SPYING

55.2K 906 12
                                    


DIANNE__

Lapit na ng pasko, pero nandun parin si Vincent sa America.
Kainis siya wala man lang tawag, di ko alam kung buhay pa ba siya o natuluyan na matapos ang kanyang operation sa paa. Tss...

Sarap nga ipaambush sa mga bandido kung buhay pa eh,,, para matuluyan na. Agad ko naman pinukpuk ang ding-ding ng tatlong beses.

Syempre joke lang na gusto ko siyang madedo no...

Narito na pala kami sa Dimahukay province at kasalukuyang nagbabanat ng buto ang mga boys.

Alangan naman kami ang mag-igib eh, nandyan naman silang mga boys diba?

"Di-di, pwede bang patulungin mo yang mga bodyguards mo? Kesa naman nakatayo lang sila dyan. Kala ko kasi gripo tubig niyo dito." Mike

Maluha luha na si mike dahil first time ata magdala ng timbang tubig. Laki ng katawan pero dalawang balde lang pala ng tubig ang katapat niya.

"Hala... magigib kayo, Sakin lang sila nakikinig  Mi-mi. At bodyguards ko sila di pwedeng utusan na magigib dahil proteksyon ko ang kailangan dito!." Ako

"Grabe my loves, pang presidential lang ang peg? Anak kaba ni Noynoy?" Pauline

"Tss...hoy! Myloves single si Noynoy at di magkakaanak yun dahil walang matres. basta kayo magigib sa sarili niyong pampaligo." Ako

Di nga pwedeng umalis ang mga bantay ko diba? dahil in danger ako as in IN DANGER.

Di talaga nila gets no?
English naman at di Japanese.

Makalipas ang isang taon na pagaantay ay kumain na kami. Tapos narin naligo ang lahat, syempre si Mang bodyguard ko ang nagigib sakin. Si kuya Ilyas ang pangalan ng bodyguard ko na nag-igib samin ni Pau. Siya lang kasi ang pala kaibigan sa mga bodyguards ko kaya nakasundo ko siya agad.

"Wow! Sarap... puro sea foods."  Mike

"Hoy! GM parang ngayon lang kayo nakakita ng ganyan?" Pau

Ngumuso lang si Mike at isinubo ang pusit na kanina pa niya tinititigan.
Pambihira... ang mga kaibigan kung yaman yaman pero parang di nakakain ng inihaw na pusit.

"Hinay hinay lang sa pagkain mga anak, baka mabulunan kayo." Tita Marta

"Tita... kayo po ba nagihaw nito?" Ann

"Oo naman, specialty ko ang mga ihaw na lutuin hija."

Di ako halos makapaniwala sa mga pagbabago na nakikita ko, si tita Marta kasi ay di na tulad ng dati na laging sumisigaw. Oo sumisigaw parin siya pero matumal na lang. Hehehe

Kumain kami at nagpakabusog, habang kumakain may konting tawanan ng dahil kay Mike na parang nasa Pimak lang ang peg dahil sa itim ng ngipin. Pusit kasi ang inatupag. Hahaha

sa di kalayuan ay may natanaw akong lalaking nakamaskara. Parang kinutuban ako sa mga titig niya, pero hinayaan kona lang dahil baka may party lang siya na dinaluhan.

Hinayaan kona ang kakaibang feeling at kumain na lang ng panghimagas na buko Salad...

Mmmmm...! kanina pa ako natatakam eh...
Hehehe

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Di ko pa pala naipapakila sa inyo ang dalawang dalaga na napagalaman kong mga kasintahan ng dalawang kapre... si Felicia Romero at Princess Ann Dizon.

MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIREWhere stories live. Discover now