7: New Discovery

10 0 0
                                    

Mylene's POV

Kakatapos lang ng last period namin. Inaayos ko yung gamit sa bag ko nang lapitan ako ni Ericka.

"Mylene, hindi ako sasabay sa inyo maglakad ngayon. May gagawin pa kasi ako." sabi niya.

"Ah, ganun ba? Sige," sabi ko.

Nginitian niya ako bago siya umalis. Sinarado ko na yung bag ko at sumabay kina Iyah.

❤❤❤

Ericka's POV

Lumabas na ako ng classroom namin. At nilapitan ko siya.

"Dapat maganda yung dahilan mo. Dahil sayo, hindi ko makakasama yung mga kaibigan ko." sabi ko kay Andrew.

"Kung walang kwenta lang 'to, bakit ka nandito? Bakit ka pumayag?" tanong niya.

"Parang may magagawa naman ako. Siguradong pipilitin mo lang ako kung di ako pumayag. Basta, this better be good."

"Halika na nga. Sa labas ko nalang sasabihin sayo." sabi niya at naglakad na siya paalis.

"Hoy! Drew! Sandali lang!" sigaw ko habang hinahabol siya. Ang bilis niya kasi maglakad.

❤❤❤

Pumunta kami ni Andrew sa may main building ng university. Dun sa may harap nun. Umupo kami sa isang bench dun.

"Ano? Bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ko pero di siya nagsalita.

"Ayokong masayang yung oras ko sa pagpunta dito. Kaya ako nalang yung magtatanong sayo since may kailangan rin akong malaman galing sayo. Ano nangyari sa inyo ni Mylene? Pano kayo naging magkaibigan?"

Kinwento niya sakin yung nangyari. Simula dun sa nakita niyang umiiyak si Mylene sa kalsada habang umuulan.

"Seryoso ka talaga?! Nangyari yun?!" tanong ko.

Tumango lang siya.

"Bakit naman umiyak si Mylene?!" tanong ko pa.

"Yan yung gusto ko sanang tanungin sayo." Tinignan niya na ako. "Sinabi niya sakin na ang dami niyang problema at sobrang malas ng sitwasyon niya kaya siya naiyak. Alam mo ba yung posibleng tinutukoy niya?"

"B-bakit mo tinatanong 'to bigla?" tanong ko.

"Ang tingin ko kasi sa kanya noon, walang damdamin. Cold sa iba, perfect, masaya. Pero nung nakita ko siya kagabi, nakita kong nagkamali ako. Kaya gusto ko malaman kung ano ang nangyayari sa kanya." -Andrew

"A-Andrew, hindi ko alam kung pwede ko sabihin sayo. Unting tao lang nakakaalam ng sekreto niya. Dalawa nga lang kami eh. Hindi ko alam kung okay lang kay Mylene na sabihin ko sayo. Baka magalit lang siya."

"Edi wag mo sabihin ng detalyado. Wag mo na sabihin lahat lahat. Yung sakto lang para maintindihan ko siya." -Andrew

Pumayag ako sa sinabi ni Andrew. Siguro naman, okay lang kay Mylene yung ganun.

"Andrew, yung Mylene na nakikita niyo sa school, hindi yun yung totoong siya. Marami siyang problema sa pamilya. Sobrang sakit ng past niya. Ilang beses na siyang nasaktan ng mga mahal niya." sabi ko.

Huminga ako ng malalim bago tumuloy.

"Nakangiti siya para di makita ng iba yung nararamdaman niya. Ayaw niya kasi magmukhang mahina at mahusgahan bilang iyakin o kung ano pa. Pero if you look into her eyes, makikita mo yung sakit. Yung sakit sa mga mata niyang gabi gabing umiiyak."

Pinunasan ko agad yung luhang tumulo galing sa mga mata ko. Naaalala ko kasi yun.

"Kaming dalawa lang ni Iyah ang nakakaalam ng lahat. Sinasabi niya lang kasi ito sa mga taong talagang pinagkaka tiwalaan niya. Drew, maraming problema si Mylene. Sobra na siyang nasaktan at nasasaktan pa rin. Kaya nangako ako na kung kailangan niya ako, nandun lang ako para sa kanya at hinding hindi ko siya sasaktan."

Hanggang dun lang ang sasabihin ko. Ayokong sabihin ang lahat kay Andrew. Si Mylene nalang ang magsasabi sa kanya kapag gusto niya.

"Ganyan pala siya... Bakit siya natatakot mahusgahan? Kung sasabihin niya lang sa iba yung dahilan, sigurado naman akong maiintindihan ng iba kapag iiyak siya." -Andrew

"Hindi ko din alam yun eh. Ayaw niya lang talaga malaman ng marami yung pinagdadaanan niya."

"Hindi ko inakala na ganyan pala si Mylene. Talagang maling mali ako nung hinusgahan ko siya."
-Andrew

"Never judge a book by it's cover diba? Hindi dapat iniisip na perpekto na ang buhay ng isang tao based sa mga nakikita mo. Lalo na't di mo siya kilala. She's silently going through a battle na hindi mo alam. Buti nalang, narealize mo yung pagkakamali mo."

"Thank you, Ericka. Naiintindihan ko na si Mylene ngayon." -Andrew

"Gagawin ko ang lahat para kay Mylene. Kung may gusto ka pang malaman, si Mylene na mismo yung bahalang magsabi sayo nun kapag kaya niya."

"Sige. At wag ka magalala. Hindi ko sasabihin kay Mylene na sinabi mo 'to sakin. Thank you talaga Ericka." -Andrew

Naghiwalay na kami ni Andrew. Pumunta ako sa office ni Mama kagaya ng palagi kong ginagawa tuwing uwian.

Tuwing iniisip ko yung mga pinagdadaanan ni Mylene, nasasaktan din ako. Alam ko yung sakit na nararamdaman niya. She doesn't deserve to get hurt.

Nung una, katulad ako ni Andrew. Hindi kasi kami naging close agad ni Mylene nung first year. Nagulat nalang ako nang malaman ko yung totoo.

❤❤❤

Andrew's POV

Kaya pala ganun si Mylene... Sobrang tahimik niya kasi sa classroom kaya hindi ko siya nakikilala. Eto na yung pangatlong taon namin bilang magkaklase pero ngayon ko lang nalaman lahat ng 'to.

Yung mga kagaya niya, kailangan nila ng totoong kaibigan. At yan yung plano kong maging para sa kanya.

The Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon