Mission 24.1 - First and Last

1K 18 5
                                    

Gown?

Tsk. Skinny jeans?

Ahh! Colored jeans?

Shorts nalang kaya?

Mag-si-swim suit nalang ako! Yung two piece pa! Haha! Wehh?

Tshirt?

V-neck shirt?

Pwede bang tank top?

Kung magdress nalang kaya ako?

Argh!!! Ang hirap naman mag-isip ng isusuot! After kasi namin maglunch kanina, niyaya akong magdate ni Knight. Yes! D-A-T-E! As in, date! Dahil last day na rin daw namin ngayon kaya sulitin na namin. Tapos after daw naming magdate, diretso na kaming mansion para sa New Year's Eve.

First date namin to noh? Hahaha! Syempre, last date na rin namin to! Walang kaduda-duda. Haha!

Pero hindi ko naman alam kung anong isusuot! Buti sana kung pwedeng magbra at panty nalang habang naglalakad-lakad sa kung saan di ba? Para hindi na ako nahihirapan sa pagpili ng damit! Tsk!

Ay bahala na! Eto na nga lang!

Naligo muna ako tapos sinuot ko na yung damit na napili ko - isang floral dress. Naglagay din ako ng make-up. Syempre dapat maganda ako noh! Naglotion na rin ako tapos nagpabango. Tapos sinuot ko na yung high heels ko. Medyo kinulot ko rin yung buhok ko.

Ano na kayang ginagawa ni Knight? Tapos na kaya siya magbihis? Aish!

Tumingin ako ulit sa salamin, maganda na ba ako? Ay maling tanong! Dati na pala akong maganda. Haha!

"Ohmygosh!" mahinang bulong ko sa sarili ko. Nagulat kasi ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Ano? Lalabas na ba ako? Okay na ba itsura ko? Psh. Bahala na nga! Baka ma-overdress ako. Hahaha!

Lumabas na ako matapos makarinig ng isa pang katok at pagtawag ng isang lalake sa pangalan ko. "Oo na, eto na nga --" biglang naputol yung sasabihin ko pagkabukas ng pinto.

Napanganga ako ng makita ko siya.

Ohmy! Natameme talaga ako...

Bakit ganyan outfit niya? Ang...

Bigla ko ulit sinara yung pinto kaso bigla niyang inipit yung kalahati ng katawan niya para hindi ko talaga masara yung pinto. "Wait! Wag! San ka pa ba pupunta? Aalis na tayo! Hahahahahahaha!"

"CHE!" sabi ko habang pilit na sinasara yung pinto.

Gahd! Bakit di niya man lang sinabi?! Shet! Bakit ba ako nagdress at high heels?! Bakit pa ba ako nag-effort magmake up at maglagay ng kung ano-ano sa katawan ko?! Bakit?! Nakakainis! Overdressed ako! Eh yung itsura niya! I can't believe it! Nakaplain white shirt at nakadark blue shorts lang siya! Bwiset!!! Gahd! Bwiset talaga!

Ano ba namang date ang ibig niyang sabihin?! Kwek kwek at fishball sa labas?! Bakit ganyan lang itsura niya?! Argh! Overdressed ako! Nakakainis! Nakakahiya!

"Hoy! Wag ka nang magpalit ng damit! Ang ganda mo nga eh! Hahaha!" sabi pa niya habang tinutulak yung pinto kahit pilit ko itong sinasara.

Waah! Baka isipin niya nagpaganda talaga ako para sakanya? Yuck lang! Eeh! Ayoko naaa! "Magbibihis na kasi ako!!!"

Pilit ko pa ring sinasara yung pinto ng kwarto pero ang kulit niya!!! "Tsaka sayang naman!!! Nag-abala ka pa para sakin. Hahaha!" ASAR KA TALAGA, KNGIHT!!!

Sa sobrang lakas niya, nabuksan niya pa rin yung pinto. "Nakakainis ka!!!"

"Bakit nanaman?!" Bwiset! Sige! Tumawa ka pa.

Mission101: EscapeWhere stories live. Discover now