Montello High Interactive VII: Summoning the Monster

3.6K 138 185
                                    

AN: And now, they chose the eldest Freniere!

Poll result: C. Sebastian! There are outsiders in your school!


VII. Summoning the Monster


Ilang hakbang na lang at malapit ka na nilang maabutan. Hindi mo alam kung may makaririnig ba sa paghingi mo ng tulong ngunit ganunpaman ay inipon mo ang iyong lakas habang tumatakbo atsaka sumigaw nang malakas:


"Sebastian!"


Isang batong nakausli ang tumisod sa iyong paa dahilan upang madapa ka sa lupa. Nararamdaman mo ang hapdi saiyong tuhod at braso habang pinipilit mong tumayo. Subalit huli na ang lahat. Isang kamay ang humila sayo mula sa pagkakadapa at tinakpan ang iyong bibig ng tela upang hindi ka makasigaw. Hindi dumating si Sebastian upang tulungan ka kung kaya naman habang kinakaladkad ka nila tungo sa kabilang dulo ng Nightwoods ay hindi mo mapigilang mapaluha at mapaisip kung nagkamali ka ba sa pagpili. Ano ba naman kasi ang iniisip mo? Sino ka ba para tulungan ng isang masama at makasariling Sebastian Freniere?


Nang makalabas kayo ng Nightwoods at halos itapon ka nila patawid sa mataas na pader ay nakita mong isang itim na sasakyan ang naghihintay. Sinubukan mong magpumiglas dahil hindi mo alam kung tama bang lumayo ka sa Montello High. Hindi mo kabisado ang mundong ito; hindi ka tagarito. At ang tanging alam mo lang ay ang Montello High ang nag-imbita sayo upang makarating rito.


Ngunit kahit ano mang pagtutol ang gawin mo ay hindi iyon sapat upang mapigilan sila. They are too strong to go against with. Marahas ka nilang itinulak papasok ng sasakyan at wala ka nang nagawa kung hindi ang umiyak nang mag-umpisa na itong umandar. Wala na. Hindi na nagiging maganda ang nangyayari. Gusto mo nang lumabas sa kwentong ito.


Ilang minuto na ang nakalipas at medyo nakalayo na rin kayo sa Montello High nang bigla na lang may bumagsak sa bubong ng sasakyan dahilan upang magka-dent ito at mapa-preno at hinto ang kotse.


"What the fuck is that?" bulalas ng naka-maskarang lalaki sa tabi mo.


Subalit bago pa may sumagot sa kaniya ay bumukas ang pinto ng driver seat. Isang mabilis na anino o pigura ang humila sa driver palabas. Hindi mo makita kung anong nangyari sa kaniya maliban na lang sa malakas nitong sigaw. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas naman ang pinto ng passenger seat at tulad ng nauna ay hinila rin palabas ang nakaupo rito. Malakas na sigaw rin ang pinakawalan nito bago tumahimik ang paligid.


Halatang medyo kinakabahan na ang dalawang taong nakamaskara sa magkabila mo. Naglabas sila ng baril at itinutok sa katapat nilang pinto.


You start to thrash and let out a muffled scream through the piece of cloth covering your mouth.


"Shut up, you bi-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa kaniyang pagkalingat ay marahas na bumukas ang pinto sa tapat niya at hinila siya palabas. Sa pagkakataong ito ay walang tunog na pinakawalan ang biktima. Tanging katahimikan lang ang kaniyang naiwan.


Napalingon ka saiyong katabi nang bigla nitong binuksan ang pinto at tumakbo palayo. Malamang ay dahil sa takot sa mga nangyayari. Kahit ikaw, medyo nakakaramdam na rin ng pangingilabot. Ngunit bago pa man sya makalayo ay narinig mo ang malakas niyang sigaw at saka sinundang muli ng katahimikan.

It Could Mean Nothing To You But It Meant Everything To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon