Restaurant

39.2K 811 25
                                    


DIANNE__

Matapos ang short ride but long awkward moments namin sa kotse ng asawa ko, take note huh? Consistent ang lolo niyo at di na nagsalita.
GALIT ang peg niya at mukha akong tanga na nagsasalita magisa sa loob.

At ngayon ay nasa isang Restaurant na kami at nagaantay ng makakain.

Syempre nagugutom na ako pero nawala ang gutom ko ng makita ang menu nila.

O__O

Ang mamahal te, duper!

Grabe, ganito ba ang pagkain sa mga restaurant? Patay pitaka?

Hindi kasi ako sanay sa mga mamahaling restaurant gaya nito kaya naninibago ako.

Tingin dito,

tingin doon.

At lahat mga sosyal na tao.

Si Bunchie na umorder para sakin. Wala siyang choice dahil di ako makakakain kung ako ang oorder. Wala kasi akong mapili sa sobrang mahal ng pagkain dito. Naiisip kung tubig na lang pero natawa naman ang mga kuya ko. Baka daw maging botete ang tyan ko sa kakainum ng tubig. Habang sila kumakain ng masarap.

Ang mamahal kasi ng pagkain nila. actually, kung iestimate ko ang mga pagkain na inorder ni Vincent pang isang linggong ulam na yun kung tutuusin ang inorder niya para samin.

At mukhang pinangatawanan na niya ang peg niyang bipolar attitude dahil wala parin balak mamansin itong asawa ko, at notice agad ng mga bakulaw kung kaibigan.

Kasama namin kasi sila. Ewan kung anong okasyon at nanglibre itong asawa kong bipolar ang ugali.
May mood swing kasi, daig pa ang babaeng may regla. Tss!

Tinawagan niya ata isa-isa ang mga ito. At hula ko si Pauline ang nautusan niyang tumawag. Malamang wala siyang number ng mga Gaga at Gorilla kung kaibigan. Pero Love ko naman sila...

"Okay lang ba kayo Di-di?" Mike

Mukhang di mapakali ang mata ni Mike sa kakatingin samin. Tapos sakin kay Vincent. Tapos,uulitin nanaman niya. Kaya pati ibang kaibigan namin ay nakapansin narin at ginaya na ang ginagawa niya.

Maliban sa tatlong kuya ko na busy sa pagtitext si kuya Zur, busy sa pakikinig ng music si kuya Zach at nakapikit naman si Kuya Duke habang nakasandal ang ulo sa upuan.

Tiningnan ko si Mike ng "Don't ask me look" at salamat nagets niya ang ibig sabihin ng mata ko. Kaya si Vincent naman ang tinanong niya.

"Bro, anong occasion ba? Birthday mo? Biglaan kasi. Hehehe" sabay tawa ng pilit dahil sa mata ni Vincent mukhang umaapoy.

Napakaloko loko talaga ni Mi-mi, kung anu-ano tinatanong. Pero mas nabigla ako ng sumagot si Vincent sa tanong niya.

"No, it's because I'm going to invite you all in our party next week and I needed help. for a birthday party."

Mahina ngunit narinig ko parin ang huli niyang sabi.

What?!!!!

Birthday niya pala, bat di ko alam? Huhuhu

Next week pa naman daw kaya baka kaya ko pang mamili ng regalo.
Mahirap kasing mamili ng regalo. Lalo na kung nasakanya na ang lahat.

Ano kayang regalo gusto niya?
Hay! Hirap hanapan ng regalo lalo na't mayaman naman sila. Bato na lang kaya at lupa? Para di na ako mahirapan.


MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIREWo Geschichten leben. Entdecke jetzt