KABANATA 30

990 25 0
                                        

Third Person POV

Finding the right person to love is one of the hardest things to do in this world. That's why we often commit mistakes, we thought that he or she is the one but were wrong.

But sometimes, we find it and we are sure that he or she is the one. But the twist of fate is on the two of you. They will test the two of you, they will give you trials that you need to overcome. And after that, fate will surely give the Happy Ending that the two of you are wanting so much.

Like Clarence and Aila, they succeed. They overcome the trials. And now... The Happy Ending is now in front of them.

***

AILA'S POV

-After One Year-

"Clarence!" Malakas na sigaw ko habang pababa sa hagdan at karga karga ko ang aking 8 months old baby na si Baby Crystal.

Agad ko namang nakita si Clarence na nakahiga sa sofa at mukhang tulog na tulog pa, kaya nilapitan ko siya at malakas na hinampas.

"Hmm?" Hindi man lang siya gumalaw kaya kinuha ko ang remote tv at iyon ang pinanghampas ko sa kanya.

Kainis! Kagabi ay umuwi itong lasing dahil sa nakipag-inuman kina Ryder at Darryl. Kaya hindi ko siya pinatulog sa kwarto namin.

"Aray!" Reklamo niya. Napatayo siya agad ng aktong hahampasin ko siya ulit.

"Mak bakit?" Gulat na tanong niya sa akin.

Ako naman ay galit na lumapit sa kanya at pinakarga sa kanya si Crystal.

"Ikaw ang mag alaga kay Crystal maghapon! At ikaw na din ang magluto ng breakfast!" Inis na sabi ko.

"Pero Mak may maid naman tayo siya na lang ang magluto"

"Don't call me Mak! Aila ang pangalan ko! At pinag day-off ko ng isang linggo ang maid kaya ikaw ang magluto!"

***

CLARENCE POV

Habang nagluluto ako ng almusal ay panay ang tingin ko sa anak ko na nasa loob ng crib na inilagay ko sa may sala at nilagyan ko rin siya ng maraming laruan para hindi umiyak.

Medyo may hang-over din ako kaya medyo masakit ang ulo ko.

Kasalanan ni Ryder to eh! Sinadya niya atang palasingin ako.

Heto namang si Aila ay halatang asar na asar sakin dahil mukhang ako itong pinaglilihian niya. Oo pinaglilihian. 1-month ng buntis si Aila sa second baby namin. Mabilis ba? Eh, hindi rin naman namin inaasahan yun dahil wala pang 1-year-old si  Crystal.

"Clarence gutom na ko!"

"Sandali lang!"

Aish... Bakit kasi ngayon niya pa pinagbakasyon ang mga katulong namin sa bahay eh.

Nga pala, 11 months ago na simula ng makasal kami ni Aila sa simbahan. Kahit na halatang dahil lang sa Papa ni Aila kaya hindi nagreklamo ang parents ko ay okay lang. Dahil pareho kaming nagdesisyon ni Aila na hindi na namin gagawing dahilan ang parents ko para magkaroon ng lamat ang pagsasama naming dalawa.

Pagkatapos kong maluto ang almusal ay kaagad ng kumain si Aila, pero panay ang reklamo at sigaw niya sa akin kaya iniwan ko na lang muna siya sa kusina at kinarga ko si Baby Crystal ko.

"Baby medyo bad mood si Mommy kaya doon muna tayo sa garden" sabi ko at naglakad na kami papunta sa garden ng bahay.

"Dad?" Nagulat ako ng makita ko ang daddy ko na nasa harapan ng pintuan ng bahay namin.

Tumingin ako sa paligid dahil baka nandito din ang Mommy ko.

"Long time no see Son" Naka-ngiting ni Dad pero mukhang malungkot ang boses. Mula ng makasal kami ni Aila at bumukod ay iilang beses ko pa lang silang nakita.

Pinapasok ko sa loob ng bahay si Dad, si Aila naman ay alanganing bumati sa kanya at kinuha si Crystal sa akin. Alam kong hindi komportable si Aila sa parents ko dahil sa mga nangyari noon.

"Doon muna ako sa taas"

Tumango ako at kinausap ko si Dad.

"Anong ipinunta niyo dito?" Diretso kong tanong. Ayokong maging bastos, siguro ay dahil narin sa mga ginawa nila noon kaya ako ganito sa kanila ngayon.

Huminga muna siya ng malalim bago nag salita.

"Kailangan ka ng Mommy mo"

"What for?" Tumaas ang kilay ko.

"Clarence may sakit ang Mommy mo, leukemia"

Saglit akong natahimik sa sinabi ni Dad. What?!

"Clarence, your mother wants to see you"

"Is she okay?"

Umiling si Dad sa tanong ko.

"The Doctor said it will be only two months for your mom to live" napaawang ang labi ko sa narinig.

Pagka-alis ni Dad ay para akong nanghihinang naupo sa upuan.

Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganito kay Mommy, she is the strongest woman that I know. And knowing that she's suffering from some kind of sickness is giving me a shock. Hindi man siya naging mabuti sa akin noon ay alam kong mahal niya ako and she's my mother after all.

Linapitan ako ni Aila at niyakap.

"Aila, I don't know what to do" I silently blurted out.

"She's still your mom, and she needs you right now"

Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"She made you suffer Aila"

"I know, but I can't change the fact that she's your mother, and she is the grandmother of Crystal" suminghap ako sa sinabi niya.

She's right. Ngumiti ako sa sinabi niya at niyakap ko siya. Swerte ako na isang mabait na babae ang asawa ko.

— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Where stories live. Discover now