37: Smile

14 0 0
                                    

Mylene's POV

"Zach! Ayoko na! Tama na!" sabi ni Abby kay Zach.

May pasok na kami ulit. Nakakainis nga eh. Parang ang bilis ng sem break namin. Dumaan yung linggong yun at di na kami dinistorbo ni Jana pagkatapos nung nangyari sa mall. Sumuko na kaya yun?

Napatingin ako sa lugar nina Abby at Zach. Sinusubukan nilang kilitiin ang isa't isa.

"Tumigil ka na din! Kanina ka pa ah!" -Zach

Sinubukan kasi ni Abby kilitiin si Zach ulit. Tumakbo si Abby sa loob ng classroom pero hinahabol siya ni Zach. Biglang tumigil si Zach sa paghahabol kay Abby at may kinuha siya.

"Wow! Ang ganda naman nito. Kanino kaya ito?" -Zach

May hinahawak siyang illustration board na may mga nakadikit na pictures. Parang yung kailangan namin gawin para sa project namin sa Science.

"G@go! Akin yan!" sigaw ni Abby.

"Alam ko. Ano kaya pwede gawin dito? Tapon natin sa labas dun sa bintana?" -Zach

"Hoy! Wag! Pinaghirapan ko yan!" -Abby

Hinabol naman ni Abby si Zach. Parang nagmamakaawa na nga si Abby kay Zach para makuha niya yung project niya. At mukhang naiiyak na siya.

"Zach, halika na nga. Baba na tayo." sabi ni Ericka.

Sasama daw kasi sila Zach at Josh samin sa canteen para bumili ng pagkain. Binalik na ni Zach kay Abby yung project nito. Tapos bumaba na kami at bumili ng pagkain.

Nung naglalakad na kami pabalik sa classroom, napag desisyunan namin ni Ericka na pagtripan si Zach. Nakakatuwa siyang pagtripan eh.

Naglalakad sa harap namin nina Ericka at Josh si Zach. Si Josh yung nasa likod niya talaga tapos kami ni Ericka, nasa kaliwa ni Josh. Ang ginawa ko, tinusok ko yung tagiliran ni Zach. Dun kasi yung pinaka malakas niyang kiliti.

Nung ginawa ko na yun, tumigil siya sa paglalakad. Tumingin siya sa likod niya at nang makita niyang si Josh iyon, tinignan niya ito ng masama.

"Aba! Nagawa mo pang kilitiin ako ah!" sabi ni Zach kay Josh.

Bakas yung gulat sa mukha ni Josh. Nilapitan siya ni Zach na parang may binabalik ito. Naglalakad si Josh palayo kay Zach pero sinusundan pa rin ito ni Zach at nandun pa rin yung nakakalokang tingin sa mukha niya.

"Zach! Hindi ako yun! Sila Mylene yun!" sabi ni Josh.

"Nagawa mo pang magsisi ng iba!" -Zach

Kaming dalawa naman ni Ericka, tumatawa. Si Josh talaga yung nasa isip ni Zach! XD

"Zach! Wag mo sisihin si Josh." sabi ko habang tumatawa.

"Aray ko! Ang sakit ng tiyan ko." sabi ni Ericka na tumatawa pa rin.

"Zach, ako yun. Ako yung nagkiliti sayo, hindi si Josh." sabi ko.

Dun na tumigil si Zach. Nakita kong nakahinga na ng maluwag si Josh pagkatapos nun. Hindi ginawa ni Zach sakin yung ginawa niya kay Josh dahil alam niyang kikilitiin ko lang siya ulit. Tapos hindi siya makaka ganti kasi wala akong kiliti.

Bumalik na kami sa classroom at kumain dun.

❤❤❤

"Mylene!"

Napatingin ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Ericka na galing sa labas ng classroom.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Halika sa labas! May kailangan ka makita!" -Ericka

Napakunot ang noo ko. Anong meron sa labas? At bakit ang laki ng ngiti ni Ericka? Tumayo ako at pumunta sa labas.

"Bakit? Ano ba meron?" tanong ko kay Ericka pero hindi siya sumagot.

Magtatanong sana ako ulit pero may biglang humawak ng kamay ko. Hinila niya ako papunta sa isang malapit na hallway na kung saan walang tao at puro mga lockers lang ang nandun. Tinignan ko kung sino yung humila sakin. Hindi ko nakita yung mukha niya kanina kasi nakatalikod siya sakin.

At nung nakita ko kung sino yun, naisip ko na ang tanga ko. Sino pa ba ang gagawa nito bukod sa kanya?

"Andrew, bakit ba tayo nandito?" tanong ko.

"Bakit? Masama ba? Gusto ko lang naman makasama ang girlfriend ko, in private." -Andrew

"Oh, nandito na tayo at tayong dalawa nalang. Tapos?"

Nilapitan niya ako pero naglakad ako paatras hanggang sa naramdaman ko na yung pader sa likod ko. Lapit lang ng lapit sakin si Andrew habang nakangisi.

Hinawakan niya yung mga kamay ko at lalo akong nilapitan.

"Tapos eto." sabi niya tapos hinalikan niya ako sa labi.

Hinalikan ko siya pabalik. Pasalamat siya, kaming dalawa lang ang nandito! Kung hindi, lagot talaga sakin ang lalaking 'to. Isa kasi sa mga pinaka ayoko ay ang PDA.

Pinutol ni Andrew yung halik. Nakita ko yung malaking ngiti sa mukha niya.

"Namumula ka." sabi niya.

"H-hindi ah." Agad akong umiwas ng tingin.

Tumawa siya pero mahina lang iyon. Nilapitan niya ulit ako at hinawakan yung kamay ko. Tapos naglakad kami pabalik sa classroom habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

"Hindi ko na napigilan ang sarili ko eh. Hindi ko kinayang maghintay ng pagkakataon na tayong dalawa lang. Kaya ako na gumawa ng paraan." sabi ni Andrew.

"Baliw ka talaga." natatawa kong sabi.

"Oo. Baliw na baliw sayo." sabi niya.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Namumula ka ulit." -Andrew

"Andrew naman eh!" Pinalo ko siya sa dibdib niya gamit yung isa kong kamay. Mahina lang naman yun.

Bumalik kaming dalawa sa classroom ng ganun- Nakangiti at magkahawak ang mga kamay.

Palagi nalang ako napapangiti ng mga kaibigan ko. Pero iba yung ngiti ko tuwing si Andrew yung dahilan. Sana ganun nalang palagi...

The Broken GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon