Montello High Interactive VI: Saving the Mafia Reaper

2.9K 120 58
                                    

AN: And yes! They grabbed this chance to save our boy! <3

Poll result: C. Tyler. I'll hug him for as long as I'm here so he won't forget me.

VI. Saving the Mafia Reaper

What are the words you want to say now that you're with Tyler?

You've been dying for this moment to come. You can't count how many drops of tears you've shed for him; your pillow is the witness of how you've cried that day. If you could enter the book that time, you swear that you would. And you'll hug him. You'll share his pain. And tell him that everything's going to be fine.

Ngunit ngayong kaharap mo na sya ay nawala ang mga nais mong sabihin sa utak mo at ang mga salita ay nagkabuhol-buhol hanggang sa bumuo ito ng isang matinding emosyon.

Lungkot. Lungkot ang nararamdaman mo sa mga oras na ito kung kaya naman hindi mo napigilan ang sariling tumayo at bagama't puno pa ng brownies ang iyong bibig ay lumapit ka kay Tyler at niyakap ito. Gulat man ay hinawakan ka niya sa bewang upang alalayan. Freshman man ay hindi hamak na mas matangkad sya sayo. Well, what can you expect from a Freniere blood?

"Yes! I'll go anywhere with you!" sabi mo na pilit pinipigilan na muling maiyak.

He pats your hair awkwardly, still oblivious of why you are behaving this way. His gesture is so warm that being in his arms feels so right - unlike with the devil who is now glaring at your direction.

"Uhmm. I'm not complaining about this. But don't you think other people might get the wrong idea about us?"

Tiningnan mo sya at hindi mo mapigilang hindi mapangiti dahil sa namumula niyang tainga. He's so handsome and yet his innocence is giving a cute vibe. Siya yung taong magiging kumportable kang kasama.

"Just let me hug you, okay? Let me hug you all the time," nakangiti mong sagot.

Matapos kayong magbreakfast ay sumama ka sakaniya tungo sa chapel. Hindi mo na lang pinansin ang mga matang nanunuod sainyo at sa halip ay yumakap ka sa kaniyang braso na tila matagal na kayong magkakilala.

Nang marating niyo ang chapel ay hindi mo mapigilang hindi mapatitig sa direksyon kung saan maraming mga puno ang kumakanlong sa madilim na lugar. Medyo nakaramdam ka ng takot at lamig kung kaya naman humigpit ang kapit mo sa braso ni Tyler.

"Are you okay?" tanong niya.

"Can you promise me one thing, Tyler?" sagot mo na hindi man lang inaalis ang tingin sa Nightwoods.

Kunot ang noong tinitigan ka niya at nang makita niya kung ano ang umagaw ng iyong atensyon ay naging seryoso ang kaniyang ekspresyon.

"What is it?"

You look at him with eyes full of determination. You know what will happen in the Nightwoods. You know how it will all end. But this time, you will not let go of the chance to save him. This time, you will keep the Mafia Reaper safe.

"Whatever happens, don't go to the Nightwoods."

Medyo nagdadalawang isip pa siya na sundin ka ngunit dahil sa iyong pagpupumilit ay napapayag mo sya sa iyong gusto.

"Okay, okay. I will never go to the Nightwoods. Jeez! Why does it feel like I got myself a girlfriend?" may halong pagrereklamong wika niya.

Muli mo siyang niyakap habang para kang nababaliw na hindi mapawi ang ngiti sa mga labi. You are thinking of a possibility. You wonder what it would be like to be Tyler Del Valle's girlfriend.

Nakapasok na kayo sa loob ng chapel nang mapansin mong wala man lang katao-tao sa loob. Hindi rin nakatulong ang pakiramdam na tila may nanunuod sainyo.

"Where is she?" bulong ni Tyler sa sarili habang inililibot ang paningin sa loob ng chapel.

His friend wants to meet you. Who could be this friend of his?

Napalingon kayo sa entrance nang makarinig kayo ng kaluskos mula roon. At doon ay nakita mo ang isang maganda subalit maliit na babae na may pulang buhok at nakasuot ng gothic dress. There is this devilish smile on her lips as she stares at you. Bago pa sya tawagin ni Tyler ay tumakbo na ito papalayo. Agad niyo siyang sinundan subalit tanging ang pula niyang buhok ang nakita niyo bago siya tuluyang mawala sa dilim ng Nightwoods. You know who she is. And this is your chance to talk with her. After all, she's one of your favorite reapers.

"Stay here!" mariin mong sabi kay Tyler.

Wala na itong nagawa kung hindi ang hayaan kang tumakbo tungo sa Nightwoods. Of all people, you are one of those who know the dangers that lie within it. But you can't just stop yourself. Curiousity is in your blood.

Tila nakapasok ka sa ibang mundo nang marating mo ang Nightwoods. Mas malamig ang temperatura nito kumpara sa labas at ang dilim sa bawat sulok nito ay tila pinagtataguan ng panganib. Maya-maya pa ay napatigil ka sa pagtakbo at lumingon sa paligid. Puro hilera ng mga puno na tila walang katapusan ang iyong nakikita. Walang sikat ng araw na nakalulusot sa mga dahon at ang malamlam na liwanag ay nakadadagdag sa nakatatakot na kadiliman. You don't know where to go. You're lost.

"Are you looking for me?"

Tumingala ka sa pinagmulan ng boses at nakita mo ang babeng may pulang buhok na kumportableng nakaupo sa mataas at malaking sanga ng puno. Ngunit bago mo pa matawag ang kaniyang pangalan ay ilang mga lalaking naka-itim na maskara ang lumitaw sa paligid at lahat sila ay pawang nakatingin saiyo.

You're sure that it will be far from being fun anymore. These men in masks are bad news. You know that they are after you. Lumingon kang muli sa itaas ng puno subalit wala na roon ang babaeng may pulang buhok. Naglaho ito na tila isa lang siyang multo sa Nightwoods. Wala ka nang ibang pagpipilian. Kailangan mong tumakas.

Huminga ka nang malalim at gamit ang iyong lakas ay sinimulan mong tumakbo nang mabilis. Subalit hindi iyon sapat dahil mukhang mas determinado silang habulin ka. Malapit ka na nilang abutan nang sumigaw ka nang malakas at tinawag ang isang pangalan.

A. Tyler! (Help your wannabe girlfriend!)
B. Van! (I'll take your punishment. Just save me from them!)
C. Sebastian! (There are outsiders in your school!)

It Could Mean Nothing To You But It Meant Everything To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon