Alexus 16: First's Mansion

1.6K 52 1
                                    

Shana's POV

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan at napasuklay ako ng buhok no'ng in-on ko ang AI ko gamit ang remote nito. Nandito lang pala sa bedside table.

"Keep quiet, Gab."

Tinignan ko ang babaeng mahal na mahal ko na nakahiga sa kaliwang braso ko. Naka-boxer ako at sports bra habang siya, naked.

Tinitigan ko siya at itinabi ang mga buhok na humaharang sa mukha niya. Umatake na naman ang masamang espiritu sa katawan ko kanina.

"Yes, Master Shana." She replied.

May narinig akong boses sa labas kaya kinonek ko 'yung boses ni Gab dito sa loob ng kwarto ko para marinig ko 'yung sinasabi niya ro'n sa labas.

"Master Shana is here. What do you want, Master Kaya?" Tanong ni Gab sa taong nasa labas.

Ano naman kaya kailangan ni Kaya ngayon?

"Master Shana, Master Kaya wants to talk to you."

Kinumutan ko si Fiona at dahan-dahan kong inalis ang braso ko. Buti na lang medyo tulog mantika siya kaya hindi siya naalimpungatan.

Tumayo ako at ako na mismo ang nagbukas ng pinto. Tumambad sa 'kin ang naka-pajama pa rin na si Kaya pero iba na ang kulay nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang maganda kong mukha. Hays.

"Whoa! Hindi ko ine-expect na ganyan ang ipapakita mong katawan sa 'kin."

Katawan pala.

I rolled my eyes. "What do you want?"

"Hindi ka magtatrabaho?" Tanong niya sa 'kin at pasimpleng sumusulyap sa likod ko pero hinaharangan ko siya.

"Anong oras na ba, Gab?"

"Quarter to nine in the evening, Master Shana."

Tumaas ang kilay ni Kaya at tumingin nang diretso sa 'kin. "Huwag mong sabihing hindi ka magtatrabaho?"

"Magtatrabaho." Tumingin ako kay Fiona na mahimbing na natutulog. "Pero hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa rito."

Tumingin ako sa kanya at naabutan ko siyang tumango-tango. "Naghasik naman pala ng lagim." Natawa siya kaya kinutusan ko. "Aray, ha!" Hinaplos niya ang ulo niya kung saan tumama 'yung daliri ko.

"Susunod kami. Pahatiran mo ako sa work room ng makakain. Good for two."

"Okay! Magbibihis muna ako."

Pumasok na ako sa loob at si Gab na ang nagsara ng pintuan.

Dahan-dahan akong sumampa sa kama at pumaibabaw kay Fiona pero nakasuporta ang mga kamay ko sa gilid niya. Maganda siya, sexy at maputi pero hindi ko alam bakit nahulog siya sa 'kin.

"Babe." Tinapik ko ang pisngi ni Fiona.

Kahit ayoko siyang gisingin ay kailangan dahil baka siya naman ang sermunan ni Kaya. Mainit din ang mga mata ng ibang Alexus sa kanya sa hindi ko malamang dahilan pero close naman niya ang mga ito kahit papaano.

"Fiona." Tawag ko ulit pero this time, bumulong ako sa tainga niya.

Gumalaw siya pero naramdaman niya atang hindi siya makagalaw dahil nakapatong ako kaya nagising siya. Pumupungay pa siya at hindi ko talaga maiwasang pansinin na malagkit siya kung tumingin.

"Hinuhubaran ako ng inosente mong mga mata." I smiled sweetly.

"Tigilan mo ako, Shana."

Hinalikan ko siya sa labi at umupo sa tabi niya.

The Alexus: The Past (GxG)Where stories live. Discover now