CLARENCE POV
Buti na lang at may number si ninang Josie sa akin, kaya agad ko siyang na-text tungkol sa nangyari kay Aila. Kaya nang dumating siya ay inaya ko nang umalis ang dalawang kasama ko.
Nang maihatid ko na si Krisia sa bahay ay mabilis akong umalis at bumili ng prutas at gamot para kay Aila. Oo at babalik ako dun, alangan namang hindi ko balikan, mahal ko yun kaya dapat nandun lang ako sa tabi niya lalo na ngayon na may sakit siya.
Pagbalik ko ay nakita kong nagluluto ng soup si ninang Josie.
"Oh clarence, akala ko umuwi ka na?" Ani ninang ng makita niya akong pumasok sa kusina.
"Inihatid ko lang po si krisia" sagot ko at inilagay ko sa refrigerator ang ilang prutas. Lagi kasi akong nandito nung kami pa ni Aila kaya naman at home ako dito at para ko na ding pangalawang bahay ang bahay na ito.
"Alam ba nung fiancee mo na nandito ka?"
"Hindi po" napayuko ako sa tanong niya.
"Hindi rin ba niya alam ang tungkol sa inyo ni Aila?" Umiling lang ako. Bumuntong hininga lang siya at nailing.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?"
"Wala naman pong rason para sabihin pa yun"
"Bahala ka. Pero Clarence baka sa ginagawa mo ngayon ay baka lalong masaktan si Aila kapag ikinasal ka na"
"Mahal ko siya ninang, mahal na mahal ko si Aila"
"Alam ko, pero anong magagawa mo kung di naman talaga kayo para sa isa't-isa?" Kumirot ang puso ko sa tanong niya. Hindi kami para sa isa't-isa? That is bullshit. I love her, bakit kailangan na mangyari pa ang ganito? Hindi pa pwedeng maging masaya na lang kaming dalawa?
"Susubukan kong kausapin ang parents ko, baka sakaling pakinggan nila ako na iurong ang kasal" alam kong wala namang mangyayari kahit kausapin ko pa ang parents ko. Alam ko na hindi na sila makikinig kahit na makiusap pa ako.
"Desisyun mo yan, kaya bahala ka. Pero sana, sana kayo talaga ni Aila dahil alam ko kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa. Ayoko rin na nakikitang nasasaktang si Aila"
Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Pagkatapos maluto nung soup ay ako na ang nag akyat sa kwarto ni Aila. Nakita kong gising na siya.
"Hello beautiful" bati ko sa kanya at ngumisi. She is really beautiful.
Tumingin siya sa akin tsaka ngumiti din. "Akala ko umalis ka na"
"Para namang maiiwan kita nang ganyan ka" wika ko at inalalayan ko siyang maka-upo upang makakain na siya. Sinubuan ko siya ng soup at tapos pinainom ko narin siya ng gamot.
"Thank you mak"
"You're always welcome" tugon ko at hinalikan siya sa noo.
Nang makatulog na ulit siya ay hindi parin ako umalis sa tabi niya. Umupo lang ako sa tabi niya at pinanuod ko siyang matulog, she looks like an angel when she sleeps.
Mapait akong napangiti habang nakatingin sa maamong mukha ni Aila. I love her, pero bakit hindi ko siya maipaglaban sa pamilya ko?
***
AILA'S POV
Nagising ako nang marandaman kong may humahaplos sa buhok ko. Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko si Clarence.
"Mabuti at gising ka na, how's your feeling?" He asked while still caressing my hair. I love this feeling.
"Medyo okay na"
"Ganun ba? Malapit na ang dinner, do you want to eat?"
Ngumiti ako bago tumango. "Yes, pero gusto ko sabay tayo"
He smiled at me, nasabi ko na bang may dimples siya? Kaya lalo siyang guma gwapo pag naka ngiti ang loko.
"Sige, kaya mo bang maglakad? Para sa baba na lang tayo kumain" I nodded, then inalalayan niya akong tumayo at maglakad pababa.
"Nasaan si ninang?"
"May binili lang sandali sa labas"
Nang nasa mesa na kami ay halos subuan na niua ako, haha super caring talaga. Kaya mahal ko to eh.
- Hazlyn Styles -

YOU ARE READING
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomanceAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...