11. Kamay na Bakal (Mine)

116 22 6
                                    

At dahil tema ko din ang pulitika, meron din naman akong hinanaing bilang isang mamayan. Kahit 'di pa ako isang botante kaya din naman gumawa ka ng tula para malaman din ng iba ang hinanaing mo. Tama diba?

Kamay Na Bakal

Ang patakaran ay dapat matupad

Paano kung maraming makupad

Sa kongreso na kasing bagal ng alimasag

Lalo na at sila rin ang bumabasag


Ang mga pangakong nalipasan

At ang mga nakaupong lumisan

Patuloy parin kaya ang kadumihan

Oras na ba para madapuan


Ang pangako ng kamay na bakal

Handa kaya ito upang kumapal

At patunayan ang mga binitawan

Hindi pa ito ang kawalan


Ang unang nasasabi na siyang lalaban

Tagilid ang palakad wala sa tuwid na daan

Ito kaya ang manatili sa kaipitan

Magbabago ba ito para sa kabutihan


Maaaring tao rin ang siyang may kasalanan

Pagkat naging tagapili para lamang sa halalan

Kung walang makikibaka sa kasalukuyan

Walang mangyayari para mangyari ang kalinisan


Isa akong estudyante mulat sa katotohan

Sapagkat yun ang siyang naaananinagan

Sa resulta ng nasa kaitaasan

Kamay na bakal ba, ang bagong kasagutan

POEMS: Thoughts of ExistenceWhere stories live. Discover now