Chapter 2

14.7K 311 19
                                    

Chok---

Nagising ako ng may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko na may katabi akong babae. Dun ko naalala na naglaro na naman pala ako ng apoy kagabi kaya naman eto at pagod lang ang pakiramdam. 

Bumangon ako at tumayo para tunguhin ang aking banyo. Matapos kong mag-hilamos at mag-toothbrush, ay tinungo ko naman ang kusina para magtimpla ng kape. Hindi ko na ginising yung babae sa aking kama dahil mukhang pagod na pagod pa ito. Hindi ko alam kung naka-ilang round kami, pero bilib din ako sa kanya dahil sa pagiging wild nito.

Matapos kong magtimpla ng kape ay tinungo ko ang balcony ng aking condo unit at doon ay umupo. Pinagmasdan ko lang ang tanawin ng Metro Manila at inisip kung ano ang naghihintay sa akin sa unang araw ko sa colegio...

Ako nga pala si Vincent Porciuncula, pero mas sanay ako sa tawag na Chok. 18 years old at incoming freshman sa kursong B.A. Economics. Late na ako nag-college dahil may grade 7 sa grade school na pinasukan ko. Hindi ko naman talaga gusto ang kurso ko, pero kinuha ko ito para lang ma-please ang daddy ko. What I really want is sports science pero...

FLASHBACK

"Congratulations anak! I'm really proud of you!" Masayang pagbati ni mommy.

"Thank you mom!" Nakangiti kong bati dito.

Andito kami sa isang restaurant having our dinner. Kakatapos lang ng graduation namin for high school kanina nang sinabi ni kuya Nico na he made a dinner reservation for all of us.

"Ano naman ang dapat na ika-proud sa kanya, Melissa?" Seryosong tanong ni daddy.

Napatigil naman kaming lahat sa pagkain sa tanong niyang ito...

"Daddy, third honor ang anak natin. Binigyan pa siya ng award sa pagiging number 1 sa sports sa batch nila. Of course, I'm proud of that." Sabi ni mom.

"Third honor? That's nothing to be proud of. " Malamig na sabi ni daddy. "I really don't know kung tamad ba ang anak mong yan o sadyang mahina ang utak. Hindi ko alam kung kanino yan nagmana." Dugtong pa nito.

Kahit alam kong hindi proud sa akin si daddy noon pa ay hindi ko pa din maiwasang masaktan sa mga sinabi nito. Ginawa ko naman ang lahat, pero talagang hanggang doon lang ang kaya ko...

"Dad, stop that!" Pagpapapigil ni kuya Nico kay daddy.

"You know what Vincent, dapat gayahin mo ang kuya mo. Consistent sa pagiging top 1. Valedictorian nung elementary at high school, summa cum laude nung college at top 1 sa bar exam." Pagmamayabang nito habang kinocompare na naman kami ni kuya. "Ang hirap kasi sa'yo puro football lang ang alam mo. Ano bang mapapala mo diyan?" dugtong pa nito.

Hindi ko na lang ito pinansin kahit pa umiinit na talaga ang ulo ko sa daddy ko. Ilang saglit pa...

"Teka, ano ba ang kukunin mo sa college?" Tanong muli nito.

"Gusto ko po sana ng sports science..." Ang nakayuko kong tugon dito.

"What?! Are you out of your mind?!" Galit na sigaw ni daddy dahilan para pagtinginan kami ng ibang tao.

"Papag-aralin kita for college para lang ano? Maging PE teacher?!" sabi pa nito.

"Dad ano ba?" Pag-awat ni kuya Nico.

"Daddy---" Pag-awat din ni mommy, pero pinigilan sila ni daddy.

"Don't try to stop me!" Sabay tingin niya kina kuya at mommy.

"You!" Sabay turo sa akin. "You will take up economics and will take up law after..." Galit na sabi nito sakin. "Mahiya ka naman sa amin ng kuya mo!" dugtong pa nito.

GAMBLE (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon