16

88 4 3
                                    

16

•Flashback•

Mabilis ang pangyayari, nasa Yoseodo na agad si Jeonghan. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Biglang umunlad ang maliit na probinsya. Naninibago siya sa lugar.

Hindi inaasahan ni Jeonghan na may biglang babangga sa kanyang lalaki.

"Sorry," hindi man lang siya nito tinignan sa mga mata at nilampasan siya. Hindi masyado nakita ni Jeonghan ang mukha nito dahil may suot itong pulang cap. Binalewala na lamang niya ito at naglakad muli.

Sa paglalakad niya nakakita si Jeonghan ng maliit na tindahan ng fish cake, bibili na sana siya ng hindi niya makapa ang wallet niya. Biglang kinabahan si Jeonghan at naglakad siya pabalik sa port. Doon, nakita niya ang lalaking naka-red na cap na nakasakay na sa paalis na barko, tumingin pa ito kay Jeonghan habang winawagayway ang nawalang wallet ni Jeonghan. Umarte pa ito na may timatawagan sabay tawa. Kinapa ni Jeonghan ang phone niya pero wala rin ito sa kanyang bulsa.

"Hoy! Bumalik ka dito! Ibalik mo 'yang gamit ko!" Hindi na siya pinansin ng lalaki at tinalikuran siya.

Wala nang nagawa si Jeonghan kaya in-enjoy niya nalang ang paglilibot sa Yoseodo. Dinaanan niya rin ang bahay na minsan na nilang tinuluyan noong nasa Yoseodo sila. May mag-anak na masayang kumakain sa labas noon. Bigla niya naman naalala ang masayang alaala ng grupo nila sa bahay na 'yon.

"Hijo, isa ka doon sa mga artistang pumunta dito noong isang taon di ba? Yung Sebongtin?" tanong sa kanya ng isang matanda.

"SEVENTEEN po. Hehe. Opo, isa nga po ako don," medyo natatawang sabi ni Jeonghan. Natutuwa din siya dahil may nakaka-alala pa pala sa kanila.

"Sabi na nga ba! Hindi ko makakalimutan 'yon dahil ako iyong nagbigay ng bigas sa inyo ngunit ibinalik niyo naman," malungkot na sabi nito.

"Ah. Inutos po kasi 'yon ng mga staff, pasensya na po. Pero maraming salamat din po sa inyo," magalang na sabi ni Jeonghan.

"Ayos lang 'yon. Oo nga pala, bakit ka andito? May shooting ba ulit kayo? Bakit mag-isa ka lang?" tumingin tingin pa ito sa likod ni Jeonghan para siguraduhin na mag-isa lang ang binata.

"Mag-isa lang po ako, gusto ko lang maglibot dito, babalik din po dapat ako sa Seoul bukas kaso, nawala po yung wallet ko. Nanakawan po ako," nalungkot din ang matanda sa narinig.

"Naku! Doon ka muna sa bahay namin. Tutulungan kitang makabalik sa Seoul. Pero ayos lang ba kung sa isang linggo ka pa makakauwi? Wala rin kasi akong pera dito, sa susunod na linggo pa ang uwi ng apo ko," natuwa siya sa narinig.

"Opo! Okay lang po! Wag po kayong mag-alala, babayaran ko po agad kayo pagbalik na pagbalik ko sa Seoul.

Tinanggap ng matanda si Jeonghan sa kanyang bahay. Pinakain at pinatulog niya ito sa loob ng bahay niya. Masaya si Jeonghan na malaman na may mga ganito pa palang tao. Napakabuti ng matanda.

Kinabukasan ay isinama siya nito sa isang salon na nasa dulo ng Yoseodo. Dadalaw daw kasi ito sa kaibigan at dahil wala namang gagawin si Jeonghan ay sumama na siya.

"Aba, napakagandang bata naman pala ng kasama mo," puri sa kanya ng isang nag-gugupit ng buhok.

"Aba syempre! Artista kaya itong si Jeonghan!" Pagmamalaki ng matanda.

"Hijo, gusto mo ba putulan natin ang buhok mo? Pansin ko kasi may mga split ends ka," alok ng isang lalaki na tagagupit ng buhok. Si Jeonghan naman na busy sa kakatingin sa mga pictures na nakadikit sa salamin ay nakaisip ng magandang idea.

"Pwede po bang katulad nito?" Itinuro ni Jeonghan ang isang picture na may napaka-ikling buhok.

"Oo naman!" Sagot ng matanda.

"Kaso wala po akong pera.. wag na lang po siguro," malungkot na sabi ni Jeonghan.

"Ano ka ba! Libre na 'to!" Tumawa ang matanda.

Tumayo naman ang isang may edad na babae na kulay green ang buhok at tinapik ang balikat ni Jeonghan. "Maganda rin kung gagawin nating blonde ang buhok mo. Mas lalong babagay 'yan sayo. Wag ka mag-alala, libre ko 'to," napangiti si Jeonghan sa kabutihan nila.

.
.
.
.
.

Makalipas ang mahigit isa't kalahating oras ay natapos na ang pag-aayos nila sa buhok ni Jeonghan.

"Bagay na bagay sayo, Hijo!" Puri ng matandang kumupkop sa kanya.

Natuwa naman si Jeonghan sa papuri nila sa itsura niya.

"Promise, pag-uwi ko po ng Seoul babaya—" pinutol ng matanda ang sasabihin niya.

"Ano ka ba, sabi namin libre 'to. Hindi mo kailangan magbayad," nginitian nilang lahat si Jeonghan.

Dahil medyo nahihiya si Jeonghan, tumulong na lamang siyang magwalis sa loob ng salon. Inayos niya rin ang ilang gamit na hindi na maabot ng matandang may-ari ng lugar.

"Nabalitaan niyo ba? Yung isang barko daw na pabalik ng Seoul, nasunog!" Pagkukwento ng babaeng may green na buhok.

Jeonghan felt bad para sa mga sakay ng barko.

.
.
.
.
.

Kinabukasan, maagang nagising si Jeonghan at tinulungan ang matanda na magwalis ng bakuran. Nakita niya rin muli ang ilang ahjumma at ahjussi na tumulong sa kanila noong andito sila sa Yoseodo. Natutuwa si Jeonghan na malaman na sinusuportahan pala sila ng mga ito.

Tanghalian na ng maisipan ng matanda na buksan ang TV habang kumakain sila ni Jeonghan.

"Isang member ng idol group na Seventeen ang nasama sa nasunog na barko na pauwi na sanang Seoul. Kinilala ang bangkay na si Yoon Jeonghan. Hindi pa nagbibigay ng komento ang Pledis Entertainment tungkol sa issue na ito.."

Nagulat si Jeonghan at ang matanda sa narinig nila. Gusto man tumawag ni Jeonghan sa Manager niya pero wala rin ang phone niya.

"Kasalukuyang nasa ***** hospital sa Yoseodo ang bangkay ng idol.."

"S-saan po 'yung hospital na 'yon?" Tanong ni Jeonghan sa matanda.

"Ayon yung ospital na malapit sa grocery store," tinulungan siyang tumayo ng matanda at hinila siya sa labas ng bahay. "A-ayan may lumang bike ako dyan, gamitin mo para makarating agad doon. Alam mo naman ang daan, hindi ba?" Tumango si Jeonghan at sumakay na sa bike.

Medyo luma na ang bike at puro kalawang pero ayos pa naman. Ngunit nang malapit na siya sa ospital, isang kanto nalang ay natanggal ang gulong nito sa unahan.

"Sh*t!" Wala nang ibang nagawa si Jeonghan kundi tumakbo na lamang papuntang hospital.

Hindi ako patay!

Hindi pa ko patay!

Hindi!

Seventeen Adventures: I Adore UМесто, где живут истории. Откройте их для себя