Mission 18 - Lady in Red Dress

1.3K 19 8
                                    

[Third Person POV]

Palinga-lingang pumasok si Tyrone sa Happy Ending Bar. Hinahanap niya ang may-ari nito, ang kanyang kaibigang si Arthur, ngunit kahit saang sulok ng bar ay hindi niya ito matanaw.

Sa pagkadismaya, naupo na lamang siya sa isa sa mga upuan sa counter at inorder ang madalas niyang ordering alcohol tuwing siya'y malungkot sa kanyang buhay-pag-ibig, o kung tawagin ay 'tuwing brokenhearted siya'.

Kamuntikan pa nga siyang hindi pagbigyan ng bartender dahil sa hiningi niyang uri ng alak, ngunit sa kanyang kakulitan ay napilitan na lamang ang huli na ibigay ang nais niya.

Di nagtagal, halos nakailang baso na rin siya kaya tila ba'y umiikot na ang kanyang mundo. Dahil sa sakit ng ulong nadarama niya ay mas nararamdaman niya rin ang sakit sa puso na dala ng pagkabigo sa pag-ibig.

Naaalala niya kasi iyong babaeng mahal niya. Ang babaeng para sakanya ay mahirap nang abutin ngayon. Naaalala niya iyong nangyare kanina, noong hinalikan niya ito. Ang saya sa pakiramdam niya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman niya noong ginawa nila iyon. para bang sasabog na ang kanyang dibdib at para bang ayaw niya ng tumigil sa ginagawa nila... Pero iyon na pala ang kanilang huling halik. Wala na palang nararamdaman para sakanya ang babaeng mahal niya. "Putcha. Ang sakit talaga." sabi niya pa sa sarili niya.

Marami ding babae ang nag-yaya sakanya upang makipagsayaw o makipag-inuman, pero lahat ng ito ay tinanggihan niya lamang. Inisip niya pa, "Buti sana kung kayo si Mia. Eh hindi naman."

Sa kabila nun, may isa pa ring babae ang naglakas loob na lumapit sakanya. Isang dalagang marikit na nakasuot ng pulang damit na ang haba ay hindi lalagpas sa kanyang tuhod. "Hey! I'm new here. You might want to acompany me." bulong ng dalaga sa tenga ng binata.

Tinignan siya ng mataimtim ng binata. Hindi niya kilala ang dalaga pero hindi na napigilan ng binata ang nararamdaman niya kaya naibuhos niya ito sa babaeng nakapulang damit. "Do you ever just want to hug someone so tightly?"

Tila naguluhan ang dalaga sa sinabi ni Tyrone kaya tinanong nito, "Pardon? I-I don't get it." utal-utal niya pang sabi.

Bago sagutin ang dalaga ay ininum niya muna ang natitirang alcohol sa kanyang baso. "I said, do you ever just want to hug someone so tightly to the point where you have absolutely no intentions of ever letting go because you want them to know just how much they mean to you and how much you love them?" dire-diretsong tanong ng binata habang sumisinok.

Hindi pa rin naunawaan ng dalaga ang sinabi ng binata kaya naman umakto ito na aalis na. Naisip ng dalaga bago umalis, "Is he drunk or he's just plain crazy? Ugh. Lunatic. Wrong target." 

"Wait! Where are you going?!" tanong ng binata sa dalaga habang hawak nito ang braso ng dalaga. Hindi niya alam pero parang ayaw niya nang paalisin ang dalaga. "Iiwan mo nanaman ako... Palagi nalang..." sabi ng binata sa isip niya habang nakikita ang imahe ni Mia sa harapan niya.

"What?! Well, do you mind, mister?" iritableng tanong ng dalaga dahil sa paraan ng paghawak ni Tyrone sa kanyang braso. Tinitigan pa ng dalaga ang kamay ni Tyrone sa kanyang braso at ibinalik ang tingin sa mata ng binata bago tinabig.

"Nag-eeffort naman ako ah!" out of the blue na sagot ni Tyrone.

Nang una ay naguluhan ulit ang dalaga pero di naglaon ay naintindihan niya na ang kalagayan ni Tyrone. "Effort? Hah! Pathetic! Why try so hard to keep someone in your life, if you're the only one trying?"

Naupo ulit ang dalaga sa tabi ng binata. Di niya pinahalatang interesado siya sa ikekwento ng binata tungkol sa sarili, kundi nanatili lamang siya sa kinauupuan. Tila naguluhan si Tyrone sa sinabi niya. Pero unti-unti'y naunawaan din niya at napag-isip-isip na tama ang sinabi ng babae.

Mission101: EscapeWhere stories live. Discover now