goals // 3

168K 3.9K 257
                                    


STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH

RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR

//GOALS #3//


BAGO pamandin matapos ang gabing iyon, mabilis na kumalat ang balitang sila na nga ni Zoe. Kung tutuusin, hindi naman iniisip ni Jet na masama ang maging girlfriend niya si Zoe. Sa katunayan nga't, hindi din niya matiis ang offer ng presidente sa kaniya para magpanggap. Lalo na noong sinabing si Zoe nga ang magiging girlfriend niya.

Kahit sa magkabilang bakod sila lumalaban, hindi maitatanggi ni Jet na may pagtingin siya sa dalaga. He thinks she's hot. Oh wait, he doesn't think she's hot. She is hot. Noong kumalat ang picture ni Zoe na ang mahabang buhok at sariling mga palad lang ang pantakip nito sa dibdib sa isang photoshoot, aaminin niyang uminit ang katawan niya nang makita ito. Pumunta siya sa ilang lugar kung saan madaming taga-Westerhaven. Gusto niya kasing makita ng sarili niyang mga mata kung totoo nga ang mga sexy na kurba ng katawan ni Zoe.

Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ugali nito. He wasn't aware how much Zoe hates them. Pero kahit na ganoon ang ugali nito, kaya naman niyang tiisin lalo na ngayong na-turn off na siya sa kaartehan nitong taglay, hindi na mahirap sa kaniya na mawalan ng pakialam dito.

"Kailan pa 'yun, pre?" tanong ni Xander sa kaniya. "Parang wala ka namang nabanggit." Kanina pa nakakunot ang noo nito habang nagpupunas ng buhok gamot ang twalya dahil kakatapos lang nilang mag-shower.

"Hindi ko din alam," sagot ni Jet at sinarado na ang locker niya at naglagay ng relos.

"Tangina," pagtawa ng isa niya pang teammate na si Xavier na kakamabal ni Xander. "Hindi mo alam kung kailan naging kayo?"

"Wala naman akong paki sa date. Tangina naman," sabi niya. Normal na sa kanilang mga lalaki na hindi nila alam kung kailan sila sinagot. Basta ang importante nakuha nila ang "oo" ng babae.

"Pero, pre, lakas ng loob mo ah?" sabing muli ni Xander na nagsusuot na ng tshirt. "Nag-girlfriend ka ng kalaban. Ano na lang sasabihin ni Goldie niyan?"

Napatigil siya sa pagbubutones ng polo sa pangalan ng ex-girlfriend niya. "Wala akong paki," malamig na lang niyang tugon at nagmadali nang tapusin ang pagbibihis at sinukbit na ang bag sa balikat. "Una na ko."

Humabol pa ng tawag ang dalawa niyang kaibigan pero hindi na niya ito pinansin. Kahit ilang beses niyang sabihing wala siyang paki sa ex-girlfriend niya, hindi din niya mapigilan na patambayin ito sa utak niya. Pero mabuti na lang bago pa mangyari ito, nag-ring ang cellphone niya.

"Zoe"

Hindi niya ito sinagot pero muling tumawag kaya pinindot na niya ang screen. "Oh ano?"

"What the hell did you tell everyone at the party, you bastard?!"

Napangisi na siya dahil alam niya kung anong ibig sabihin nito. Akalain mo nga namang natuwa pa siyang kausapin 'tong babaeng 'to.

"You told them that I practically live with you in your condo and that I'm the most clingy girlfriend ever. What the fuck, Jet?!"

Sa dalawang pagkakataon nilang magkasama, tumatak na sa isip niya ang namumulang mukha at kunot na noo ni Zoe dahil parating namang ganoon ang ekspresyon ng mukha nito kapag magkaharap sila. "Sorry, babe. Iniwanan mo kasi ako pagpasok natin ng hotel room eh. Now, who's at fault?"

"Grrrrr!" na lang ang sinabi ni Zoe at narinig niya ang pagpapadyak nito sa sahig. Inalis na niya ang cellphone sa tenga at binabaan ang kausap.

Damn, annoying her feels good.


xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox


SHE'S going to kill him. Everyone's assuming that she spends most of her time with Jet and is asking whether he is going to pick her up after class. At doon nga niya naisip na magpasundo kay Jet. Two can play a game.

SINCE THIS IS YOUR FAULT, PICK ME UP AFTER CLASS 4PM SHARP. IPAKITA MO NA AKO NA NGA ANG CLINGIEST GIRLFRIEND SA BUONG MUNDO ☺️👊🏻

"Calling the attention of Zoe Armamento of 1CA3. Please proceed to the rector's office."

Dalawang beses pang inulit ang mensahe at habang naglalakad si Zoe, pinagtitinginan siya ng mga tao. She can swear that someone whispered na kaya siya pinapatawag ay dahil nag-boyfriend siya ng isang Prystonian.

Oh please, pag-irap ng mga mata ni Zoe. Are people really like this nowadays? Just how stupid is that?

"Zoe," pagbati sa kaniya ni Panot. Mukha namang alive na alive for the first time simula nang mabahidan ng mantsa ang pangalan ng unibersidad nila. "Good job on your first date with Jet."

Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat kaya naman hindi na lang siya sumagot. "So does that mean we can end this sooner?"

"Most probably. You may leave now."

What?! Matapos siyang maglakad? Iyon lang ang sasabihin sa kaniya. Kung sabagay wala din naman siya sa mood makipagusap sa Panot na 'to at baka kung ano lang masabi niya. Iisipin na lang niya muna ngayon kung anong mangyayari kapag dumating na si Jet sa lungga nila.

Status: In A Relationship With Rival School's Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon