Chapter 22

238 10 3
                                    

Chapter 22

Isang linggo na rin ang nakalipas nung naisipan ni Ace na mag-celebrate ng advance ng Valentine's day. Isang linggo na rin pala nung sabihin niya sa akin na gusto niya ako. Isang linggo na na tila ibang Ace ang kasama ko. Malayong-malayo sa dati. He's super sweet na kay hirap paniwalaan. Dahilna rin doon hindi ko maiwasang mahulog pang lalo sa kanya kahit alam kong kasinungalingan lang ang mga pinapakita niya.

Tanga ko na nga ata masyado.

"Ma'am, miss Elie is here." Nagtatakang napatingin ako ka Pam.

"Okay, let her in." sabi ko kahit nagtataka pa rin ako kug bakit siya nandito ngayon.

Sobrang tanga ko na nga ata talaga dahil kahit alam kong kaagaw ko siya sa lalaking mahal ko heto ako mabait pa rin sa kanya. Kaibigan ko kasi siya. Nauna ko siyang nakilala kaysa kay Ace at ganun din kay Ace. Nauna silang magkakilala kaya naunang nagkaroon ng sila bago nagkaroon ng kami. Ganito nga siguro talaga. Yung handa kang magpakatanga para lang mapanatili sa tabi mo yung taong mahal mo.

I've never expect that I will be in this situation. Naalala ko pa si Leanne noon, yung mga masasakit na salita na binitiwan ko sa kanya. Mukhang ako naman ata ang makakarinig ng mga salitang iyon ngayon.

"Hi Madison!" ngiting bati niya pagkapasok ng office o. Tumayo ako para salubungin siya.

"Hi, how are you? Bakit bigla ka atang napadalaw dito?" Natural ang pagkakasabi ko non kahit na gustong-gusto ko siyang sabunutan. Gusto ko na ngang palakpakan ang sarili ko dahil ang galing kong umarte.

"May dinaanan lang kasi ako sa bakeshop sa kabilang kanto kaya naisipan ko na ring dumaan dito. Oh, here. I bought you some cupcakes." Abot nito sa isang box ng cupcakes. Kinuha ko naman ito tsaka nagpasalamat.

"Have a sit." Naupo ito sa sofa at ganon din ako. Tinawag ko si Pam para kumuha ng maiinom naming.

"Kailan ka nga pala babalik sa US?"

"May tinatapos pa kasi ako. Maybe after it pwede na akong umalis. Babalik na ako sa family ko. Sobrang miss ko na sila."

"Bakit hindi mo na tapusin iyon ng makabalik ka na sa pamilya mo?" tiningnan niya ako na tila inoobserbahan ako.

"Wait, why do it sounds like you want me gone? Pinapaalis mo na ba ako? After mo akong kulitin na umuwi ng Pilipinas?" Gusto ko sanang OO kaso hindi ko ginawa.

"No, it's not like that. Syempre para makasama mon a ang family mo. Ang hirap kayang malayo sa family. Kung ako ang nasa kalagayan mo? Gagawin ko ang lahat para hindi malayo sa kanila." Ngumiti ito sa akin.

"You'll be a good wife and I'm sure you will be also a good mother. I am very excited to witness that."

" No. No. You're wrong. I don't think I can be a good wife. When Ace asked me to marry him, I rejected him. For your information, ginawa ko ang lahat para lang ma-cancel ang wedding because I don't want to be married to him. Also, I don't want a child. But here, we're still engaged and I can't wait to tie the knowt with him." Hindi ko naitago ang excitement ko ng sabihin koi yon. Napansin ko din ang pagkabigla nito pero hindi na ako nagpaapekto.

"You're engaged? Engaged ka na kay Ace? I thought... I thought—"

"Yes, we're engaged. Hindi ko naman talaga gusting ma-engaged sa kanya nung una pero habang tumatagal nahuhulog na ako sa kanya kaya eto ngayon mahal ko na." She's surprised, it's evident in her eyes but she chose to hide it in her mischievous smile.

"Nasaan na yung Madison na sobrang hirap paibigin ng mga lalaki? Where's the Madison that only thing she knows is to have fun? Hindi ko aakalain na engaged ka na. Matagal na ba kao? Kilala mo na ba siya ng husto What if niloloko ka lang pala niya? What f pinaglalaruan ka lang niya katulad ng ginagawa mo sa mga nakikilala mong mga lalaki noon? What if siya ang karma mo? Hindi sa gusto ko siyang siraan sayo but I'm just a concerned friend here." Mahabang sabi niya. Ma-a-appreciate ko na sana lahat ng sinabi niya kung sakaling wala akong alam sa mga nangyayari but I know everything. I want to pull her hair and drag her out of my office but our friendship stops me on doing that. I want to defend Ace but how can I if all her what ifs are right.

Perfect TogetherWhere stories live. Discover now