Alexus 7: The Beginning

1.8K 56 0
                                    

Third Person's POV

Pagkapasok ng gate ay bubungad agad ang napakalawak na parking lot sa loob ng Mansion ni Kaya. Sa dulo nito ay nakatayo ang malaking Mansion na mayro'ng limang palapag. Sa harap naman nito banda sa kaliwang bahagi ay ang malaking swimming pool kung saan madalas maligo ang miyembro ng organisasyon. Kaunti lamang ang halaman sa paligid ngunit sapat na para magandang tignan sa mga mata.

Sabay-sabay na nag-park sina Crystal, Shana, Yuki at Hermione sa garahe. Kasama ni Shana si Yohan na kumakain ng trolli. Kasama naman ni Crystal si Fiona na natagpuan niya papasok ng village dahil coding ang babae. Mag-isa naman si Yuki dahil galing pa siya ng photoshoot. Gano'n din si Hermione na nayayamot dahil sa mga tinuruan niya ng sayaw.

Bumaba na ang lima at nagtungo kaagad sa second floor. Five minutes na lang ay magsisimula na sila.

Naabutan nila ang lahat na nando'n kaya yumuko ang mga Tree sa mga bagong dating na Alexus at yumuko naman ang bagong dating na Alexus kay Kaya, maliban kay Shana na umupo na lang.

"Anong ganap?" Bulong ni Kaya kay Shana dahil hindi niya ito nakitang yumuko sa kanya.

"Ang sakit sa ulo ni Ybarra." Reklamo ni Shana kay Kaya. "Sabihan ba namang eskandalosa si Ninth? Sarap sapakin, eh."

Natawa si Kaya at umiling sabay bumalik sa upuan dahil nakiupo muna siya sa upuan ni Yuki na tinatanggal ang make-up niya sa gilid.

"Alexus and Alexus' Tree, ready na ba kayo?"

Nagtanguan ang lahat kaya napangiti si Kaya.

"Fourth floor. May mga pangalan ang bawat pinto kaya hindi na kayo malilito." Sabi ni Kaya. "Rules are rules. Tandaan niyo 'yan."

Tumingin si Kaya kay Zoe na nakahalukipkip. "Second, gumawa ka ng plano for upcoming event. May papatayin tayong organization dito sa loob. Exclusive village 'to kaya rito nila naisipang gumawa ng drugs dahil mahirap pasukin ang village."

Inabot ni Kaya kay Zoe ang violet folder.

"You may go." Utos ni Kaya. Sa folder nakalagay kung saan banda sa village ang location ng target nila. Kasama na rin ang blueprint.

"Third, sa upcoming event, gusto ko nasa pinaka-taas kayo. Nasa work room mo na ang mga baril. Kumpleto na rin 'yun."

Ibinigay ni Kaya ang black folder kay Wine na naglalaman ng blueprint ng building kung saan gaganapin ang event. Tagumpay ring naimbitahan ni Kaya ang mga drug lords. Sumunod na rin si Wine kasama ang mga Tree niya kay Zoe na may mga kasunod rin na mga Tree.

"Fourth, nasa work room mo ang computer at iba pang kailangan mo. Tatlo 'yun para hindi ka mahirapan."

Inabot naman ni Kaya ang blue folder na naglalaman ng instructions.

"Fifth, sinimplehan ko lang ang work room mo. Soundproof ang work room niyo nina Sixth at Eighth. Nasa loob ng isa pang kuwarto ng work room mo ang mga babaeng gagamitin. Straight lahat sila at lima." Tumingin si Kaya kay Fiona. "Walang magseselos, ah."

Natawa naman si Fiona at nag-thumbs up.

"Safe ang mga babae at lalaki na ibinigay ko sa inyo ni Sixth. Ang sa 'yo, Fifth, mga birhen pa na gustong malasap kahit sandali ang langit. At ang kay Sixth, alam mo na." Natawa siya.

Sumitsit si Luis kaya nakutusan siya ni Steve. Mga Tree ni Shana.

Inabot ni Kaya kay Shana ang gold folder na naglalaman ng tips. Wala kasing maisip si Kaya.

"Sixth, gano'n din kay Fifth ang kaso ay mga sexy kaya huwag matukso sa abs." Dagdag ni Kaya.

Nandiri si Yuki kaya natawa si Manchu. Nagtitilian naman ang Tree ni Yuki kaya pinatahimik niya ang mga ito. Inabot ni Kaya kay Yuki ang red folder na naglalaman kung ano dapat gawin. Umalis na ang mga ito pagkatapos.

"Seventh, kumpleto na ang gamit sa work room mo. Mag-design ka ng susuotin natin sa upcoming event. Nasa folder mo ang details. Huwag kang mag-alala dahil may tutulong sa inyo ng Tree mo na magtahi. Sagot na raw ni Shana ang tela."

Inabot ni Kaya kay Fiona ang pink folder. Hindi muna sila umalis dahil gustong matapos ni Shana lahat.

"Eighth, sinunod ko ang request mo sa interior at kumpleto na rin ang mga gamit. Sasamahan ka ng Tree ko para hindi kayo ma-bored ng Tree mo. Gumawa ka na ng steps for upcoming event." Tumango si Hermione at kinuha ang white folder sabay umalis.

"Ninth, sa ngayon, bantayan mo sila isa-isa kung ginagawa nga ba nila ang trabaho nila. Pwede kang magstay at tulungan ang ibang Alexus. Pero huwag na huwag kang pupunta sa work room nina Fifth at Sixth. Sa upcoming event naman, ikaw ang nasa likod or harap nila Third para tumingin. Pwede ka rin malayo sa kanila basta senyasan mo sila."

Inabot ni Kaya kay Manchu ang brown na folder. Umalis na rin ang mga ito.

"Tenth, dito muna sa Mansion ko, may CCTV ang lahat ng floor maliban sa fifth floor. May CCTV din ang bawat room maliban sa work room ni Fifth at Sixth. Alam ko kasing ayaw mo makakita ng gano'n. At saka black belter si Fifth at Sixth kaya if ever na may mangyaring masama, alam na nila ang gagawin nila. Sa upcoming event, hanapin niyo ang Control Room do'n. Gawin niyo ang lahat para walang makakita sa inyo sa loob kaya mag-ingat."

Inabot na ni Kaya ang last folder na kulay green kay Rai. Umalis na rin si Rai at ang tatlong Alexus na lang ang natira kasama ang mga Tree nito.

"Good luck!" Ngumiti si Kaya. Napatingin naman siya kay Shana. "Fifth, alam kong nagtataka ka pa rin kung bakit pero malalaman mo rin kung bakit ko sa 'yo 'yan ibinigay." Ngumiti siya ng tipid kay Shana. "Mas importante ang trabaho niyo ni Sixth. Alam mo 'yan, 'di ba? Kaya go lang nang go!" Cheer up ni Kaya kaya natawa ang lahat maliban kay Shana na nagpapakalma dahil magsisimula na ang gera.

Nagpaalam na sila kay Kaya na magluluto muna kasama si Agatha dahil sumunod na si Seth kay Hermione. Papasunurin na lang niya si Agatha pagkatapos.

Sa hagdan dumaan ang Tree ni Shana samantalang ang Tree ni Fiona ay kasama nila.

"Sa work room muna kami ni Cathy dahil mag-iisip pa ako. Susunod ako sa work room mo." Sabi ni Fiona kay Shana habang nakahawak sa braso ng matangkad na kasintahan.

"Sigurado ka bang papasok ka ro'n?" Nag-aalalang tanong ni Shana dahil baka hindi siya maging kumportable.

"Promise! Hndi kita iistorbohin. Lalambing lang." Mahinang natawa si Fiona kaya niyakap siya ni Shana at ginulo ang buhok nito.

"Ikaw talaga."

Nasa fourth floor na sila at nagpaalam muna sina Fiona at Cathy kay Shana. Hinalikan muna ni Shana si Fiona sa noo bago ito pakawalan. Sakto namang dumating na ang mga Tree niya na pagod na pagod maliban kay Yohan na nakapamulsa.

"Bossing, binugbog kami ni Yohan!" Sumbong nila kay Shana at napatingin si Yohan na nagtatanong ang mga mata.

"Sinungaling." Iling ni Shana kaya ngumuso ang mga Tree dahil hindi raw sila makahingi ng trolli kaya sila nagsinungaling.

May lollipop sa bibig ni Yohan kaya tinanggal ni Shana 'yun at inutusan si Jin na itapon. Maluluha na sana si Yohan kaso nagsalita si Shana.

"Trolli o lollipop?"

Tumingin si Yohan sa taas at tila nag-iisip. "Trolli."

"Kaya tapusin na natin 'tong trabahong 'to." Seryosong sabi ni Shana at pumasok na sila sa loob.

May gerang magaganap kaya humanda na tayong lahat.

The Alexus: The Past (GxG)Where stories live. Discover now