Chapter 18

10.7K 246 36
                                    

NOTE:

Hi guys!

Before reading my story, I have something to tell to all of you. Me, along with my dear friends @ReineKumagai14, @KumikoSensei and @JhunEggy have decided to creat a story entitled Games of Love. This a 4 part story that will be written by each of us. For the first part, it will be on @ReineKumagai14, then the second part will be on @JhunEggy. The third part will be on @KumikoSensei and the last part will be on mine.

Each writer will have their own characters na connected sa lahat.

This will be released on January 1, 2014 under @ReineKumagai14's page.

We have also created a fan page in Facebook and here's the link:

https://www.facebook.com/pages/GAMES-of-Love/362630653874437

If you have a facebook account, please do like it for it will be our official facebook page.

This chapter is dedicated to @thisShin for being the first one to liked our page and for also promoting the fan page. Thank you, Sean! :)

Thanks guys and enjoy reading! :)

=============================================

Oliver---

"Please Gen, makinig ka muna. Please?" Pagmamakaawa ko dito matapos akong sabihan nito na makikipaghiwalay na ito sa akin.

Humarap si Genesis sa akin at nakita kong umiiyak ito. Ilang saglit pa ay nagsalita ito...

"Oliver, alam ko na alam mo ang pinagdaanan ko kay Vincent. Doble nun ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ikalawang pagkakataon..." Paghinto nito upang punasan ang kanyang luha. "ginago na naman ako." Dugtong pa niya.

"Gen, hindi kita niloko at kahit kailan ay hindi kita kayang lokohin. Si Rodge, bestfiend ko yun. Oo inaamin ko na pinagseselos kita kasi gusto ko lang malaman kung mahal mo ba talaga ako?" Pagpilit ko dito.

Napatingin naman ito sa akin na tila ba nagtataka. Marahil ay dapat ko ng sabihin dito ang nasaksihan ko sa pagitan nila ni Vincent.

"Gen nung gabing hinatid kita ay bumalik ako ng makita kong naiwan mo ang mga gamit mo para sa pag-gawa ng project natin. Sa pagbalik kong iyon ay nakita ko kayo ni Vincent na nag-uusap." Sabi ko.

"Oo Gen, nakadama ako ng pagseselos at kirot sa aking puso nang makita kayo. Lalo pa nung umalis na Vincent ay nakita ko kung paano gumuho ang mundo mo." Pagpapatuloy ko pa.

"Genesis, alam ko na mahal mo pa si Vincent hanggang ngayon at kahit alam kong hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng ating relasyon ay tinanggap ko iyon. Malabo man, pero Genesis hanggang ngayon ay umaasa ako na sana ay mahalin mo din ako." Ang naiiyak ko ng sabi dito.

"Alam kong mali ang ginawa kong pagpapaselos, Genesis. Maling mali, pero gusto ko lang malaman kung may pag-asa ba talaga ako sa'yo. Ang totoo ay natuwa ako nang makita ko sa mukha mo ang kahit papaano'y pagseselos mo kay Rodge. Dahil dun ay nabuhayan ako at nagkaroon muli ng pag-asang mamahalin mo din ako." At tumulo na ang luha ko.

Mahal na mahal ko si Genesis at ngayong nabigyan ako ng pagkakataon na ipakita at iparamdam dito ang buo kong pagmamahal ay hindi ko na hahayaan pang makawala siya sa aking piling.

"Patawarin mo ako Gen---" Ang hindi ko na natuloy ng bigla ako nitong halikan sa labi.

Nagulat ako dahil hindi ko naman inaasahan na ito ang kanyang magiging tugon sa aking mga sinabi. Namalayan ko na lang na tumugon na din ako sa kanyang paghalik at sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko ang pagmamahal nito. Ilang saglit pa ay naghiwalay na ang aming mga labi at tinignan ako nito. Pinunasan niya ang tumulo kong luha ng kaligayahan at saka nagsalita...

GAMBLE (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon