Chapter XXXIII
'Winter Ball'
~*~
Mataman lang na nakatitig si Summer sa orakulo, habang hinihintay niya ang sasabihin nito tungkol sa kaniyang sinabi.
Maging si Rain ay nabigla dahil sa tanong ng kapatid.
"I'm not a guardian, Princess," mahinang sabi ni Rain.
"Yes you are. Nakita ko, bago tayo mawalan ng malay. . .may marka sa loob ng yong mga mata," sabi ni Summer at tinuro ang isang mata niya. "At sa pagkakaalam ko, dahil sinabi nila saakin, tanging ang mga guardian lang ang merong marka sa mata bilang pagkakakilanlan. Akala ko nga noong una joke lang, dahil wala pa naman akong nakikita noon. Take note ha, noon dahil naniwala na ako ng makita ko yong sayo. Ni marka ko nga hindi ko pa nakikita e.
Hindi naman umiimik si Zeraffine at pinagmamasdan lang ang dalawa, iniisip niya ang mga sinasabi ng dalaga.
"Imposible, dahil kong guardian ako. . .matagal na sanang nagising si Darkiya," pagtangging sabi ni Rain.
Napatirik ng mata ng mata si Summer at inirapan ang kapatid. Nagpakawala rin ito ng marahas na buntonghininga bago sumandig sa kinauupuan na.
"Ewan ko na, malay mo naman nagtutulog-tulogan lang ang babaeng iyon noon. At nang malaman niyang nandito na ang pinakamagandang babae na walang iba kong hindi ako, ay gumising na siya," masungit na sabi niya sa kapatid.
"Lady Zeraffine, hindi ba't kahibangan ang sinasabi ng aking kapatid?" baling na tanong ng prinsipe sa orakulo.
Pinagmasdan naman ni Summer ang kapatid dahil sa sinabi nito at binigyan ng hindi maipintang itsura.
"Maganda lang ako, hindi pa nahihibang!" inis nito sabi. "Kinokontra mo ba ako, mahal na prinsipe?!"
Pinandilatan ni Summer ng mata ang kapatid dahil sa mga sinasabi nito, kanina pa niya napapansin ang pagkontra niya sa kaniyang mga sinasabi.
"Sa tingin ko ay posible ang sinasabi ng iyong kapatid, mahal na prinsipe. Hindi ka ba nagtataka, na kahit tulog ang reyna ng kadiliman sa mahabang panahon ay nakakapanggulo pa rin ang kaniyang mga alagad?" seryosong sabi ni Lady Zeraffine. "Maaring ang inyong pagiging guardian ay nabibilang bilang isa, tutal at kayo'y sabay na isinilang mula sa iisang sinapupunan."
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ni Rain.
"Maaring hindi nagising noon ang reyna ng kadiliman, sa kadahilanang hindi kompleto ang pagiging guardian mo. . .Prinsipe Rain," saad ni Lady Zeraffine. "Ang pagbabalik ng prinsesa sa ating mundo ang siyang pagkagising ni Darkiya. Ang pagsasama niyo sa iisang mundo ay. . .ang pagkakabuo sa huling guardian."
Nakaramdaman ng niyerbos si Summer sa sinabi ng orakulo. Hindi niya alam kong bakit pero para siyang kinilabutan dahil sa tono nito.
"Pero—"
Hindi na naituloy ng prinsipe ang kaniyang sasabihin ng makita niya ang blankong itsura ng kaniyang kapatid na nakatingin sa kaniya.
"Natatakot ka ba sa sinasabi niya o natatakot kang maging guardian?" diretsang tanong ni Summer.
"Hindi—"
"Siguraduhin mo lang, dahil kapag naging posible ang hula namin ay no choice ka rin," diin na sabi ni Summer at muling pinutol ang sinasabi ng kapatid.
BINABASA MO ANG
Elementia Academy: The Long Lost Guardian
FantasyWARNING : THIS BOOK IS UNDER MAJOR EDIT! Summer Autumn Park, rich, known and lit, young lady. A know-it-all girl and a mean bitch in the human world. She's also carefree, tactless, arrogant and rude. That's why trouble always comes her way. Summer...