new bodyguard slash classmate?

45.8K 841 14
                                    

Malapit na po ako sa dulo nitong kwento, sana po suportahan niyo parin hanggang wakas ang kwento nina Vincent at Dianne.

And may bago po akong kwentong I papublish teen fiction naman po. Sana suportahan niyo rin. Just see it on my profile..
HEHEHE

Ipapublish pa lang po at di pa naipublish, pero sana suportahan din po niyo. Sorry po sa slow updates, pero asahan niyong maguupdate ako agad.

Salamat ng marami.
Mmwwaaahhh!!! :-*



DIANNE__

"Welcome back Di-di!"

Sigaw ni Mike habang papalapit sakin. Siya lang ang sumigaw at nasa likod naman niya ang lima na nakanganga, sina my loves,, keps, shown, Ann at Feli. Di ko kasi sinabing babalik iskwela na ako, tinext ko lang sila na lumabas dahil nandito ako.

Tumakbo pa si Mi-mi yung parang slow motion pero ng malapit na siya sa akin ay humarang si Kuya Zack sa unahan ko na naka cross arm kaya di niya ako nalusob ng yakap at nagwave na lang ng Hi.

Kabilin bilinan kasi ni Vincent sa kanila ay " bantayan niyo ang asawa ko't wag palalapitin sa lalaki maliban sa inyong tatlo mga kuya."
Sumusunod lang sila sa sinabi ni Vincent dahil may kapalit naman.

Nakakapagtaka nga, dahil dati wala silang sinusunod. Pero ngayon parang boss kung ituring nila ang Bunchie ko. Hmmmm something smell specious.

Nag wave back na lang ako at ngumiti kay Mi-mi, baka kasi magtampo at pagfestahan nanaman ako ng mga students dito sa school kung napaaga kami ng dating, sinadya ko talagang late pumasok. Dahil ayoko ng attention nila. Kaya tahimik kaming pumasok dito sa campus, yung nasa class na ang lahat.

Ewen kay Vincent kung anong nagawa niya at nakapasok itong tatlo kong kuya dito sa University na ito.

Ano sa tingin niyo? Binayaran niya kaya?
Posible diba? Kasi rich kid itong napangasawa ko. Hay!

Akalain mong magaaral sila dito, ang masaklap classmate ko pa sila. San ka pa? Mga kuya ko nga ang bodyguard ko tapos classmate ko pa. Pambihira!

Pero iba ang kurso nila, sinadya lang ni Vincent na ganito sa umaga pero sa gabi naman major subject nina kuya ang ititake nila. Sa ibang subject mauupo lang sila

Napapayag naman sila ni Vincent dahil matagal na nilang pangarap na mag college, pero si Tatay ay di kayang tustusan kaming lahat. Lalo na't naisanla ang lupa namin noong panahon na nasakanila pa ako dahil sa gulong nagawa namin.

Complicated din ang pangyayaring yon kaya ayoko ng balikan.

Eto na yung kasunduan namin ni Vincent kahapon, makakalabas ako at makakapagaral pero bantay sarado naman ako nina kuya. Sabi pa niya

"No buts Munchie, you'll obey me this time, and this is for all of you." Ganyan na ganyan ang English niya.

Huhuhu! This is so rude wala akong magagawang lakwatsa...

At speaking of bodyguards ay naalala ko si Mang ilyas noon, sabi ni Vincent ay bumalik na sa probinsya nila si Mang ilyas at nagtatrabaho parin sa ilalim niya. Pero di na gaya ng dati ang trabaho niya bilang bodyguard, ewan kung ano na dahil di nabanggit sakin ni Vincent.

Noong una ay kamuntik na niyang patayin si Mang Ilyas, pero hiningi ko kasing patawarin na niya si Mang ilyas sa nagawa nito, may kinakailangan lang kasi siya noon.

"My loves... is this for real?" Pauline sabay yakap sakin

"Tama nga si Mike, you'll be back." Ann at nakibeso din sakin the same with Feli at ngumiti naman si Shown

MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon