prologue // .

354K 5.7K 415
                                    

STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH

RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR

//PROLOGUE//



"I will do everything!" ang sinabi ni Zoe nang ibalitang ie-expel siya sa Westerhaven nang dahil sa picture niyang kumalat sa internet. Pero hindi naman siya makapagreklamo sa ipinaratang na parusa sa kaniya.

Pero hindi naman kasi 'yun 'yun eh, paghampas niya ng palad sa ulo niya habang naglalakad papunta sa president's office. Tama din naman siya. Kung hindi lang nilabas ng traydor niyang photographer ang picture niya para sa susunod na project ng organization niya, edi sana walang ganitong problema. But the damage has already been done. All she has to do now is make up for her mistakes.

Hindi na niya ginawang batiin ang sekretarya ng presidente at agad-agad na pumasok sa loob ng opisina ng matandang panot na may isang pekeng ngiti. Pero ang matamis na pagkurba ng mga labi niya ay agad na sumampal sa lupa nang makita niya kung sino ang lalaking nakaupo sa harapan ng presidente nila.

What the is he doing here? Oh wait, no! How did he get in here?!

Nagtatanong siyang tumingin sa presidente nila. Isa kang traydor! ang gusto niyang isigaw. Just the mere sight of this guy's navy blue uniform is enough to make her blood boil. Bakit may mortal na kaaway dito? Ba't hindi siya namatay sa anti-Prystonian spray nila?! What is happening?! Oh my God! Westerhaven is not safe anymore!

Napalingon sa kaniya ang lalaking kanina niya pa pinapatay sa isip niya.

What is he doing here? How dare he step foot in our territory? Agad na napakunot ang noo ni Zoe nang makita ang infamous nitong hanggang balikat na buhok at ang pagsipsip nito ng lollipop. At mas lalong ikinalalim pa ng noo niya ang pagngiti nito sa kaniya.

Asong ulol lang?

Napatingin siya sa president, naghahanap ng paliwanag kung anong ginagawa ng isang outsider sa loob ng opisina niya.

"Ms. Armamento," pagbati ni panot sa kaniya. "Please have a seat."

Hindi mapigilan ng kilay niya ang paggalaw nito sa isipin na tatabi siya sa lalaking iyon. Pero hindi siya pwedeng magwala doon kaya nama'y hinatak niya na lang ang upuan palayo. Hindi naman ito pinansin ng dalawa niya pang kasama at naupo na siya.

"I assume you two know each other."

"No."

"Yes."

Sinamaan ng tingin ni Zoe ang lalaki pero hindi ito tumingin sa kaniya.

"I do mean that, I know her name and I assume she does know mine. So yes, we do know each other," sagot ng lalaki bago sumandal nang prente sa upuan nito.

"No," sagot naman ni Zoe. "We haven't been introduced and neither will I give the pleasure to."

Narinig niya ang pagngisi ng lalaki sa kaniyang gilid. Ang yabang talaga nito. Siya na nga ang wala sa lugar niya pero siya pa ang nagaangas sa kaniya. "Not that we have to be, babe."

Halos mabali ang leeg ni Zoe sa pagtingin sa lalaki sa tinawag nito sa kaniya. "What did you just call me?"

"Ms. Armamento," pag-agaw ng atensyon niya ng president. Umakyat na ang lahat ng dugo ni Zoe sa mukha niya sa galit sa lalaking katabi. Ano ba kasing ginagawa niya dito? "Jet is here for a reason."

Malamang, edi bakit pa siya nandito kung hindi mo siya ipapapatay sa'kin.

"He is here as the representative of Pryston University for the treaty we made three days ago."

Status: In A Relationship With Rival School's Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon