TBC 13

894 20 1
                                    

Fia Sanchez [POV]

Alam kong katangahan 'tong gagawin ko pero tanga daw ang taong nagmamahal 'di ba? Kaya kung nagpapakatanga ako ngayon, okay lang. Nagmamahal lang.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng napakalaking gate ng TBC. Inaantay ko ang response ni Owell.

Nakausap ko kasi ang guard dito para ma-inform si Owell na andito ako. Hindi niya kasi sinasagot ang texts and calls ko. Kaya napilitan na akong pumunta dito. Hindi naman ako makapasok dahil wala akong VIP access.

I inhaled. Ito na ang huli. Pangako ko ito. Alam kong dedeadmahin niya lang ako. Pero kukulitin ko siya hanggang sa malaman ko ang dahilan kung bakit niya ba ako biglang iniwasan. O 'di ba ang tanga ko lang? Ako 'tong gustong umiwas sa kanya at ngayong pinadali niya ang lahat para sa akin, gumagawa naman ako ng paraan para magkausap at magkita kami.

"Maam, nakausap ko na po si Sir Owell. Umuwi na daw po kayo. Ayaw niya daw po kayo kausap," sabi sa akin ng guard.

"Kuya, please call him again. Tell him na I won't go unless kausapin niya me."

"Maam, sorry po. Pero bawal po talagang guluhin ang TBC members."

"Fine. I'll just wait here. Hanggang sa lumabas siya."

"Kayo po. Sa waiting shed na lang po kayo maghintay."

Ugh. Wala talagang konsiderasyon ang guard na 'to!

"Kuya naman, hahayaan mo talaga ako dito? Pa'no kung...mamayang gabi pa siya lumabas? E'di aabutin na ako ng gabi dito? Hindi ka ba naaawa sa akin? Papasukin mo na ako!"

"Maam, ayoko pong matanggal sa trabaho ko. Hindi po talaga kayo pwedeng pumasok hanggat walang VIP access."

"I'll buy VIP access then."

Sus, pwede naman palang bumili. Kayang-kaya ko naman 'yon. Mayaman din naman kami e.

"E Maam sorry, na reach na po ang limit ng mga visitors kaya hindi po kayo makakabili ng VIP access sa ngayon."

"Kuya 'yung totoo? I don't believe you! Ayaw mo lang ako papasukin e! S-Siguro inutasan ka ni Owell 'no?"

Wala na akong maisip na ibang dahilan. I can't believe the management of this TBC! Bawal pumasok pag walang access tapos pag bibili naman ng VIP access, hindi na din pwede dahil na-reach na ang limit? What the hell! Naiinis na ako! Like err!

"Maam hindi po."

"No, hindi ako naniniwala. Sorry Kuya but I want to talk to your head."

"Maam lahat po ng may complains didiretso sa owner nitong TBC."

"Okay. I don't care."

May lumabas na isang pang guard na mukhang kasamahan niya din at inutusang ihatid ako sa office of the owner daw.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay bumungad na sa akin ang white room na very organized. All the furnitures are black. I guess lalaki ang owner.

"Waaah!? A-Are you F-Ford A-Almazan?" manghang tanong ko ng makita ang owner ng TBC.

"Tss."

Whoa. His famous response. First time kong narinig. At nakakapangilabot talaga. Not to mention his death glare. Oh no! Tama ba 'tong pinasok ko? Like waaah! Pwede bang lumabas na lang ako? Natatakot talaga ako kay Ford.

Of course, I know him sa UC. Sikat na sikat siya dahil sa pagiging gwapo. Maraming mga babaeng nagkakandarapa sa kanya kahit na kilala din siya bilang masungit at ubod ng isnabero. Lahat ng pumapansin sa kanya ay deadma siya. Snob nga e. Kakasabi ko lang.

TBC: Owell ColtonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon