Chapter 25

316 16 0
                                    

Chapter 25

Kinabukasan nga ay naghanda na kami para magpunta sa mga Madrigal. Hindi ko alam kung nandon ba si Madison dahil hindi naman ito nagreply sa text ko kahapon.

"I hope everything will be fine." Narinig kong sabi ni mom. Hindi ko pa siya kinakausap dahil ayokong makita siyang malungkot. I am a big disappointment to them at alam kong sobra-sobrang lungkot ang ibinigay ko sa kanya. Mom is so precious to me kahit pa mas pinipili niya akong iwan at talikuran alam kong ginagawa niya iyon dahil alam niyang kaya ko. My mom knows me better than anyone else. Kung alam niyang di ko na kaya tsaka siya gagawa ng paraan para tulungan ako. Gusto niyang tumayo ako sa sarili kong mga paa. Gawan ng paraan kapag nakagawa ng problema hindi katulad ni Dad na pinapatag at tinatanggal na lahat ng pwedeng sagabal sa lalakarin ko. Ayaw niyang magkamali ako, gusto niya laging tama ang gawin ko.

"Magiging maayos lang ang lahat kapag nakakita ka ng pasa sa mukha ng anak natin." Napatingin kami kay Dad ngunit seryoso pa rin ito. Napatayo na ako ng makita ko ang grandparents ko na pababa na ng hagdanan. Lolo never talked to me again after that night. Kahit kaninang almusal ay hindi na kami nakarinig ng salita mula sa kanya.

"Dad, kailangan ba talagang lahat tayo ang magpunta doon?" tito asked.

"Yes. Isang malaking kasalanan ang nagawa ng miyembro ng pamilyang ito so we need to go there as a family to beg for forgiveness." Napayuko ako ng tingnan ako ni lolo.

Palabas na sana kami ng bahay ng pumasok si BAD kasunod si Leanne. Yeah, bakit ko ba nakalimutang Denver na pala siya pero akala ko baa yaw siyang isali ni BAD sa gulong ito?

"I think, we don't have to go to their house." Panimula nito.

"Bakit Brent?" Tanong ni Lola.

"Wala po sila doon ngayon. Tumawag po kasi kanina si Leanne doon para sabihin na pupunta tayo but the maid told us na wala sila doon. Nag-bakasyon daw muna sila to unwind."

"great." Dad said. Hindi ko matukoy kung natutuwa ba siya sa balita ko hindi.

"Kailan sila babalik? Kasama ba nila si Madison?" tanong ni lolo. Nakatingin lang ako kay BAD na tila hinihintay ang magiging sagot niya.

"After a month at hindi po nila kasama si Madison." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig iyon.

"Ace, alam mo ba kung nasaan ang fiancé mo." Lahat na ng mata nila ay nakatuon sa akin ng tanungin ako ni lolo.

"Nagtext siya kahapon na magro-roadtrip lang daw sila ng mga kasama niya and I don't know kung kailan siya babalik." Sabi ko. Wala naman siyang nabanggit kung kailan ang balik niya. Hindi rin siya sumagot sa text o tawag ko kahapon kaya hindi ko talaga alam. Wala rin kasi akong report na natanggap kung nasaan siya ngayon at kung sino ang kasama niya.

"Pinatunayan mo lang talaga na napakawala mong kwenta." Sabi nito at tinalikuran na kami.

Napatingin ako kay mom at malungkot lang itong ngumiti sa akin. Sumunod din sila kina lolo.

Napaupo na lamang ako at napatingin kay BAD at Leanne na nakatayo pa rin.

"Ahem, you should fix this kuya Ace. Siguro nga kaya hindi ito natuloy para maayos mo pa." napatingin ako sa gilid ko kung saan nakaupo pa rin pala so Sophia.

"Maybe.." tanging sagot ko sa kanya. Kinuha ni BAD ang baby nila kay Leanne at naglakad ito palapit sa amin.

"Hi Leanne, nice seeing you he—" halos mapamura ako ng maramdaman ang sampal niya. Napatayo ako tsaka siya tiningnan but damn, I can't stand her stare. Coldness is all I can in her eyes.

Perfect TogetherWhere stories live. Discover now