Chapter 9-Shop. Shop. Shop.

7.6K 137 2
                                    

Jean’s POV

Okay, nasa mall na ako ngayon at didiretso na ako sa 2nd floor kung saan mahahanap sina Aki. Grabe ah, binilisan ko talaga ang pagmamaneho kasi takot talaga ako kay Aki kaya 15 minutes palang, nakadating na ako.

At sa kasamaang palad, si Carll ang nakasalubong ko.

“At bakit ikaw ang nandito?!”

 

“Kasi ako lang naman ang pinabitbit ng mga pinsan mo!”

“Karma na yan sa’yo! Asan ba yang mga ugok mong barkada?!”

 

“Ahh, sina Blake at Patrick?”

 

“Ah hindi hindi, sina Plankton at Squidward, gusto mo?!”

 

“Tss. Umuwi na sila!”

 

“Kawawa ka naman!”

 

“Tch! Di ako kawawa kasi, nambababae na naman yun, walang mga taste yung mga taong yun, kahit sino fini-flirt.”

 

“Eh, bakit di ka gumaya sa kanila?”

 

“Conservative ako! Ayokong makipag-flirt sa mga babaeng malalandi kasi alam kong di na sila FRESH! Naiirita lang ako sa mga mukha nila!”

 

“Hmmm. Maarte ka din pala! Hahahaha!" Napabunghalit nalang ako ng tawa. Tae. Kasing arte lang pala to ni Qhim. Parang bading. Pfft!

 

“Ambabaw ng tuwa mo! Sarap mo pektusan, eh.”

“Che!”

 

Mabuti nga’t dumating na sina Aki. Daming pinamili ahh.

“Hey! Good that you’re not late. Akin na yan Carll, samahan mo nalang si Jean na mamili.”

 

“HA?! Akala ko, kayo ang sasama sakin?!”

 

“Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall, noh! Eh yang si Carll, kahapon pa pala nakapamili, oh eto yung listahan ng mga dapat bilhin tsaka kayo nalang rin ang sabay na kumain. Sige, aalis na kami at nagugutom na ako.”- Aki

 

“No! Aki naman! You can’t let me be with this STUPID GUY!”

 

“Kailangan mo nang masanay. Sa buong taon na’to makakasama natin siya pati na yung dalwa pa. Tiisin mo nalang.”

Clash of Mafias (Completed)Where stories live. Discover now