16: Another One?!

21 1 0
                                    

Mylene's POV

Nalilito na talaga ako. Bakit ako affected sa sinabi ni Iyah kahapon? May gusto nga ba ako kay Andrew? Hindi. Kaibigan ko lang siya. Pero bakit parang iba yung gusto sabihin ng puso ko?

Palagi nalang ako nasasaktan. Kaya ayoko na magmahal. Yung pamilya at mga kaibigan ko lang ang minamahal ko. Hindi na ako nagmamahal in a romantic way. May isang lalaking nagpaasa sakin noon. At simula nun, hanggang crush lang ang meron ako pero nawala rin agad yung mga yun.

"Mylene, parang ang lalim ata ng iniisip mo?"

Napatingin ako kay Ericka. Siya yung nagsalita.

"Iniisip mo yung sinabi ko sayo kahapon noh? Tama ako noh?" tanong ni Iyah.

Silang dalawa yung kasama ko ngayon. May ginagawa kasi sila Zach kaya kaming tatlo lang muna.

"Ano yun?" -Ericka

"Wala. Wag mo na pansinin yung sinabi ni Iyah. Anyways, kamusta music ensemble kahapon?"

"Nakakainis. Ayoko makita yung pagmumukha ng lalaking yun. Pinaasa niya lang ako." -Ericka

"Dati, excited na excited ka para sa club day. Ngayon, ayaw mo na." sabi ko.

"Ayoko na talaga." -Ericka

"Bakit? Ano nangyari? Sinong lalaki?" tanong ni Iyah.

Oo nga pala. Di pa alam ni Iyah yan.

"Hindi pa pala natin nakekwento kay Iyah yung nangyari." -Ericka

Kaya kinwento na namin sa kanya ang lahat.

"Sayang. Bagay pa naman kayong dalawa. Kung di lang siya epal." sabi ni Iyah

"Kaya nga eh." sabi ko.

"Iyah!" tawag ni Josh kay Iyah.

Tinignan lang siya ni Iyah.

"Halika dito!" -Josh

"Bakit?" -Iyah

"May tatanungin kami sayo."
-Josh

"Ano ba yun?" -Iyah

"Halika nga dito." -Josh

"Tsk," sabi ni Iyah sabay tayo at punta kina Josh.

"Anyway, kamusta na kayo ni Chanel? Sinabi mo na ba sa kanya na crush mo siya?" tanong ko kay Ericka.

"Sinabi ko sa kanya through chat pero parang di siya naniniwala."
-Ericka

"Nakakainis kayo! Yun lang pala. Pinapunta niyo pa ako diyan!" Narinig naming sigaw ni Ericka kina Josh.

"Gusto namin dito ka eh." -Josh

Di pinansin ni Iyah si Josh at umupo nalang siya sa harap namin.

"Ano naman nangyari dun? Bat high blood ka?" tanong ni Ericka kay Iyah.

"Pinapunta pa nila ako dun. Magtatanong lang pala si AJ tungkol sa lesson. Tinanong niya sila Zach at Josh pero di sila nagkakasundo kaya sakin tinanong." -Iyah

"Ahh. Eh di mo naman sila masisisi. Ikaw yung mentor ni AJ." -Ericka

"May inassign na mentor at mentee pa kasi si ma'am. Dami niyang alam." -Iyah

The Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon