Makki Sison: Tadhana

165K 2.8K 900
                                    

Note:

You're here because you are a reader of Montello High: School of Gangsters (probably). Hi, I'm Siel's friend and editor and I asked for her permission to write the short story of Makki's unrequited love. I'm really thankful that she trusted me enough to write this story and to shed some light on the secret of Makki's makulit facade. I know he is a beloved character and I hope I was able to capture his true personality and feelings in this short story. Enjoy!

+Editor MUB+

Tadhana - Makki Sison's Story

1. Kapag tiningnan mo ang playlist ng I-pod ng isang Makki Sison, isa lang ang magiging conclusion: hindi talaga siya mahilig sa OPM. Pare-pareho sila ng taste nila Van at Ethan pagdating sa kanta. Kadalasan, banda. Never before heard. Masarap sa tenga. Yung tipong pwede mong pakinggan 'pag trip mo lang magrelax at palutangin sa space ang isip mo.

Yun ang rules niya sa pamimili ng music.

Pero minsan may exception.

"Ba't di pa patulan ang pagsuyong nagkulang? Tayo'ng umaasang hilaga't kanluran..."

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama habang may nakasalpak na earphones sa tenga. He was listening to Tadhana ng Up Dharma Down. Makki wouldn't have known this song if it wasn't for her. In fact, it was her favorite song. At kahit aminado siyang maganda ito, aminado rin siyang kaya niya lang ito nagustuhan dahil kay Anya. Ni hindi nga niya matandaan ang karamihan ng lyrics ng kanta'ng 'to. But nevermind. Ang mahalaga, sa tuwing naririnig niya ang Tadhana, si Anya ang naaalala niya.

He started recalling nung unang kinuwento sa kaniya ni Anya ang kantang ito. It was envitable. Kapag may isang bagay siyang nakita o narinig na nagpapa-alala sa kaniya kay Anya, he loses interest in his world at mas na-e-engross siya sa mga ala-ala. He remembered how she even sang it and sang it well to prove her point. Nauwi iyon sa debate ng merit ng pagtangkilik sa mga kantang sariling atin. But of course, at the end, Anya got what she wanted. Makki yielded. He was just mentally substituting Anya's voice over the singer's voice nang maputol ang kanta. Someone pulled the earphones from his ears. Nakasimangot siyang dumilat and was greeted by a grave-looking Ethan Montreal, na hinagis pabalik sa kaniya ang kaniyang earphones.

"Good morning to you, too, Ethan," nakangisi niyang bati. Madaling mainis si Ethan kapag hindi ito sineseryoso ni Makki, which was every minute of every day. Minsan masarap asarin ang mga kaibigan niya. Yun nga lang lately, ang hirap intindihan nitong si Ethan.

"Kanina ka pa niya kinakausap, Makki," mahinang sabi ni Van sa kabilang kama, looking very much amused at the two of them. He was up his bed but he looked like a walking dead. Huh. No wonder, ang agang nakasimangot ni Ethan. Oh, well.

"Sorry," baling ni Makki kay Ethan, nakangisi pa rin. His eyebrows twitched. "Masyado lang engrossed sa pagsa-sound trip."

"This early?" Doubtful na tanong ni Ethan.

"Why not? I'm not like Van na iniiwan ng kaluluwa hangga't hindi pa nakakapagkape sa umaga. I'm awake once I'm awake."

"Leave me out of it," Van remarked habang nag-iinat. Makki chuckled at saka bumangon at nagtungo sa closet niya.

"What were you saying again, Ethan?" Over his shoulders, Makki studied the blonde chinito. Maaga pa pero as usual, gising na gising na ito at ayos na rin ang hitsura. He looked every inch the student council vice president that he is. He remembered the first time Ethan told them that he wanted to run as vice president for the council. Laking gulat niya. Nakipagpustahan pa nga siya kay Van kung may pag-asang manalo si Ethan laban kay what's-his-face—oh well. Hindi na niya maalala kung sino. Medyo nainis si Ethan nang malaman ang pustahan but Makki bet against him just to tease him. Between Van and Ethan, mas masarap asarin si Ethan. Dahil medyo boring si Van. Masyadong grave, hindi napipikon sa biro niya.

It Could Mean Nothing To You But It Meant Everything To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon