VerKwan

261 10 8
                                    

Dahil wala pang nananalo sa sinabi ko last chapter.

Sila muna. Inspired ako sa brokenhearted na si Boo. Hahahaha.

***
VERNON
***

151224

Kauuwi lang namin sa dorm. Pagod na pagod ako galing sa concert. But I enjoyed seeing our fans happy. Tumingin ako sa phone ko nung tumunog yon.

---
From: Baby Sophia

Oppa, nakauwi na kayo?

---

Si Sophia lang pala. Paano niya nalaman na tapos na ang concert?

---

To: Baby Sophia

Yeah. Paano mo nalaman na tapos na yung concert?

---

From: Baby Sophia

Naka-livestream ako kanina.

---

What?! May nakalusot pa rin pala. Magagalit si CEO kapag nalaman niya 'yon.

---

To: Baby Sophia

Pasaway ka. Bawal 'yon. Anyway, matulog ka na. Masyado ng gabi.

---

Bigla ko tuloy silang na-miss nila Mom and Dad. Hay.

---

From: Baby Sophia

Okay. Merry Christmas Kuya. Saranghae~ ppyong!

---

Natawa ako sa ka-cute-an ng kapatid ko.

---

To: Baby Sophia

Good night Baby. Merry Christmas to you and to Mom and Dad too. Nado saranghae.

---

Ilang minuto pa ko naghintay. Hindi na nag-reply si Sophia. I guess she's peacefully sleeping now. I miss her so much.

*knocks*

I turned to look at the bedroom's door. Its Seungkwan.

"Hoy Noo! Kain daw tayo sabi nila Hyung!" Imbes na iwan ako, lumapit siya sakin at hinila yung kamay ko. Sa lakas niya nahulog ako sa kama.

"Aray!" Sabay hawak ko sa ulo kong tumama sa sahig.

"Bangon na kasi. Tara na," excited lang 'to sa pagkain eh.

Paglabas namin ng kwarto, as usual, maraming in-order na pagkain. Maraming ding rice cakes at may cake pa silang binili.

"Merry Christmas~!" Masayang sigaw ni Seungkwan. Masaya kaming umupo ng magkakaharap. Binati muna namin ang isa't isa bago nagsikain. Ang sarap nung mga pagkain. Nalaman namin na may padala ding pagkain yung parents ni Seungkwan.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nasa kwarto na ulit ako. Matutulog na ko nung maisipan kong buksan yung private Twitter account ko. Busy ako mag-scroll nang may mapansin ako. Isa 'to sa mga fansite ko at may isang babae silang topic. Ang sabi doon sa post ng babae from tumblr, nakita niya daw kami sa Hong Kong at fan ko siya. May iaabot daw dapat siyang USB sakin pero nakita siya ni PD-nim. Hmm.

Kilala ko siya!

Siya yung umiiyak habang naghihintay kami ng taxi pabalik sa hotel. Nag-scroll pa ko at nakita ko yung post ng isang fansite ko. Iyon yung picture nung fan na nakakita samin. Ang cute niya. Sabi niya Chinese siya pero kapag tumingin ka sa kanya, hindi 'yon halata. Pareho kami, mas nangingibabaw yung foreign looks.

Seventeen Adventures: I Adore UWhere stories live. Discover now