Kabanata 4

304K 4.5K 429
                                    

NOTE: THIS IS THE ORIGINAL VERSION OF THE CEO'S MAID. IT IS AVAILABLE ON DREAME.

WHILE THE REVISED VERSION IS AVAILABLE ON PAPERBACK (SHOPEE, LAZADA AND PSICOM SHOP)

Kabanata 4-Hangaan at Pangarapin

LUMALALIM ang gabi at ganun din ang nararamdaman kong tila pag-tusok ng punyal sa dibdib ko. Ang sakit makitang may akay-akay na babae si Senyorito ngunit mas masakit nang malaman kong kasintahan n'ya ang babae. Hindi ko naman tinanong ngunit si Elli na mismo ang nag-sabi na nobya ni Senyorito si ma'am Ianne.

Gusto kong pagtawanan ang sarili ko't nagpadala ako sa mabubulaklak na salita ni Alli. Tama ang hinala ko noon na baka pinaglalaruan n'ya lang ako.

"Sa'n ka pupunta?" hinawakan ni Elli ang kamay ko.

"C-comfort room lang," ani kong hindi magawang tumingin sa kanila.

Hindi ko na kayang pagmasdan ang dalawang magkasintahan sa aking harapan dahil ang bigat-bigat sa dibdib makita kung gaanu sila kalambing sa isa't isa. May mga oras na nararamdaman kong nakatingin sa 'kin si Senyorito, marahil ay gusto n'yang ipamukha sa 'kin na nagpa-dala ako sa kan'ya.

"Do you want me to accompany you?" tumayo si Elli pero inilingan ko, "K-kaya ko naman, Elli. S-sige, alis na muna ako,"

Namumula ang mga mata ko nang humarap sa salamin dito sa rest room. Alam kong hindi iyon dahil sa inaantok na at malalim na ang gabi, bagkus dahil ito sa pinipigilan kong mapa-iyak mula pa kanina.

Nagtiwala ako sa 'yo, Senyorito. Pero ba't naman ganito? May kasintahan ka pala!

Ang sakit palang biguin ka ng taong gusto mo. Hindi ko inaasahang ganito ang mararamdaman ko, mula sa unang lalakeng nagustuhan ko. Bumuntong hininga ako at muling pinagmasdan ang sarili bago napagdesisyunang bumalik na sa loob. Sapat na siguro ang na-ipon kong lakas ng loob upang maka-harap sila ng ilang oras pa.

"P-patawad ho," ani ko nang may mabangga dahil sa naka-yuko akong naglalakad.

"Tch! Watch your step, stupid girl!" pikon ang boses na anito.

"S-sorry E-eliot, hindi ko naman sinasadaya," inungusan lang ako nito saka nilagpasan. Wala na akong nagawa at tinanaw na lamang ang papalayong anak ni Mayor. Kanina kasi, nagkaroon ako ng pagkakataong makilala s'ya nang kausapin ako ni Mayor. An'ya, kung nakapag-desisyon na ba ako dahil isang linggo na lang ang natitira sa palugit na ibinigay n'ya.

"You sure, you're okay?" nag-aalalang tanong ni Elli. Hindi pa man ako nakaka-sagot, nang ayain n'ya na akong umalis ng party. Matapos makapag-paalam kina Mayor, inakay n'ya ako palabas ng hotel, "Let's go, Layana," tumango ako at binalewala ang titig na pinupukol sa 'kin ni Senyorito Alejandro.

"Maraming salamat sa paghatid, Elli. Mauna na ako sa loob," ani ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyon.

"Tawagan mo ako kapag nakapag-desisyon ka na, Layana,"

Dumiretso ako sa maids quarter nang makaalis na si Elli. Naabutan kong tulog na si Suzzie. At mabuti na 'yung ganu'n upang hindi n'ya ako usisain sa mga nangyari sa party. Baka maiyak lang ako kapag na-ikwento ko sa kan'ya ang nasaksihan ko kahit na ba, wala s'yang alam sa namamagitan sa 'min ni Senyorito Alejandro.

At ang akala kong lusot na ako mula sa kan'ya ay hindi pa pala dahil hindi n'ya ako tinigilan kakatanong kung kamusta ba ang party ng mga mayayaman. Wala naman akong ibang sinagot kundi okay lang. Mabuti nga at tinawag s'ya ni Manang kaya hindi n'ya na ako muling kinulit pa.

"Ang ganda ng kasintahan ni Senyorito Alejandro, anu..." dinig kong usapan ng dalawang kasama ko ngayon dito sa kusina.

Itinigil ko ang ginagawa at pasimpleng hinawakan ang parte ng dibdib kong kagabi pa nakirot. Ang sakit na harap-harapan nang ipinamukha sa 'kin ni Senyorito na pinaglaruan n'ya lang ako, patunay na ang kagabi at ang pag-uwi n'ya dito kasama ng kasintahan n'ya.

The CEO's Maid (Published Under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon