KABANATA 15

841 28 0
                                        

YUMI'S POV

"Ano, wala pa bang balita kay Aila?" Si Elisa ang nagtanong.

Kagabi pa kami nag aalala kay Aila, hindi pa kasi siya umuuwi magmula nang umalis siya kahapon.

Hanggang ngayon nga ay nandito parin kami sa bahay nila.

"Guys, alam niyo na ba ang balita?" Ani Amy na may seryosong mukha habang nakatingin sa amin.

Tumingin kami ni Elisa sa kanya, and give her a questioning look.

"Hindi daw natuloy yung kasal ni Clarence kahapon"

"What?"

"Sabi nino?" Gulat naming reaksyon ni Elisa.

"Balita sa diyaryo" aniya at hinarap sa amin ang diyaryo. Kinuha namin ang hawak niyang diyaryo at binasa ang nakasulat.

And boom! Hindi nga natuloy ang kasal, kasi daw hindi sumipot si Clarence Brickson.

"OMG, hindi kaya sumama si Aila kay Clarence?" Ani Elisa.

"Maybe yes, maybe not" sabi ko naman. May posibilidad, pero maaari din na hindi.

Si tita Josie naman ay kagabi pa nag aalala kay Aila. Ni wala kasing kahit na isang text kay Aila.

Kung nasaan man siya sana okay siya.

***

CLARENCE POV

"Iho, sigurado ka ba na gusto mong sumamang magtanim sa amin? " napangiti ako sa tanong ni lolo Tiago. Kanina pa kasi ito nagtatanong kung sigurado daw ba ako. Mukha daw kasi akong hindi sanay.

"Huwag kayong mag-alala lo, gusto ko rin naman pong makatulong sa inyo ni lola Ana"

Gusto kong makatulong sa kanila, ayokong maging pabigat kami ni Aila sa kanila ni lola Ana.

Papunta kami ngayon ni lolo Tiago sa isang palayan, sinabi ko kasi na gusto kong magtrabaho, kaso ay trabaho sa palayan lang ang meron.

"Mukha kasing hindi ka sanay sa ganung trabaho, baka hindi mo kayanin"

"Kakayanin ko po lo"

Nang makarating kami ay may ilan nang mga kalalakihan ang nandoon at nagsisimula ng magtanim sa palayan.

Agad namang tinuro sa akin ni lolo ang mga gagawin ko. Sa una, akala ko madali lang.
Kaso nang gawin ko na at medyo tumagal na ay doon ko lang narealize na talagang mahirap pala.

Maghapon kang nakabilad sa araw, tapos ay naka yuko ka pa. Masakit sa likod.

"Bata, kaya mo pa ba?" Iyan ang tanong sa akin ni manong na isa sa mga nagtatanim din.

"Kaya pa po"

Tinanguan niya lang ako at nagpatuloy na rin kami ulit sa pagtatanim namin ng palay.

Nang tanghalian na ay doon lang kami binigyan ng break.

Pumunta kaming lahat sa may lilim ng mga naglalakihang mga puno.

Grabe, feeling ko nasunog ang buong balat ko dahil sa init. Habang naka upo ako rito sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy ay may ilang babae na halatang nagpapansin sa akin.

Napailing na lang ako, pati din pala sa probinsiya ay may mga ganitong babae. Sorry girls, I'm taken.

Nakita kong parating si Aila, kasama niya si lola Ana.

Bigla tuloy nawala ang pagod ko nang makita ko siyang ngumiti sa akin. My beautiful Aila. There's no really doubt that I love this girl.

***

AILA'S POV

Nang makalapit ako kay Clarence ay nakita kong pawis na pawis siya, tapos ay namumula pa ang balat niya dahil siguro sa init.

"Mak, okay ka lang?" Umupo ako sa tabi niya at pinunasan ang pawis niya sa noo gamit ang dala kong towel.
Si lola ana naman ay pinuntahan si lola Tiago at inasikaso.

"I'm fine, don't worry"

"Are you sure?"- aila

Then, bago siya sumagot ay binigyan nya muna ako ng smack kiss sa lips. "I'm sure, especially nandito ka"

Nginitian ko na lang siya, then inaya ko na siyang kumain.

Medyo nakakainis lang, may ilan kasing mga babae dito na halatang nag papacute sa kanya, at harap harapang tinititigan si Clarence na parang ngayon lang sila nakakita ng gwapo, tss...

— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Where stories live. Discover now