goals // 5

157K 3.7K 276
                                    


STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH

RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR

//GOALS #5//


HALOS isang linggong hindi nagkita si Jet at Zoe. Mabuti na na iyon dahil nakakasagabal na ang lintik na relasyon nila sa performance ni Jet sa training nila na nasesermonan na siya palagi ng coach. Parang hindi naman kasi naalala ni Zoe na player siya ng basketball. Pero para sa araw na ito, nagkita silang dalawa at hindi niya alam kung saan niya dadalhin si Zoe. Kailangan lang namang makita ng mga tao na okay silang dalawa.

Hawak niya ang kamay ng babae habang naglalakad sila sa mall papunta sa paboritong coffee shop ni Zoe. Sa kabutihang palad, wala namang umistorbo sa kanila na magpapa-picture at nakarating sila ng coffee shop ng matiwasay.

"Ano sa'yo?" tanong niya.

"Ako na o-order at baka lasunin mo pa ko," ganti ng babae sa kaniya na may kasama pang irap. Napasandal na lang siya sa malambot na cushion at pumikit. Hindi niya maisip na kung paano nito nakakayahang magsungit araw-araw. Kung siya siguro iyon ay sumakit na ang ulo niya.

Mabilis na nakabalik si Zoe at naupo sa tabi niya. Inikot niya ang braso niya sa bewang nito at hinatak papalapit. Masungit man, it doesn't change the fact that she's hot and that other guys are drooling over her. He should keep his properties in check, shouldn't he? And damn, he wants to squeeze her tiny waist.

Hindi naman na pumalag ang babae sa ginawa niya at busy na nakatingin sa screen ng phone nito. Curious kung anong ginagawa nito, sumilip siya sa ibabaw ng balikat nito. "What the fuck. Stacks?! Ano ka bata?"

"Bakit ba?!" pagkunot na naman ng noo ng babae. "Nakaka-adik kaya."

"Hindi ka naman marunong. Ako nga!" pagkuha niya sa cellphone nito.

"Aba! Sige, nagmarunong."

Pero bago pa siya makapindot sa screen, tinawag na ang pangalan ni Zoe para sa mga order nila. Biglang nag-vibrate ang cellphone na hawak niya at ang kasunod nito ang paglabas ng notification sa itaas ng screen.

Facetwigram: @saramaganda How could u do this to Jet?!?!!! You snake!! You dont deserve hi...

@megsmcrise AKALA MO NAMAN KUNG SINO KANG MAGANDA. MAY JET KA NA NA NAG TRISTAN KA P...

Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pag-vibrate at lumabas na lang na 397 notifications.

"Oh ano na?" tanong ni Zoe at naupo na muli sa tabi niya. Wala pa din siyang score sa laro at napatigil ang pose ng daliri dahil kamuntik na niyang basahin ang mga sinasabi kay Zoe.

Agad na niyang binalik ang phone ni Zoe sa kaniya bago pa siya makaramdam ng lungkot para sa babae.

"Hindi ka naman naglaro eh," pag-snort nito at 'pag hindi na naman pagpansin sa kaniya. "Loser."

Bigla siyang hindi mapakali kaya naman inintindi na lang ang pagkain ng waffles na nasa harapan niya para hindi na niya maisip kung anong pinagsasabi ng ibang tao kay Zoe. You hardly care, Jet. Shut up. Asarin mo na lang siya. Diyan ka naman magaling eh.

"Kadiri ha," sabi ni Zoe nang itapat niya ang tinidor sa bibig nito. Pero sinubo naman.

"Arte pa," bulong nito sa kaniya.

"Eh kasi naman? Iisang tinidor? Eww. Indirect kiss. Yuck."

"Bakit, gusto mo ba direct?" pag-akbay at pagngisi niya kay Zoe.

"Yuck please. Don't you dare," pagtulak sa kaniya nito kahit hindi naman siya gumalaw.

"Ah, deny ka pa." At nakuha niya pang dilaan ang mga labi niya.

"Ugh." Hindi naman matago sa mukha ng dalaga na nandidiri talaga siya. "Gross." Tinulak nito ang mukha ni Jet.

Agad namang napaliyad si Jet na parang napaso siya. "Kung saan-saan mo hinahawak 'yang kamay mo tas ipapahid mo sa mukha ko? At tsaka as if namang hahalikan kita. Psh." Pagkalas niya pa sa hawak niya sa babae.

"Ang arte mo. Sino kaya sa'tin diyan mukhang madungis? Ano bang keme mo ha? Para ka bang si Kenji ng SDTG at ayaw magpagupit dahil sa ex?!"

"Hindi ganoon 'yun."

"Eh ano lang?"

"Wala. Hindi ba pwedeng magpahaba ng buhok?"

"Ang dungis mo!" Naningkit ang mga mata ng babae na parang hinahamon siya na kalabanin pa siya nito.

Muntikan na siyang matawa sa itsura nito pero mas pinili na lang niyang umubo at umiwas ng tingin. "Wala kang paki." May binulong pa ang babae pero hindi niya nadinig. "Anong sabi mo?"

"Wala!" sigaw na pabalik ng babae at tumayo na para lumabas ng coffee shop.


xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox


"WALA!" sagot ni Zoe. No way na uulitin niya na sinabi niyang cute si Jet. Tsss. In fairness naman sa araw na ito at mababa ang baha ng pagsasama nilang dalawa. Hindi din masyadong mainit ang ulo niya kay Jet ngayon. Paano ba naman, nakabawi na siya at kahit hindi niya alam kung anong ginawa ng president ni Jet sa kaniya, masaya na siya sa naisip na nakaganti.

Hmph, burn Jet.

"Wait up!"

Narinig niya pero hindi pa din siya tumigil sa paglalakad hanggang sa makarinig siya ng isang pag-ring ng cellphone. Sinilip niya ang cellphone niya pero hindi naman kaniya.

"Hello?"

Napalingon siya nang makitang kay Jet pala ang tawag. Napairap siya at nagsimula nang maghanap ng panibagong ringtone. Eww naman kung may katulad siya. Like duh?

"Ahh... nasa mall lang. Pauwi na... oo sige... isasama ko... bye."

Narinig niya paghabol na mga yabag ni Jet bago siya narating nito at umakbay sa kaniya. Sinubukan niyang alugin ito para malaglag pero lalo lang ito humigpit. Seryoso bang kinakailangan ng ganito?

"Hoy, para lang alam mo, nandidiri din ako na hinahawakan kita," bulong sa kaniya ni Jet. "Ano ka, swerte? Pasalamat ka nga nakakalibre ka ng hawak sa'kin."

"Ay ang kapal. Sino kaya sa'tin ang mas swerte? Excuse me lang ha? Baka hindi mo kakilala kung sinong inaakbayan mo ngayon?"

"Ah, sino ba?" pangaasar ni Jet. "Ito ba 'yung babaeng nakutya internationally dahil sa sexy picture niya?"

Agad na nag-init ang mga pisngi niya. Totoo nga naman umabot ang controversial niyang picture sa ibang bansa. People judged her. Pero sinadya din naman niyang gawin iyon para makita ng mga tao. "Yeah, I am that girl. And don't you dare na hindi aminin na hindi mo din ako pinagpantasyahan. We both know you want me in your bed when that photo leaked out. So excuse me lang ha." Mabilis na siyang naglakad at iniwanan si Jet.


xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox


ISANG ngisi lang ang lumabas sa mga labi ni Jet. Zoe, I still want you in my bed. And soon, madadala na din kita sa isang kwarto. In fact, when the sun rises tomorrow, you will wake up in my arms.


Status: In A Relationship With Rival School's Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon