Chapter 14- CAMERA...

6.4K 121 4
                                    

Jeanelle’s POV

HALAA! Takbo lang ako ng takbo at nakarating ako sa bababa.

Narinig ko pang binantaan ako ni Aki pero, binelatan ko lang siya.

Tumakbo ako ulit kasi baka habulin na naman niya ako, hindi ba naman yun tumitigil.

Dahil sa pagmamadali ko, di na ako tumitingin sa harap. Yung parang hinahabol lang ako ng aso. Takbo, tingin sa harap, takbo, tingin sa likod. Tch!

Dahil sa katangahan, hindi ko namalayang may nabangga pala ako. Feel ko na lalaki siya kasi anlakas ng impact sakin eh, natumba nga ako sa lakas.

Shemay! Ansakit ng noo ko, ah!

Pagtingin ko kung sino yung nabangga ko, si Patrick lang pala.

Gaya-gaya siya ah, may dala rin siyang camera. Tss.

         “Hoy! Babae! Antanga mo!”

         “Alam ko, ngayon lang naman.”

         “Psh! Gaya-gaya ka din noh, may dala ka rin palang camera.”

         “Gaya-gaya your face! Dala ko na ‘to kanina pa noh, simula pa pagdating ko kaninang umaga. Sino lang kaya ang gaya-gaya sa’tin ngayon!”

         “Asuuus! Paramihan tayo ng makuhanang picture, kung sino ang mas maliit na nakuhanang picture, MANLILIBRE ng favorite food ng bawat isa.”

         “OH! SURE! Yun lang pala.”

         “Teka! Pagkatapos ng lahat na nakuhanan nating picture, ipo-post natin sa Royal Board at hayaan nating sila ang bumuto kung sino ang may mas magandang pictures!”

         “Oh ba! Hm! Alam ko namang ako na ang mananalo! Kaya mag-ready ka na ng pera mo. Take note, FOOD! Ang food MADAMI na yan so, better be ready… Gora na ako, LOSER!”

         “Hm. Huwag kang paka-sisigurado Jean!”

         “Ha-Ha-Ha! Makikita natin BUKAS!”

         “Oh ba!”

At nagsimula na akong kumuha ng mga pictures……

Patrick’s POV

Grabe talaga yung babaeng yun! Tama talaga si Carll, kahit kelan palaban talaga yung babaeng yun, hindi man lang natatakot na baka matalo siya. PALABAN talaga!! XD

Nang nagsisimula na akong kumuha ng pictures, hinahabol pala ako ni Jean. Ha. Siguro, aatras na siya.

             “Oh?? Napahabol ka jan?”

         “Ahhh! Curious lang ako sa’yo, pwedeng mag-kwento ka naman sakin tungkol sa pamilya mo. Parang napaka-mysterious mo kasi eeh.”

         “At ano namang pumasok sa kokote mo at natanong mo yan?? Tss. Wala ka lang magawa noh! Siguro, gino-good time mo ko para maliit lang ang makuhanan kong picture.”

         “Tss. Hindi yan ang sadya ko. Look!”

At ipinakita niya ang picture ni……

K-kuya JASPER??!

             “Kilala mo siya, diba? Jasper Dizon o mas kilala ngayon bilang Jasmine, I know you won’t deny this.”

Clash of Mafias (Completed)Where stories live. Discover now