CHAPTER23: Im back

69 1 0
                                    

Justine's P.O.V

"W-whill?"- tanging salitang nasabi ko.

Halos hindi ma process sa utak ko na kaharap ko na siya ngayon. Parang kanina lang pinag uusapan pa namin siya ni ate. Tas ngayon nasa harapan ko na siya.

"Princess, okay ka lang?"- nag aalalang tanong ni daddy.

"Manang! pakikuha nga ng tubig"- sabi naman ni mommy sabay akay sa akin ng maraan patungong sofa.

Dali dali naman si manang sa pagbigay sa akin ng tubig. Di talaga ako makapag response sa mga nangyayari. Mas nagmature siya ngayon ng kaunti.

(A/N: Whill's Picture nasa multimedia)

"Tita, if its okay can you leave us for a moment?"- sabi ni Whill.

"Sure hijo. Para din makapag usap kayong dalawa."- mommy.

"Salamat po.'- Whill.

"Baby, alis muna kami ahh."- sabi ni mommy at inakay palayo si daddy.

Naiwan kaming dalawa dito sa living room. Napaka awkward nang feeling. Nakayuko lang ako ngayon. Sadyang nagbabadya na ang luha sa mga mata ko. Ewan ko kung bakit nagiging emosyonal ako.

"Malaki na pala ang baby natin ahh"- basag niya sa katahimikan.

"Oo nga."- sabi ko. Naiilang talaga ako ehh. Nilalaro ko lang yung kuko ko sa kamay ng may nagtaas ng mukha ko. Di ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.

"Im sorry"- sabi niya.

Di ko na napigilan ang luha kong nagsituluan. Sobrang namiss ko siya. Ngayon napagtanto ko na hindi ko kayang mabuhay kung wala siya.

"Every passing day without you by myside is like a living hell that Im suffering till I die."- marahan niyang sabi sa akin.

"A-alam mo bang gaano kahirap sabihin ang nandyan lang ako sa taong hindi na babalik pa? a-akala ko, iiwan mo na akong tuluyan, akala ko sumama ka kay Kate, a-akala ko h-hindi mo na ako babalikan."- sabi ko habang humihikbi habang panay ang punas ni Whill sa mukha ko.

"Hush now baby, wala akong talento sa pagsasayaw pero kaya kong sabayan ang ritmo ng buhay mo, mapaakyat man ng bundok o pababa, hawak hawak ang pangakong hindi ka na mag-iisa. Pangako ko sayo yan. This time we'll make things right."- sabi niya at niyakap na ako ng mahigpit.

"Medyo di ako makahinga Whill, naiipit ako.'- reklamo ko sa kanya.

"Ahy sorry baby"- bungisngis ni Whill.

"Siguro alam mo na naman ang dahilan ng pag alis ko diba? for sure sinabihan ka nina mommy."- sabi ni Whill.

"Hindi ahh. Si ate ang nagsabi sa akin kahapon nung nag pa check up kami."- sabi ko.

"Kami? nino?"- siya.

Tsk naku! bat ba kasi ang daldal ko. Ano, sasabihin ko ba na si Drian ang kasama ko?

"A-ahh, si Drian ang kasama ko tuwing regular check up ko."- sabi ko sabay yuko. Patay na.

"Kasama mo si Drian?"- gulat ba tanong niya.

"O-oo"- ako.

"Ha! bakit? I-i mean pano?"- Whill.

"N-napatawad ko na siya. He's been there for me through my ups and downs. Hindi niya ako iniwan at inaalagaan niya ako palagi lalong lalo na pag nasa condo lang ako at wala si Rina."- ako.

Di lumagpas sa paningin ko ang pagtagis ng kanyang bagang.

"What? palagi kayong magkasama sa condo mo? ano ba naman yan Justine!"- sigaw niya.

"Huwag mo ngang bigyan ng malisya yun, kahit kailan hindi sumagi sa isipan namin kung ano man yang iniisip mo ngayon!"- sabi ko sa kanya sabay walk out.

"Hey Justine"- sabi niya sabay back hug sa akin.

"Sorry na. I was just over reacting. Natakot lang ako na baka makuha ka niya sa akin."- sabi niya.

"Alam mo namang hindi yan mangyayari diba"- naiirita kong sabi.

"Shhhhh wag ka ng magalit sakin. Ganito nalang, babawi ako sayo, since Im back, I will always be here for you."- assure niya sa akin.

"Talaga?"- ahy, nagpadala nalang ako. Tsk ang chwet nya ehh..haha.

"Some say its painful to wait someone. Some say its painful to forget someone. But the worst pain comes when you dont know whether to wait or forget. Pero I chose to wait dahil alam ko sa sarili ko na babalik ka. And here you are now"- emosyonal kong sabi.

"Sshhh, di na ako aalis sa tabi mo heart."- ngayon niya lang ako ulit tinawag ng endearment namin mula nuon. Hay. Ang sarap sa taenga.

Pagkatapos nun, nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan. Coping up the moments na wala kami sa tabi ng isat isa.

"Young Lady, pinapatawag na kayo sa kitchen."- sabi ng isa naming katulong.

"Sige, susunod kami."- ako.

"Tara na kain na tayo. Medyo nagugutom na ako eh. Di na kami kumain ni Drian kanina."- ako.

Medyo nawala naman ang ngiti sa kanyang mga mata. Oops, did I say something wrong?

Processing

Processing

. Di na kami kumain ni Drian kanina."

. Di na kami kumain ni Drian kanina."

. Di na kami kumain ni Drian kanina."

. Di na kami kumain ni Drian kanina."

. Di na kami kumain ni Drian kanina."

Urghhh! ano ba naman yan Justine minsan nga lang to pumapalpak ka pa.

"A-ahh, t-tara kain na tayo, nagugutom na ako eh"- pag iiba ko.

Di na niya ako hinayaang hatakin siya ng bigla siyang umiwas at pumunta kina mommy. Sinundan ko nalang siya at napailing.

"Tito, tita I have to go now."- sabi niya kina mom at dad.

"Hijo kumain muna tayo."- mommy.

"No need na po, di po ako nagugutom eh"- Whill.

"Ahhmm W-whill, kain muna tayo?"- pilit kong sabi.

"Di na"- tipid niyang sabi.

"Mauuna na po ako"- sabi niya.

Tumango nalang sina mom at dad. Nilagpasan niya din ako at tuluyan ng nawala sa paningin namin.

Napaupo nalang ako sa upuan at uminom ng tubig. Biglang nanikip ang dibdib ko sa inasal niya. Does Drian really affect on him? He's just my past. He's my present and  going to be my future. So why bother and worry diba?

Pagkatapos kong kumain ay deritso ako sa kwarto ko at nagpahinga. Siguro bukas nalang ako babalik ng condo unit ko. I want to spend time with my parents ngayon.

Hindi ko alam kung papaano ko naman susuyuin si Whill ngayon. I know kababalik niya lang tas ganito na agad kami.

Tss. Justine you are really obliged to fix this.





efgie17♡

When the Broken-hearted Meets The Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now