Chapter 2

427 12 0
                                    

Chapter Two:
"Ma'am...may bisita po kayo.." napatingin ako kay Pam, secretary ko.

"Who is it?" taas kilay kong tanong. Tila nataranta naman ito sa inasta ko.

"AHmmm..."

"Kung hayop ang bisitang tinutukoy mo itaboy mo. Ayokong may hayop na nagkakalat sa opisina ko." Seryosong saad ko ngunit parang hindi ata ma-digest ni Pam yung utos ko at nakatayo pa rin sa may pintuan.

"Bakit nakatayo ka pa dyan?"

"Kasi ma'am..."

"What?!" pagsusungit ko na at mukhang natakot ito. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung ginugulo ako habang nasa kalagitnaan ako ng trabaho. Sayang sa oras.

"Ka...kapag hindi niyo daw po siya papapasukin magpapaka-hayop daw po siya at walang habas na magkakalat dito..." napahilot na lang ako sa sentido ko ng sabihin niya iyon.

"Damn. Hindi na niya kailangang magpaka-hayop dahil hayop na siya..." mahinang sabi ko pero sapat na iyon para marinig niya iyon.

"a...ano pong gagawin ko?"

"Papasukin mo na ang asong iyon-"tila naiwan sa ere yung sasabihin ko ng biglang bumukas ng tuluyan yung pintuan at basta-basta na lang pumasok ang hayop na pinag-uusapan namin. Kinindatan pa niya ang secretary ko pagkatapos niya itong palabasin tsaka sinarado ang pintuan at humarap sa akin ng nakangiti.

"Now what?"

"Boss naman...Bakit mo ako pina-Ban dito sa opisina mo?" tila nagtatampong sabi niya at nagtungo sa may sofa.

"Did you forget? Pets are not allowed in the building kaya wala akong kasalanan Ace. Ginagawa lang nila ang trabaho nila at iyon ay ang hindi magpapasok ng mga hayop...katulad mo." balewalang sabi ko pero nakita ko ang pag-nganga niya sa sinabi ko. Tsk. Serves you right.

"Grabe ka naman boss"

"Ace-"

"Yes baby? What do you want? I am willing to do it for you." Excited na sabi nito at nag-puppy eyes pa talaga.

"I want you dead, can you do it?"

"Grabe siya oh!" Inirapan ko siya.

"Ano na naman ba ang kailangan mo at nagpunta ka pa dito sa office ko? Kung manggugulo ka lang pwes wala akong oras para dyan so umalis ka na lang." sabi ko sa kanya. May kinuha naman ito sa may mesa tsaka binutingting. Pakialamero.

"We have a family dinner tonight." nakangiting sabi nito na nakatingin sa akin. Napataas kilay naman ako.

"As far as I remember, I am not part of your family so bakit mo sinasabi sa akin yan ngayon?" sabi ko habang nakatingin sa mga pictures na kinunan kanina.

"As far as I remember, you are my fiancé and it means...my soon to be wife kaya kabilang ka na ngayon sa pamilya ko. My mom wants to see you...badly."Pagkarinig ko sa huling sinabi nito ay napatingin ako sa kanya tsaka napangiti.

"Really? Kamusta si mom-I mean your mom?" napatikhim pa ako dahil kamuntikan ko ng sabihing Mommy...nakasanayan ko na kasi siyang tawaging ganon but I never called her Mommy in front of this man. Tumayo ako para lumapit sa kinauupuan niya. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.

"You really like my mom huh? Same goes to her...she likes you too...a lot."

"Of course! She is the best! Well, my mom is the best for me but your mom is also one of best moms I've known." Natutuwang sabi ko tsaka umupo sa kaharap nitong upuan.

"I agree. I'm glad magkasundo kayong dalawa ni Mommy." Makikita mo talagang tuwang-tuwang siya.

"Nagkakaintindihan kasi talaga kami ng mommy mo lalo na pagdating sa'yo." Tila naman siyang bata na sabik na sabik makarinig ng kwento.

Perfect TogetherWhere stories live. Discover now