Chapter 35- Because Of You

4.2K 97 4
                                    

Sa chapter po na ito, babalingan naman natin ng pansin ang isa pang storya ng isa sa Tres Malditas. Matagal-tagal narin po nung hindi na napag-aalaman ang kwento nila. Kaya this chap is for them.

LEAVE YOUR COMMENTS ANF VOTES PO! ^_^

------------------------

Jeanelle's POV

"Baby! Halika! May bibisitahin tayo."

Haay! Sa aming tatlo, ako ang pinakaunang bumigay. Eh paano naman kasi, hindi mapigilan ng puso ko ang tumibok para sa mahangin pero pogi na si Patrick. Kilala niyo naman ako, diba? Ako yung may pinaka-uggh, MEDYO MABAIT na damdamin sa aming tatlo.

"Talaga baby? Sino naman?"

Nakakapanibago nga, eh. Yung sa una, away kayo ng away. Pinipintas niyo ang isa't isa. Binubugbog niyo ang isa't isa. Tapos bigla nalang, BOOM! Kayo parin pala ang magkakatuluyan.

"Bibisitahin natin si Jas. Miss ko na yung kapatid ko, eh. Tsaka, hindi na tayo nakakabisita sa kanya."

"Ay! Oo nga pala. Tara na."

Nasa sasakyan na kami ngayon. Papunta kami sa sementeryo. Bibisitahin namin si Jas. Last last week lang namatay si Jas. Bago pa yung birthday ni Yuki. Nasaktan ng husto si Patrick nun. Siya nalang kasi ang nag-iisang kapamilya ni Patrick. Yun kasing katrabaho ni daddy ko at daddy ni Aki ay step father lang nila ni Jas. Nung mga panahon ring yun, kami na ni Patrick. Kaya bilang isang caring na girlfriend niya, dinamayan ko siya at tinulungan na mapawi kahit papano ang sakit na nararamdaman niya.

Dalawang araw bago mawala si Jas, gumising siya.

FLASHBACK~

Natutulog ako nun habang hawak hawak ang kamay ni Jas. Si Patrick kasi, bumili pa ng pagkain namin. Nagising ako nang biglang gumalaw ang kamay niya.

"Jas?"

"N-nasaan ako? B-bakit? S-sino ka? Asan s-si Patrick? Galit parin ba siya sakin?" Akmang tatayo na siya para siguro hanapin si Patrick pero, pinigilan ko siya.

"Ahh, Jas. Bumili lang ng pagkain si Patrick. Babalik din yun mamaya. Tsaka, hindi ka pa magaling, huwag ka munang gumalaw-galaw. Sa-sandali ha. Diyan ka lang. Tatawagin ko lang si Doc."

Pagkatapos kong tawagin ang Doctor at ma-examin si Jas, dumating naman si Patrick at tuwang-tuwa na gumising na ang kanyang kapatid. Nagyakapan silang dalawa at nagkapatawaran na. Pinakilala narin ako ni Patrick na girlfriend niya. Akala ko nga, hindi ako tatanggapin ni Jas bilang girlfriend ni Patrick. Kinwento niya kasi kung paano kami mag-away dati, pati narin nung mga dalawa pa niyang kaibigan. Pero, imbes na magalit, natuwa pa siya. Gumaan ang pakiramdam ko nang malaman kong okay ako para sa kapatid niya.

Matapos nang mahaba-habang kwentuhan namin, umuwi muna si Patrick dahil may aasikasuhin siya sandali kaya, nagpaiwan na muna ako sa hospital para may makasama si Jas. Busy kasi sina Aki at Qhim sa kanya-kanyang business nila.

Clash of Mafias (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon