TBC 7

1.3K 30 1
                                    

Fia Sanchez [POV]

Andito na kami sa The Billionaire's Club.  Oo nga pala at slave ako ni Owell. Kasi diba sabi niya, once na nandito daw ako sa tbc automatic na slave niya ako. Pero ayos lang sa akin basta si Owell ang boss ko. Gosh, I'm insane. Dahil siguro sa pagkakaalog ng ulo ko.

"Hmmm..." Tila nag iisip si Owell habang naka upo sa sofa.

"What are you thinking?" tanong ko saka tumayo sa harap niya.

"Kung ano ba ang gusto ni Owen."

"Ay, tinatamad na pala ako," palusot ko.

Kasi ang totoo, hindi na importante sa akin kung magustuhan o hindi ako ni Owen. It doesn't matter to me na. Ayoko na ding ipilit ang sarili ko sa kanya. Yung feeling na bigla-bigla na lang akong nawalan ng interes sa kanya? Kung dati'y patay na patay ako sa kanya but now, hindi na.

"Seriously? Ikaw tatamarin for Owen? Imposible," komento niya.

Wala akong plano na baguhin ang nasa isip ni Owell. Kung akala niya'y may gusto ako kay Owen, I will let him think what he wants. Ito din kasi ang dahilan para makasama ko siya. To be with him.

"Bawal ba? Basta ayoko," sabi ko.

"Anong gagawin natin?" tanong niya.

Ngumiti ako, "Tour me here!"

"Dito sa tbc?"

"Yeah. I've been here for I guess two or three times? Tapos kinukulong mo lang ako dito sa villa mo," naka-pout na sabi ko.

Gusto kong iparating sa kanya na medyo nag tatampo ako. Hehe. Ewan ko pero gusto ko na lambingin niya ako then papayag siya sa gusto ko na igala niya ako dito sa tbc.

He held my hands. As in, yung dalawang kamay ko magkasaklop then hawak-hawak niya. Hinila niya din ako paupo sa tabi niya.

"Fia, wag ng magtampo. Sige na. Igagala na kita dito ha?" sabi niya na may halong panglalambing.

"Talaga? Ayiee! I'm so excited."

"But in one condition."

"Ano naman?" curious na tanong ko.

"Kiss mo muna ako."

I don't know pero kinilig ako sa sinabi niya. Feeling ko kasi na-miss niya yung lips ko, "Ahm.." Napalunok ako.

"Kiss me then I'll tour you."

"S-Sige.."

Waaah. Pumayag ako? Gosh. Hindi ko alam pero gusto ko din eh. Ewan ko, I'm used to his lips that pressed against mine.

"Hahahahaha! Baliw!" tsaka niya ako kinurot sa ilong. "Binibiro lang kita eh."

Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa sinabi niya. For the nth time, pinahiya na naman niya ako, "AIIIISSHHHHH! OWELL!"

___

Cavill Rhett Owell Colton [POV]

Fia and I were walking along the central mall here in tbc. Kanina niya pa ako hindi iniimik.

"Fia.." pagtawag ko sa kanya pero dirediretso lang siya sa paglakad.

Damn! Alam kong mali ang ginawa ko. Sinabi kong kiss ang kapalit ng pag tour ko sa kanya sa tbc. I thought she's going to shout or talk bad at me pero nagulat ako ng pumayag siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong patulan ang pag payag niya pero ayoko namang i-take advantage yun. I want to respect her though I always do perverted things to her. Kaya kahit gustong-gusto ko na halikan siya lalo na ng mag-pout siya ay pinigilan ko ang aking sarili. Pero napahiya ata siya kaya eto, galit na naman sa akin.

TBC: Owell ColtonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora