Chapter 1

19.4K 362 36
                                    

Genesis---

"Konti na lang...please huwag ka munang gumalaw."

"Ayan na..."

"Malapit na..."

"Konti pa..."

"Yes!"

At agad akong bumaba ng para tunguhin ang aming dining area kung saan nandun na ang mga magulang ko at ang ate ko na kumakain ng breakfast...

"Bakit ngayon ka lang bumaba? Kanina ka pa pinatawag sa maid ah." Pambungad ni papa.

"Good morning Papa!" Masaya kong pagbati dito na ikina-iling na lang niya.

"Sigurado ako may ginawa na naman yan kay Gabe." Sabi ni ate Gwen habang nagpapahid ng paborito niyang strawberry jam sa kanyang croissant.

"Totoo ba ang sinasabi ng ate mo?" Tanong sa akin ni mama.

Tumingin ako kay mama na kunwari ay walang alam. Mukhang napaniwala ko naman si mama dahil hindi na ito nangulit pa.

Kumuha na ako ng sinangag, itlog at tapa at nagsimula ng kumain. Maya maya pa ay nagtanong si papa...

"Excited ka na ba sa first day of school anak?" Tanong ni papa.

"uhm...okay lang po." tugon ko.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong naman ni mama.

"Alam niyo naman po ang dahilan eh." Tugon ko dito.

Ang totoo, hindi ako ganun ka-excited sa bago kong school dahil hindi ko na magiging kaklase o makakasama pa ng mga kaibigan kong sila Nikki, Anne, Tryke at Caleb. Iba kasi ang kursong kinuha nila at sa ibang university din sila nag-enroll. Sila lang kasi ang mga naging close ko nung high school.

"Hayaan mo na anak, makakahanap ka din ng mga bagong kaibigan sa new school mo." Nakangiting sabi ni mama.

Habang kumakain kami ay nawaglit sa isip ko ang ginawa ko kay kuya Gabe. Bumalik lang ito sa aking alaala ng biglang...

"GENESIS!!!" sigaw ni kuya.

Agad akong tumayo at tumakbo sa likuran ni mama. Ilang saglit pa ay bumaba na si kuya at hindi ko napigilan ang humalakhak sa itsura nito...

"Oh? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni papa.

"Sinasabi ko na nga ba may ginawang kababalaghan na naman itong si bunso." natatawang sabi ni ate Gwen.

Tinignan ko si kuya at nakitang kong galit ito sa akin. Sigurado ako mapapatay ako nito pag nahuli ako.

"Umamin ka na Gen, ikaw ang may gawa nito sa akin di ba?!" Galit na tanong ni kuya.

Nilagyan ko kasi ng shaving cream ang palad nito habang natutulog pa siya. Pag nagigising kasi si kuya ay nakaugalian na nitong hawakan agad ang kanyang mukha pagkagising na pagkagising niya kaya naman ayun, punumpuno ng shaving cream ang buo niyang mukha.

"Good morning kuya Gabe!" nakangiti kong sabi sabay peace sign.

"Good morning pala ha!" sabi nito at agad na tumakbo papunta sa akin.

Napatakbo naman ako papalayo dito, pero hindi pa man ako nakakalayo at dahil na din sa kalampahan ko...

"Aray!" sigaw ko ng madapa ako.

Agad naman na napatayo ang mga magulang ko maging si ate Gwen sa nangyari sa akin. Naramdaman ko na lang na inaalalayan ako ni kuya Gabe na maka-tayo...

GAMBLE (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon