Mission 24.2 - First and Last

1K 15 11
                                    

"Teka, sure ka ba dito tayo kakain?" sabi ko habang hinihila yung laylayan ng tshirt niya para tumigil siya sa pagpasok.

Nilingon niya ako, "Oo naman! Haha!"

"Pero Knight, ang daming tao.. Tsaka... " Hindi niya na ako pinatapos at hinawakan niya nalang ang kamay ko. Nilead niya yung way papunta sa isa sa mga tables. Ang dami kasi talagang tao. Kung hindi niya ito gagawin, marami kaming makakabungguan sa daan.

Naalala ko tuloy yung nangyari dun sa bar. Nung nag-away si Gayle at \ Kuya Henry at pinuntahan namin si Kuya Henry sa bar ni Kuya Arthur. Nung pauwi na kami ni Knight tapos ang daming tao, hinawakan niya yung kamay ko para ilead yung daan kasi ang daming bumubunggo sakin. Narealize ko tuloy, ang laki na ng pinagbago ni Knight.

Napansin kong ang dami niya talagang nakakabungguan. Pansin na pansin yung pagtama ng mga balikat niya sai bang tao para lang makadaan. Hay naku, bakit kasi dito pa kami kumain... Sa isang hindi kasikatang fastfood chain... Sa McDonalds. Hindi sikat noh? Dinadayo nga eh. Haha!

Sa wakas, nakaupo na rin kami. Magkatabi kami ngayon sa isang table.

"Sabi ko naman sayo, wag nalang dito." reklamo ko sakanya. Bigla siyang tumayo. At dahil hawak niya pa rin ang kamay ko, napatayo rin ako. "O-oy, anong ginagawa mo?"

"Aalis na dito. Ayaw mo naman kasi eh."

Natawa naman ako tapos pinalo ko ng mahina yung balikat niya. "Baliw ka ba?! Edi madami ka nanamang makakabunggo paglabas natin! Haha!"

Bigla siyang umupo kaya bigla rin akong napaupo dahil magkahawak pa rin kami ng kamay. Ang sakit lang sa pwet!!! Bwiset! "Ba't mo pa ba hinahawakan ang kamay ko?! Nadadamay tuloy ako sa kilos mo." reklamo ko.

Sinubukan kong luwagan yung pagkakahawak ko sa kamay niya pero hinigpitan niya naman yung hawak niya sakin. "Ayoko nga! Ba't kita bibitawan, eh sabi ng McDo wag daw kitang bibitawan."

Sabi ng McDo, wag mo akong bibitawan? Ano daw yun? Anong sabi ng McDo? Di ko nagets. May staff ba na nagsabi sakanyang wag akong bibitawan? May rule ba dito sa McDo na dapat makipagholding hands lang sa kasama? "Anong pinagsasasabi mo jan?"

"Ayun oh." Bigla niyang tinuro yung signage na nakadikit sa wall ng McDo kaya napatingin naman ako.

Napakamot naman ako ng ulo. "Anong kinalaman ng signage na yan sa paghawak mo sa kamay ko?!" Isang simpleng signage lang siya. Madalas itong makita sa McDo at sa iba pang public places.

"Di mo ba nababasa? 'Do not leave your valuables unattended.' daw, kaya ayan. Hindi na kita binibitawan. Masyado kang valuable sakin eh." Hinigpitan niya pa yung pagkakahawak sa kamay ko.

Minsan talaga, itong lalakeng to, di ko maintindihan. Minsan ang sweet, minsan puro katakawan ang iniisip, minsan mapang-asar. Pero these days, parang ang sweet niya talaga. At aaminin ko, I'm enjoying his company.

Ewan... Parang tuloy ayoko nang ituloy yung nasa kontrata namin. Kung wag nalang kaya namin ituloy?

Mission101: EscapeWhere stories live. Discover now