Kabanata 1

363K 6K 168
                                    

NOTE: THIS IS THE ORIGINAL VERSION OF THE CEO'S MAID. IT IS AVAILABLE ON DREAME.

WHILE THE REVISED VERSION IS AVAILABLE ON PAPERBACK (SHOPEE, LAZADA AND PSICOM SHOP)

Kabanata 1—Halik

HAPON na nang lumabas sa kanilang silid ang magka-kapatid na Kwon mula pa nang dumating sila kaninang umaga. Kanina'y nakita ko pang nangangabayo si Senyorito Axcel nang papunta ako sa taniman ng mangga kasama si Suzzie upang mamitas ng bunga at dadalhin sa talon mamaya. Linggo naman ngayon at binigyan kami ni manang ng pahinga. Pero imbis na mag-kulong sa silid, minabuti namin ni Suzzie na maligo na lang sa talon dahil bihira naman kaming maka-punta doon.

"Naku, Layana! May naiwan pala ako sa mansyon. Mauna ka nang pumunta sa talon at susunod na lang ako," bago pa man ako maka-alma ay tinalikuran na ako ni Suzzie at nagtatakbong nag-tungo sa direksyon ng mansyon.

Wala na akong nagawa at gaya ng sabi n'ya, nauna na akong nag-tungo sa talon bitbit ang mga mangga sa kamay ko. Nang makarating doon ay agad akong pumasok sa nipa house at inilapag ang mga mangga sa mesa at pinagbabalatan iyon. Hindi ko na rin maiwasang kumain dahil natakam na ako doon.

Lumipas na ang kalahating oras, busog na din ako, hindi pa rin dumarating si Suzzie. Nang mainip ay lumabas ako at napagdesisyunang maligo. Nanlalagkit na din kasi ang pakiramdam ko dahil kanina pa ako pinagpapawisan.

Hinubad ko ang saplot sa katawan at itinira ang panloob ko. Malakas ang loob kong gawin ito dahil wala namang ibang tao maliban sa 'kin. Walang makaka-kita sa ganito kong itsura.

Ipinikit ko ang aking mata at dahan-dahang lumusong sa tubig. Impit pa akong napa-tili nang maramdaman ang lamig ng tubig. At upang malabanan ang lamig, mas lumusong pa ako at lumangoy. Ngunit sa aking pag-ahon, hindi ko inaasahang tatambad sa harapan ko ang seryosong mukha ni Senyorito Alejandro.

"S-senyorito! Ano hong ginagawa ninyo dito?"

Awtomatiko akong napa-yakap sa sarili nang maalalang kapiranggot lamang ang aking saplot ngayon.

Umangat ang sulok ng labi ni Senyorito ngunit naka-kunot ang noo, "I should be the one asking you that. What are you doing here?" bahagya n'yang sinuklay ang nagla-laglagang buhok sa noo saka ako mariin tinitigan.

Napa-amang ako at hindi alam ang sasabihin. Kung tutuusin ay simple lamang ang tanong n'ya ngunit dahil sa malakas na pag-kabog ng dibdib ko, hindi ako makapag-isip ng tama.

"K-kasi..." naging malikot ang mata ko lalo na nang lumapit sa 'kin si Senyorito at hinaplos ang leeg ko.

Nanlaki ang mata ko at napa-igtad at umatras lalo na nang maramdaman ang tila kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Nagtataka ako kung bakit n'ya iyon ginawa, "S-senyorito Alejandro," umiling ako nang mas lumapit pa s'ya sa 'kin. Hindi ko maintindihan ngunit tila lasing na naka-tingin s'ya sa 'kin at naka-amang pa ang mga labi.

Doble-doble na ang pag-kabog ng dibdib ko lalo na nang abutin ni Senyorito ang kamay ko at hinila palapit sa kan'ya. Akmang ilalapit n'ya ang labi sa 'kin nang makarinig kami ng pag-sigaw.

Boses iyon ni Suzzie!

Tumalima ako at itinulak s'ya sa balikat, "P-pasenya na ho," sambit ko at lumangoy patungong pangpang. Pinulot ko ang mga damit na pinaghubaran ko at agad iyong sinuot. Hindi ko na nilingon pa si Senyorito at agad na umalis.

Hanggang sa maka-balik sa mansyon ay laman na ng isip ko ang ginawa ni Senyorito. Hindi rin ako maka-usap ng maayos ni Suzzie dahil doon. Nagtataka ako sa ikinilos n'ya.

Hahalikan n'ya ba ako kung hindi namin narinig ang pag-sigaw ni Suzzie? Pero bakit n'ya naman gagawin iyon?

Hanggang kinagabihan ay hindi na iyon natanggal sa isip ko. Dagdagan pa nang makita ko s'ya at pinagsilbihan sa hapag. Ngunit parang balewala lang naman iyon sa kan'ya dahil tahimik lamang ito hindi katulad ng mga kapatid n'ya.

The CEO's Maid (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon