Chapter Thirty:Start

462 19 5
                                    

Hello po sa inyong lahat!

Pasensiya na po sa matagal na update.Medyo busy lang po kasi ako this past few weeks kasi laro-laro po nang volleyball with friends.And besides ayaw ko naman pong madaliin ang UD lalo pa't papalapit napo ako sa peak.

Before anything po,nagpapasalamat po ako sa inyong lahat sa suporta.Sa pagboto po,para sa story ko.At mas lalo na po doon sa mga nagcocoment.Kahit sabihin man na tigtatatlo,dadalawa lang o kahit isa lang ang magsabing inaapreciate nila ang gawa ko ay naiinspire po ako.Gusto ko pong sabihin na nakakamotivate po ang makabasa nang mga comments na nagugustuhan niyo po ang gawa ko.

Kasi above all,I am not a skilled writer.I have the knowledge,pero wala pa ito sa nararating nang iba.At kung saaabihin niyo po na OA,kahit di pa umabot nang milyon ang reads ay makadrama na kaagad,hell the care!Thankful pa din po ako sobra!Kahit di sobrang sikat ang story ko,it's okay!Yung kahit ilang libong reads nang story ko po,isang malaking bagay na po iyon saakin.At bawat pagkakataong may bumabasa sa story ko,at dumadagdag ang reads nito nang libo per week,masayang-masaya ako dun.Bilang isang taong,wala namang ganap sa buhay at napagtripang magsulat sa watypad,napakalaking privelege na po iyon.Kaya MARAMI PONG SALAMAT!!

God Bless Po.

Sige,sana magustuhan niyo po itong update.

Lidth's POV

Isang yakap.

Mula sa taong hinding-hindi ko inasahang dadalo saakin sa mga panahong ito.Sya pang kinalaban ko,sa taong kinamuhian ko.Sa taong isinumpa ko dahil sa mga ginawa niya saakin.Hinding hindi ko makakalimutan ang bawat sandaling sinira niya ang tuwa ko at nandidiyan siya para maipahiya ako,magalit,mainis.

Sa mga sandaling nakatatak na sa utak ko,ang malamya niyang reaksiyon at ang mukha niyang walang emosyon.Nang sa mga sandaling iyon mismo na ako ay hindi makapaniwalang napasok ko to',kung papano ba ako napapadpad dito.At lahat nang iyon ay dahil sa kaniya!

Siya ang rason nang lahat.Siya yung taong dumating sa buhay ko para inisin,galitin at sirain ako.Wala siyang kwenta,wala siyang silbi sa mundong ito.

Iyon ang mga depinasyong ibinalot ko sa kaniya sa bawat oras na nanliliit at natatangahan ako sa sarili ko sa tuwing nandidiyan siya.

Pero lahat nang iyon ay napalitan.

Ayokong sabihin ang eksaktong mga salita pero tila nakalarawan na iyon sa bawat bahagi nang utak ko.

Umpisa nang nagbabago ang nararamdaman ko.

Kumawala ako sa yakap niya at nagsimulang ayusin muli ang sarili ko.Tinitigan ko pa sa mga mata si Litthe pero wala akong masagap na reaksiyon.Wala ako ni isang makitang sagot sa napakaraming mga tanong na nakabinbin sa utak ko.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at nagsimula na siyang hatakin papunta sa kung saan.

Hindi ko alam kung saan iyon patungo pero isa lamang ang plano ko,ang takasan itong nakakalinlang na nadadama ko ngayon.

Sumusunod lang si Litthe sa hawak ko at patuloy lang kami sa paglalakad.

Narating na namin ang paradahan nang mga taxi sa isang seksyon nang airport.

Seryoso pa ding nakatitig saakin si Litthe pero iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya.

Binitawan ko ang kamay niya at tumungo sa isa sa mga taxi na nakaparada doon.Pagkatapos ay saka  naman ako bumalik muli at hinarap si Litthe.Wala siyang reaksiyon at ayun ang mga mata niyang diretso lang akong tinititigan.

Ang mga tingin niyang yan.

Nakakapagdulot ang kakaibang pakiramdam saakin.

"Aaaah...Umuwi ka na muna Litthe.Salamat nang sobra sa pagsama sakin ngayon.Salamat talaga,tatanawin ko 'tong napakalaking utang na loob."tila nanginginig pa akong nagsalita.Tila bang takot akong kaharapin siya."At alam kong naabala kita.Utang ko to sayo,pasensiya ka na kung naabala pa kita...Sige."mahabang litanya ko."Ah.....Litthe ."tila nag-aalinlangang usal ko pa."Pasensya ka na talaga sa distorbo ko.Nadamay pa kita,kasi kung iisipin..hindi naman kasi dapat ikaw tong nandito,hindi naman tayo magkaibigan,at isa pa walang tamang rason na tulungan mo'ko pero....Salamat...talaga."usal ko at tila nagsusumamo pero wala pa din siyang sagot na maski mga mata niya'y blangko.

Hashtag Series:He's Mine (Ronnie Alonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon