsing. Hindi na ako takot sa higanteng centipede na ito, tanggap ko na may mga ganitong hayop talaga sa mundong ito.

Bumuntonghininga ako ng hindi ko talaga matanggal. Lumingon ako kay Chie at Walter na mahimbing na natutulog, hindi ko alam kong anong nangyari sa dalawang ito at sila ang magkasama sila. si Gianna naman ay pansamantalang walang kapangyarihan, tulad nina Nicole at Thunder.

Ang kongklusyon ni Kapitan sa pagkawala ng charm nila ay dahil sa paghawak nila sa kagamitan na 'to. Pero sa tingin ko hindi naman, hindi naman ako nawala ang charm ko.

"Nasaan na ba tayo?" tanong ko sa katabi kong si Gianna ng mapansin ko ang mga puting puno at paglamig ng paligid.

Winter season na ba?

"Nandito na tayo sa Lumikki Kingdom, ang kaharian mo," nakangiting sabi ni Gianna.

Napatayo ako at napatingin sa dinadaanan namin. Lahat ng puno maging ang lupa ay kulay puti, nang makalabas kami sa kakahuyan ay isang puting patag ang bumungad saamin, may ilang mga log house na katamtaman lang ang laki. Dahil sa mga nyebeng nakatabon rito ay napaghahalataan na abandonado nga ito.

Kong hindi ba umalis si Daddy, magiging abandonado kaya ito?

"Bakit tayo huminto?" tanong ko dahil muntik na akong mahulog, kong hindi lang ako nahawakan ni Gianna.

"Hindi pwedeng pumasok ang alaga ko sa kaharian na ito," sagot ni Kapitan.

"Bakit naman?" nakapagtataka naman yata.

Sa paghatid lang ba pwede ang insektong ito?

"Dahil ang Lumikki Kingdom ang kaharian na hindi nagpapasok ng kahit anong hayop maliban sa mga lobo."

Elementia Academy: The Long Lost GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon